VI. Not Your Chic

1.6K 36 1
                                    

Kabanata 6

Not Your Chic

Inagahan ko ang gising at ginising ko na rin si Raph. Ayaw kong makasabay si Darlin, ano! Alam noon itong bahay kaya sigurado akong pupunta talaga siya dito.

6:30 ay umalis na kami ng bahay kahit 7:30 pa naman ang time namin. Kaya niyaya ko na lang si Raph sa isang café at doon kami mag-bebreakfast. Kung hindi ko pa siya nilibre ay hindi siya sasama. Tss! Kapag kasi sa bahay kami, more chances of winning si Darlin!

Pagkarating sa café, nakakabadtrip!

Wala nga si Darlin, pero nandoon naman si Mr. Rocker!

Kasama niya ulit 'yung apat na lalaki. Nakita ko namang masama ang tingin niya sa amin ni Raph.

Ipinulupot ko nga ang kamay ko sa braso ni Raph, wala naman pake si Raph dahil clingy naman talaga ako sa kanila nina Leon at Terrence.

Umupo kami sa dulo kung saan tatlong table ang layo sa kanila. Si Raph ang pina-order ko, kaya naiwan ako mag-isa doon.

Kaagad namang lumapit si Mr. Rocker nang natanaw niya na mag-isa ako.

"So, siya ang boyfriend mo? By the way, honey, ang ganda mo naman ngayon!" sabi niya with his all smiles nanaman.

Naka-cream sleeveless dress ako ngayon bagos may dala akong cardigan. Nakapusod din ang buhok ko. Pwede pa raw kasi mag-free style muna this week.

Bitch face mode on.

"Bagay sa 'yo ang naka-pony tail," puri niya pa sa akin. Inirapan ko na lang naman siya, like always.

Mabuti na lang at dumating na si Raph kaya napaatras si Mr. Rocker nang bahagya.

"Sino ba 'to?"  tanong ni Raph nang matapang. Mabuti naman na-gets agad ng kumag na ayaw ko 'tong kausap.

Nagkibit balikat na lang ako sa kanya, kilala nya naman 'yun e. Galing talaga umarte nito oh.

Umalis naman ng kusa si Mr. Rocker.

"Ang ganda mo talaga ha, Daff, kahit 'yung mga lalaking na-order sa counter ikaw ang tinitingnan at pinag-uusapan! Lakas!" sabi sa akin ni Raph. "Pero akala nila bf mo ako!" sabi niya sabay tawa.

Natawa na lang din ako, ganoon nga lagi, ewan ko bakit, medyo may pagkakahawig din naman kami nitong si Raph kahit papaano. Palagi na lang siyang napagkakamalan na boyfriend ko.

"Hey, bakit ba ayaw mo makasabay si Darlin? Ha? Ano ang explanation doon?" tanong sa akin ni Raph habang ngingisi-ngisi.

May ibang pinaparating 'yang ngisi na 'yan, e!

"Hey ka rin! Don't give me that look, Rapha! Nakukulitan lang ako sa kanya that's why," sagot ko sa kanya while glaring at him.

"Oh! Things just got more interesting!" asar pa niya. Umirap na lang ako. Tsk, ayun lang naman way para hindi na sumagot.

Napapadalas na tuloy ang pag-irap ko.

Matapos kami uminom ng Iced Coffee at kumain ng doughnut ay niyaya ko na siya sa school, 7 am pa lang naman.

Naglakad lang kami papunta rito kasi kung magsasasakyan kami 'dun kami kina Kuya Daffin sasabay, although may sasakyan naman si Raph, nakakatamad daw mag-drive.

Kaya naman lakad kami papuntang school, mabuti na lang at naka-flats ako.

Naglalakad na kami ni Raph papunta sa building namin nang nag-vibrate nanaman ang phone ko.

Calling...

Darling

"Hey, Daff! Bakit ka naman umalis, ang aga mo raw umalis kanina. Nakakainis ka, sabi ko sabay tayo, e!" bungad na pagpapaawa sa akin ni Darlin.

"Sinabi ko naman sa 'yong ayaw ko, 'di ba? 'Di ba?" pataray kong sagot sa kanya.

