XXIII. To Compromise

1K 21 1
                                    

Kabanata 23

To Compromise

"So, this is dating?" tanong niya sa akin.

Napatigil tuloy ako sa paglakad. Nag-kibit balikat ako sa kanya. "Ewan."

Malay ko ba? Hindi ko rin alam. Parehas lang naman kaming first timer. Hindi ko rin naman alam kung date ba ang tawag sa mga paglabas namin ni Darlin kung wala naman siyang nararamdaman para sa akin.

"Wala pa bang nag-date sa 'yo?" tanong niya. Sasagot na sana ako ng wala, nang maalala ko siya. Nang naalala ko 'yung mga date namin. Anng mga memories naming dalawa. Ang mga firsts ko sa kanya. Ang mga una ko kasama niya.

"Na-date ka na niya, right?" tanong niya nang hindi kaagad ako naka-sagot. Alam ko na mali na iniisip ko pa siya. Sa iba naman siya in love. Kailangan mag-move on na ako. Hindi naman kasi totoo 'yung kasabihang first love never dies. Kalokohan lang 'yon. Nawawala rin naman 'yon eventually, hindi ba?

"Ewan, siguro, baka. Hindi ko rin naman kasi alam kung considered ba 'yun as a date," sabi ko sa kanya. Wala namang feelings sa akin si Darlin, kaya paano 'yon matatawag na date, 'di ba?

"You still love him, don't you?"

Sasagot na sana ako ng hindi. Kaso... ang liit ng mundo. Nakita ko siya. Nakita ko nanaman siya. Kasama niya 'yung babaeng kasayawan niya sa bar. Holding hands while walking. Nice, medyo masakit, ah. Medyo lang naman. Parehas silang natawa habang naglalakad. So, siya nga 'yung babaeng mahal niya? Ang swerte niya naman. Mahal siya nang lalaking mahal ko.

Biglaang nawala sa paningin ko si Darlin at 'yung girlfriend niya na siguro. Yumuko ng kaunti si Kross hanggang sa magka-level na 'yung mga mata namin. Ngumiti siya ng tipid sa akin.

Inilapit niya 'yung kamay niya. At hindi ko namalayan na umiiyak pala ako kung hindi lang pinunasan ni Kross 'yung mga luha ko.

"If you don't want to see it, you can always choose not to look at it."

Naiyak nanaman ako. I never thought that my first love would hurt this bad. Masakit talaga. Lalo na at harap-harapan pa. Nakikita mo palagi. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang magmahal, sana hindi ko na lang sinubukan. Sana pinigilan ko na noong una pa lang.

"Sorry..." I said. Ngumiti nanaman siya ng tipid. "Dapat... date natin 'to. Dapat masaya lang. Dapat walang iyakan."

"Daffney... it's alright," sabi niya. "I know you're hurting and that's just fine with me, alright?"

"Ha?" nagtataka kong tanong. "Paano namang ayos lang sa 'yo 'tong ganito?"

Nagkibit-balikat nanaman siya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"That's the thing about love, Daffney."

I sighed because... "What's the thing about love?"

"You learn to compromise."

* * *

"You feeling better?" tanong niya. Tumango naman ako. Sobrang bait niya lang talaga. Any girl would be so lucky to have him.

"Thank you talaga," sabi ko sa kanya ng sincere. Kung sa iba-iba kasi, magagalit, 'di ba? Pero siya... wala, willing siyang mag-compromise. Willing siyang umintindi sa mga bagay bagay. Willing siyang intindihin ako hanggang sa maging okay na ako.

"Seryoso, thank you..." sabi ko ulit. Ni hindi ko nga alam kung paano ko siya papasalamatan. Sinira ko 'yung date namin. Umiyak ako sa date namin. Hindi ba dapat turn off na siya sa akin?

"Okay nga lang..." he said.

Napa-ngiti naman ako, bihirang-bihira mo lang kasi siyang maririnig na mag-tagalog. "Pumasok ka na," sabi niya sabay lingon sa bahay namin. Gabi na ng naka-uwi kaming dalawa. Medyo malayo rin kasi iyong amusement park.

Hindi ko na napigilan kaya niyakap ko siya. Nung una parang nagulat pa siya, pero niyakap niya na rin naman ako pabalik. I really appreciate him. He's one of the kindest people that I've met.

"I'm lucky to have you."

"Really?" he asked. Tumango ako. I heard him chuckle. Sa apat na buwan na pagkakakilala namin, wala pa rin talaga akong maipula sa kanya. Para bang lahat na lang nang ginagawa at sinasabi niya ay tama.

Tapos, kahit sobrang busy niya sa buhay lalo na at School President pa siya, he would always make time for me. Palagi siyang may oras basta kailanganin ko siya.

Kaya ang swerte ko talagang ako ang gusto niya.

"Alam mo..." panimula ko. "Sana..."

"Sana, ano?" tanong niya habang sinisilip ako na nakayakap pa rin sa kanya.

"Sana ikaw na lang ang naging first love ko. Things would've been better."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Hinawakan niya naman ang magkabila kong pisngi. "God, Daffney. I think I'm the one lucky having you."

Iyong puso ko nanaman. Ang lakas-lakas ng kabog! Right in front of me was the right person, in the right place and the right timing.

Tumiyad ako at dahan-dahan...

"Kross!" kaagad kong dinaluhan si Kross na ngayon ay napa-upo na sa sahig. "Ayos ka lang?" tanong ko. Nadugo na ngayon ang gilid ng labi niya.

"Ano ba ang problema mo?!" tanong ko kay Darlin. Hindi siya sumagot. "Ano bang ginagawa mo dito?!"

"This is how you love, huh?" tanong niya na parang hindi makapaniwala. "Tell me, Daffney?"

"Tell you, what?!" galit na tanong ko sa kanya. Bakit ba siya nandito? Bakit ba siya nanununtok? Bakit pa ba siya nangingialam sa buhay ko? Ano ko ba siya? Ano ba kami? Hindi ko na kasi siya maintindihan!

"Tell me, who it is that you really love." Tiningnan ko lang siya. "Is it Stance, Kross... or me?"

When We HappenedWhere stories live. Discover now