I. My Type

4.1K 72 8
                                    

Kabanata 1

My Type

Pagka-labas na pagka-labas ko naman ng club ay nadatnan ko na kaagad ang apat kong pinsan at si Kuya Daffin na nakapa-meywang sa labas ng sasakyan habang nasa loob na sina Val at iba ko pang mga pinsan.

"Why?" I asked confidently.

"Not that boy, Daff."

My forehead creased at what Terrence just said. "Ha? Boy?" I asked. Sino bang boy?

"Si Darlin. Chic magnet 'yun, kaibigan namin siya kaya kilala namin siya," ani Lincoln.

Well, no wonder, kaibigan nga nila 'yun. Pare-parehas naman silang mga chic magnet!

Kaagad naman akong kumontra. "He's not my type!" I told them.

"From what I've observed, ngayon ka lang naging ganito ka-interesado kausapin ang mga lalaki," Kuya Daffin said while his arms were crossed.

"Well, kuya, kinausap niya ako kaya kinausap ko rin siya 'cause it will be rude if hindi ko siya pansinin dahil kaibigan niyo siya, right?" I defended, because oh-no-never ko magiging type ang chinitong 'yun!

"Binabalaan ka lang namin, okay?" he said.

"Well, if hanggang friends lang naman talaga, edi sige! Tara na nga!" sabi ni Vellix sabay pasok na sa sasakyan, pumasok na rin tuloy ako. Ang weird nila? Mga feeling tatay. Mga chic magnet din naman sila and chic boy!

Well, mga pinsan and kuya alam nyo naman na wala akong romantic blood na dumadaloy sa aking katawan, so why bother pa na balaan ako?

Pagka-uwi namin sa bahay ay sumalampak na agad ako sa kama ko. Ah! Heaven! Tipsy na ako at medyo masakit ang ulo ko kaya naman kaagad akong nakatulog.

Nagising ako sa ring ng telepono ko. Tiningnan ko ang digital clock sa tabi ng kama ko. It's only 6:30 in the morning!

Too early! Sino ba ito at ang aga aga pa binubulabog na kaagad ako at ang mahimbing kong tulog! Tamad kong kinapa kung nasaan ang phone ko.

I answered the call with my eyes still closed.

"What?" bungad ko. Siguraduhin niyang importante ito ha! Kung sino man 'to. Gosh.

"Good morning!" masiglang boses na bati nung lalaki sa akin. Sino 'yun? Napamulat tuloy ako ng wala sa oras.

Tiningnan ko ang cellphone ko.

Unknown Number

"Sino 'to?" I asked.

"Aw! You already forgot about me, Daff?" the guy asked.

Nagtaka lalo ako. Sino ba 'to?

"Huh?" I asked.

"Seems like you really forgot about me," he said then I heard a chuckle from the other line. Tss, ka-badtrip.

"Sino ba 'to? Kung nangti-trip ka 'wag ako ha! Binulabog mo ang tulog ko!"

"Aw, Dadaff! Hindi mo na ba ako maalala? Kasi ako buong gabi ikaw lang ang tanging iniisip ko!" he said.

"Dadaff?! What the fu—?"

Nakakainis ha! Ang landi nito ah, agang-aga oh!

"Oh, agang-aga, Dadaff! Don't curse me. This is your Darling!" he said as he laughed.

"Darling? Oh?" I tried to think of someone, then after a few seconds, I finally realized who he was. "Ah! Darlin! Sorry, unknown number ka kasi dito e," I said upon realization.

When We HappenedWhere stories live. Discover now