BS #16.5: MANIWALA KA, PLEASE

335K 5.2K 1.2K
                                    

BS #7: MANIWALA KA, PLEASE

MELISSA QUIZON

 

 

“Pumunta ako ng Cebu, hindi para makipag-business meeting kundi dahil kay Claire. Nabalitaan ko na wala na sila ng boyfriend niya. Maybe she already realized that I’m the one for her. We talked about you. How.. How could I get rid of you. Kasama ko siyang umuwi dito sa Manila kasi parte iyon ng plano, na kailangan ka naming saktan para hindi na maghabol pa. At ipamukha sa’yo na ginago at ginamit lang kita para pagselosin siya.” Tumikhim ito para maalis ang namuong bara sa kanyang lalamunan. “Nung araw din na umalis ka, nabalitaan ko na palugi na ang kompanya namin. Si Daddy, nalulong siya sa sugal. Lahat ng ari-arian namin naipatalo niya. Araw-araw pala ay pinupuntahan kami ng bangko para sabihin na kukunin na nila ang mga bahay at lupa namin.”

Halos dumugo ang labi ko dahil sa diin ng kagat ko para pigilan ang mga luha na nagbabadyang lumabas sa mata ko. Kumuyom ang kamay ko dahil sa mga sinasabi niya halos malukot ang damit na hawak ko dahil sa diin niyon.. Ngayong sa mismong labi na niya lumalabas ang mga rebelasyon, bumabalik na naman ang bawat sakit na naramdaman ko n’on. Ang araw-araw na pag-iyak ko, ang pang-i-insulto sa akin ng mga schoolmates ko, ang panlalamig ng pakikitungo sa akin ni Lola. At ang mas masakit pa? Naaalala ko na naman ang araw na pagmamakaawa ko sa kanya, ang pagpapaalis niya sa akin, ang hindi niya pag-ako sa anak ko. Lahat ‘yun bumabalik na naman. Ang hirap.

“Pero bumalik ka uli. At sinabi mo na, buntis ka at ako ang ama. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nalito ako. Palugi na ang kompanya namin, walang wala na kami. Maski ako ay walang kasiguraduhan ang kinabukasan.”

“Kaya mas minabuti mo na ipaglaglag ang anak ko? Ganun ba?” Matapang kong saad. “Wright, ang daming paraan. Hindi naman namin hahangarin ang marangyang buhay. Hindi naming kailangan ‘yun. Ang gusto ko lang ay buong pamilya ang kamumulatan ng anak ko. ‘Yun lang pero hindi mo naibigay. Sarili mo lang ang iniisip mo.”

Naghirap ang mga mata nito. Tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Madiin kong pinagdikit ang labi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Yumugyog ang mga balikat nito at may mga munting hikbi na rin na lumalabas sa bibig niya. Ilang minutong ganoon ang itsura niya. Nakayukom na rin ang mga kamay niya na nakaharang sa gilid ko.

“Pinilit ko.. Pinilit ko na isiping kaya kong bigyan ng magandang buhay ang anak natin. Sinikap ko. Pero, Melissa, paano ko magagawa iyon? Lumaki ako sa mayamang pamilya. Hindi ako ang nagbabatak ng katawan para lang may makain. Isang pitik ko lang andiyan na agad ang kailangan ko. Paano ko kayo bubuhayin kung maski ako, hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang sarili ko.” Inihilamos nito ang isang kamay sa mukha. Ngunit kaaalis lang niya ng kamay niya ay agad na tumulo ang luha sa kaliwang mata nito. “At kung panagutan ko man si Reid, paano kung hindi ako magtagumpay? A-Ayoko.. Ayokong pagdating ng panahon.. Sisihin ako ng anak natin dahil hindi ko nabibigay sa kanya ang mga pangangailangan niya. Hindi siya kumakain ng tatlong beses isang araw. Asin lang ang kaya kong bilhin para sa inyo. Wala tayong tirahan kundi ang kalsada at ilalim ng tulay. Hindi ko kayang makitang ganoon ang buhay natin.”

Hindi ko na napigilan ang luha na parang dam na bumuhos. “Duwag ka, Wright. Akala mo ba pera lang ang mahalaga sa mundo? Nagkakamali ka. Ang tanga mo.”

Nabalot ng sakit ang kanayang mga mata nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Parang nanghihina nitong inalis ang mga braso na nasa magkabilang gilid ko at bumagsak iyon sa tagliran nito. Umatras din siya ng kaunti.

“Iniwan mo kami para lang sa walang kwentang dahilang iyon? T-ngna!” Dagdag ko. “Gusto mong ipa-abort si Reid para sa mababaw na dahilang iyan?!! Paano kung ginawa ko iyon, ipinalaglag ko si Reid, iiwan mo pa din ako, hindi ba? Wala ng natira sa akin. Mababaliw ako.”