"Sino 'yan?" tanong ni Raph nang na-curious kung sino ang kausap ko, then I mouthed him Darlin. Kaagad naman siyang ngumisi sa akin.

"Sino 'yang kasama mong lalaki?" tanong niya ngunit bago pa ako makasagot ay may dumating na.

"Hi, Daff! Kanina pa kita hinahanap!" si Deninn ay nakatayo na pala sa harapan ko at kakaway-kaway.

"Kasama mo si Deninn?" pagalit na tono ang rinig ko doon sa pagkakasabi ni Darling. Wow... alam niya rin pati ang boses ni Deninn through phone call?

Malamang Daffney, kapatid niya 'yan.

"Oo. Bye!" sabi ko sabay end ng call.

Ayaw ko ngang magustuhan si Darlin.

Wait...

What?! Bakit mo nasabi 'yan Daff?

Ewan ko rin!

Wala pa naman akong nagugustuhan talaga, noong highschool may naging crush lang akong isa, si Rafford – hindi naman ako abnormal na hindi nagkaka-crush, ano.

Niligawan niya lang ako pero hindi ko na gusto nung niligawan niya na ako, parang mas gusto ko 'yung crush ko lang siya.

Kaya ito, no boyfriend since birth.

Never been kissed, never been touched!

Nabalitaan ko rin na may pagka-chic boy nga talaga itong si Darlin gaya nang sabi nina Kuya. Sikat, e. Gwapo pa. Chinito. Malakas sa mga babae.

Kabarkada pa nila, edi ayun babaerkadahan!

Babaerong barkadahan.

Hindi ko pa naman siya nakikitang may kasamang babae and hindi ko pa rin naman siya type, so I guess there's nothing wrong, right?

Well, sorry, Darling.

Hindi ako 'yung tipo ng babae na chini-chics chics mo lang.

Nagbreak kami nang mga 10 am na. Iniiwasan ko namang makita si Darlin dahil naiinis lang ako sa kanya. Hindi ko rin alam bakit.

Kaya sabi ko kina Deninn ay 'wag kami sa cafeteria kumain. Pumayag naman sila, buti at hindi na nila ako tinanong kung bakit, pero si Raph pangisi-ngisi nanaman sa akin.

Kaso on the way pa lang kami palabas ng school nang sa kamalas-malasan ay nakasalubong namin sina Kuya Daffin.

And guess what?

Syempre kasama nila si Darling.

Nang natanaw ako nina Isaac ay nakita kong itinuro kaagad nila ako kay Darlin at inasar-asar ito.

Hindi naman nag-react si Darlin, instead hinead to toe look niya ako. Bigla tuloy akong na-conscious sa itsura ko. Ano ba ang mayroon?

"Oh! Daff, bakit wala ka na kanina sa bahay niyo? May malungkot tuloy dito," asar ni Isaac kay Darlin.

"Sa labas kami kumain nina Raph," tipid kong sagot kay Isaac. Tumango-tango naman siya with his ngisi like Raphael's!

"Kasabay yata si Deninn oh," sabi ni Vellix sabay turo kay Deninn. Inirapan ko nga agad siya. Napaka malisyoso!

"Sige na, kakain na kami! Bye!" sabi ko para maka-iwas na sa kanila. Hihilahin ko na sana sina Deninn at Raph nang biglang may nagsalita.

"Sasabay kami!" sabi ni Chan.

Natigilan ako sa paghila sa dalawa. Alam mo, Chan, hindi ka nakakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

Napilitan na lang ako dahil wala na rin naman akong magagawa. Sasabihin naman nila ang pakipot ko!

Itinabi nanaman sa akin si Darlin ng mga mokong, hindi talaga uso ang makiramdam sa mga 'to, e!

Mabuti na lang at hindi naman ako kinakausap ni Darlin. Naramdaman niya sigurong ayaw ko siyang kausap.

Pero bakit ako nalulungkot na hindi niya ako kinukulit? Na hindi niya man lang ako pinapansin?

Bakit ako nalulungkot?

Hindi ito pwede, Daff. Hindi pwede.

When We HappenedWhere stories live. Discover now