XII. Reward

1K 28 2
                                    

Kabanata 12

Reward

Nag-dinner kami sa isang restaurant sa bayan. Libre niya syempre, pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Tsk. Siya talaga ang ultimate pabebe sa aming dalawa.

Nang nakabalik siya galing sa pag-order kinausap ko na siya. Hindi ko na matiis na hindi niya ako pinapansin. "Huy! Darling ko! What's the matter?" tanong ko sa kanya, pero tiningnan niya lang ako nang masama.

"Pabebe."

"Mainam na 'yung pabebe kaysa naman sa easy to get!" he said.

Aba at talagang!

"Hoy, Darling! For your information, I did it for Val, para makuha ko 'yung number nung isa doon!"

"Kailangan ba may pa-holding hands? Gano'n? Pwede namang pahingi ng number or bakit hindi na lang si Val ang humingi, 'di ba?" he asked.

"Well, okay!" nilakasan na niya ang sabi doon. Nakakainis! Tsk, tsk. Pero ang cute niya pa rin.

"Well, sorry po, Boss Darling!" sabi ko at bahagya naman siyang napangiti dahil doon.

"Uy, hindi na 'yan galit!"

"Matitiis ba naman kita? Nasaan na ang reward ko?" sabi niya sabay tawa. Napatawa na rin tuloy ako. Nako nga, Darling naalala pa nga 'yun, hindi ko na lang pinansin.

Kumain lang naman kami at inihatid niya na rin ako pauwi. Tahimik lang siya habang kumakain kami, nakakapanibago nga, e. Kahit pauwi tahimik lang din kami. Hindi ko na rin siya kinulit dahil baka pagod siya dahil sa laro nila kanina.

Pinagbuksan niya naman ako ng pintuan at pagkatapos kong bumaba ay isinara niya na iyon.

"Uhm, salamat, Darling."

"Good night, Daff. Nasaan na ba ang reward ko?" bigla siyang nag-pout sa akin, nagpapa-cute.

"Uh... close your eyes!" natatawa kong sabi sa kanya. Isinara niya nga naman ang mga mata niya.

Uto-uto.

"Nasaan na?"

Dahan-dahan ko namang inilapit ang mukha ko sa tainga niya. "Ito oh..."

At idinampi ko ang aking labi sa kanyang pisngi. Napapikit ako sa ginawa ko. I really did that! I kissed him on his cheek! Oh! My! Goodness!

First kiss ko 'yon! Kahit hindi man sa lips! First kiss ko pa rin 'yun! At talagang ako pa ang nanghalik!

A kiss for a reward?! Ano na ba ang nangyayari sa akin?! Ang dami-dami namang reward pero bakit 'yun ang naisip ko?!

Nang umayos ako nang tayo ay nakita kong nagulat siya sa ginawa ko at mamula-mula na ang pisngi niya. Ako rin naman nagulat sa kaya kong gawain.

Kaagad naman akong nag-wave sa kanya at nagtatakbo na ng mabilis papasok sa gate. Nang makalayo ako ay lumingon ako para makita kung nandyan pa ba siya pero nakaalis na siya.

Kaya naman tumigil ako sa tapat ng pintuan at doon pinagsasampal ng bahagya ang sarili ko. "Ugh! Daffney, ikaw pa ba 'yan?" tanong ko sa sarili ko. Nababaliw na yata ako! Bakit ko ba kasi siya kiniss?!

"Hoy! Naluluka ka na ba?!" nagulat ako bigla nang sinita ako ni Terrence.

Inirapan ko na lamang siya at nagdiretso na ako pagpasok sa bahay. Panggulo siya ng moment! Kinikilig pa ako dito, e!

Dumiretso na ako sa kwarto namin at pagdating ko sa kama nagtatalon ako. "OMG!" sumalampak ako sa unan ko, umupo ako at niyapos ang unan ko! My heart is so damn happy! Bakit ganito?

Nakita ko namang nakakunot na ang noo nina Val at Tori, at ang bagong pasok sa kwarto na si Rienne nagtatanong na kung bakit ako nagkakaganito. Kaya naman kwinento ko.

"Hmm... wala naman, nag-dinner lang naman kami," sabi ko nang kinikilig pa rin.

'Yung kiss! Haaay!

"Oh, tapos?" tanong ni Tori na para bang sinasabing wala namang nakakakilig 'dun.

"Ayun kiniss ko siya!" tapos tinakipan ko ang mukha ko. Nakitang kong nanahimik sila, at nang tanggalin ko na ang kamay mo ay nagtatalon na sila.

"Ikaw ang kumiss?!" gulat na gulat na tanong sa akin nung tatlo. Tumango ako at kinikilig pa rin. Tinakpan ko ulit ang mukha ko. Gosh! Sobrang init!

"O! M! G! Guys, babae na si Daffney!" sigaw ni Rienne habang nagtatatalon, at ayun nagtatalon na kaming apat. Para kaming mga ewan!

Nang humupa na ang kalukahan namin ay 'tsaka ulit nagsalita. "Hmm... sa cheeks lang naman."

At nakita kong na-disappoint sila. Sabi na, e! "Akala ko naman sa lips!" sabi sa akin ni Tori.

"Well, matagal-tagal pa 'yun, ni hindi pa nga siya nanliligaw eh?"

"What? Why?!" takang-taka na tanong ni Val.

Nagkibit-balikat lang ako. "Ano na ba kayo?" curious na tanong ni Rienne. Natauhan ako. Hindi ako makasagot kasi... hindi ko rin naman alam kung ano na nga ba kami? Ano ba talaga kami?

When We HappenedWhere stories live. Discover now