“Melissa..” Naghihirap na sabi nito. “N’ung nasa Amerika ako, ilang beses kong sinubukang ipahanap kayo at puntahan. Pero, nagkasakit si Papa. Nagka-cancer siya. At ayaw akong paalisin ni Mama dahil anu mang oras ay mamamatay na si Papa. Gusto niya nasa tabi niya ako kung dumating man ang oras na iyon. Hindi ako makaalis. Itong bahay na ito, pinapagawa ko ‘to n’ung mga oras na iyon dahil gusto ko dito na tayo manirahan kapag nahanap ko na kayo.”

“At sa tingin mo, ganoon kadali iyon? Na sa isang iglap lang sasama kami sa iyo dahil lang sa sinabi mo at sinusuhulan mo kami ng magagarang bagay na iyon?!!”

“Ang gusto ko lang.. mabuo tayo.” Mahina nitong sabi.

 “N’ung araw na piangtabuyan mo ako at sinabi mong hindi mo ako mahal, nawasak ako. Dahil sayo, Wright. Winasak mo ako. A-Ang sakit.” Nabasag ang boses ko at yumugyog ang aking balikat. Napaluhod ako dahil sa panghihina.

Agad na lumuhod si Wright sa harap ko at pinalibot ang mga braso sa balikat ko. Hindi na ako nagpumiglas pa dahil ramdam ko na ang panghihina niya at ganoon din ako. Siniksik ko ang ulo sa dibdib nito. Pareho kaming humihikbi ang yakap ang isa’t-isa. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon.

“Mahal kita, Melissa.” Bumulong nito sa tainga ko. Natigil ang paghikbi ko nang marinig iyon. Hinarap niya ako sa kanya at nakita ko ang sinseridad sa mga mata nito. Inalis nito sa mukha ko ang iilang hibla ng aking buhok. “Na-realize ko iyon n’ung nasa Amerika na ako. N’ung wala ka na sa piling ko. Palagi kong iniisip kung ayos lang ba kayo, umiiyak ka ba araw-araw dahil sa akin, naghilom na ba ang sugat na ginawa ko.. Iniisip kita. Iniisip ko kayo. Kasi hanggang doon nalang ang kaya kong gawin para makasama ko man lang kayo kahit sa isip ko lang, kahit sa pangarap ko lang.”

Ngumiti ito ng malungkot. Hindi ako makapagsalita o mas tama bang hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam kung maniniwala ba ako.

Pinagdikit nito ang mga noo naming at pumikit. Hinaplos ng mga kamay nito ang pinsgi ko. “Maniwala ka, please. Hindi si Claire ang totoo kong mahal, ikaw. Hindi kita masisisi kung hindi mo ako tatanggapin ngayon. Patutunayan ko sa’yo na mahal talaga kita. Mahal ko kayo ni Reid.”

Tama na.. Ayoko na. Sapat na ang mga narinig ko.

Tinulak ko ito at mabilis na tumayo. Napaupo siya sa sahig dala na rin siguro ng panghihina at tulalang tumingin sa kawalan.  Pinunasan ko ang luha na natuyo na sa pisngi ko. “The tables have turned, dati ako ang umiiyak sa harap mo at nagmamakaawang tanggapin mo, ngayon, ikaw naman ang nakaluhod, Wright, at katulad ng reaksyon mo noon, wala rin akong pakielam sayo. Maayos na ang buhay namin ni Reid. ‘Wag mo na sana kaming guluhin pa. Hindi ka na namin kailangan.

Binuksan ko ang pinto at mabilis na bumaba ng hagdan. Mula roon ay narinig ko ang malakas na sigaw ni Wright. May bahid iyon ng sakit at paghihirap.

Hinagilap ko ang bag ko na nasa taas ng Grand Piano. Pinatong ko nalang sa blouse ko ang binigay nitong t-shirt. Saktong paglabas ko ng gate ay may dumaang taxi kaya mabilis ko itong kinawayan. Sinabi ko ang address ng bahay namin at pagkatapos ay bumuhos na ang luha sa mga mata ko.

Mahal kita, Melissa.

 Patutunayan ko na, mahal ko kayo.

Lagi ko kayong iniisip.

For the Nth time, pinagkait ko na naman ang karapatang makilala ng anak ko ang kanyang ama.

-------

UNEDITED. Sorry kung late ha. Sorry din kung maikli yan lang ang nakayanan kasi may quiz pa ako this coming saturday. Pinilit ko lang kasi naaawa na ako sa inyo. :) Salamat sa pagbasa. :)

UPLOADED: JULY 3, 2014

SWEETKITKAT LOVES YOU ALL!!

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Where stories live. Discover now