XVIII. I'll Try

967 22 1
                                    

Kabanata 18

I'll Try

Hindi ako nalunod gaya ng gusto ko, maging ang feelings ko kay Darlin. Hindi rin siya tumalon. I was actually hoping na susundan niya ako at babawiin ang sinabi niya. Umaasa na sasabihin niyang mahal niya rin pala ako, late niya lang narealize. Kaso hindi. Wala. Wala akong nakuha.

Umuwi akong luhaan at basang-basa. Iyong tiles tuloy namin naging putikan.

"Daffney? Hija! Ano ang nangyari sa 'yo?" gulantang na gulantang na tanong sa akin ni Manang. Umiling iling na lang ako habang naluluha-luha pa rin.

"Daffney? Manang? Ano ang nangyari diyan?" tanong ni Daddy na kasunod na si Mommy. Pinunasan ko naman kaagad ang mga luha ko.

"Mommy, Daddy... uuwi na po ako sa Arcen," matipid kong sabi at dali-daling umakyat sa kwarto ko. Tanging backpack lang naman ang dala ko kaya dali dali ko 'yon kinuha. Pagkababa ko naman ng hagdanan ay nandoon pa rin sila.

"Anak, ano ba ang nangyayari? Kakauwi mo lang kanina ah!" medyo naiiritang sabi sa akin ni Mommy.

"Sorry, Mommy... I got to go. Hayaan niyo na po muna ako," sabi ko at nagdire-diretso na ako sa paglabas sa bahay. Tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

"Manong Jun, sa Arcen na po."

Takang-taka naman si Manong Jun pero sumunod rin naman siya sa akin. Nang papasok naman na ako sa kotse ay kaagad akong tinawag ni Daddy. "Daffney! Ano ba ang nangyayari?!" galit na sabi sa akin ni Daddy.

"I'm sorry, Daddy, but... I just wanna go back please... hayaan niyo na muna ako," halos sabihin ko 'yun nang nagmamakaawa.

Papagalitan pa sana ulit ako ni Daddy kaso pinigilan na siya ni Mommy. "Daffiano, just let her go. Susunod kami bukas o sa makalawa, Daffney. Sige na, mag-iingat ka," sabi ni Mommy.

I'm so lucky to have this kind of family...

On the way ay biglaan nanaman akong napaiyak. The place where I thought I could forget... I surely will always remember.

First time kong ma-in love, tapos ganito pa? I'll get rejected? Ang sakit. Sobrang sakit.

Kaagad ko namang kinontact si Stance. I need him. I need somebody. Someone.

"Honey? Bakit?" masigla ang tono niya doon ngunit nang marinig niya ang paghikbi ko ay kaagad na nag-iba. "Ano ang nangyari sa 'yo?" nag'aalala na ang tono niya roon.

"Can we m-meet?" nauutal-utal kong sabi.

"I thought umuwi ka?"

"I'm heading back there now, please? Pumunta ka sa amin, ngayon na..." sinabi ko sa kanya at in-end na bago pa siya makatanggi.

Mabilis yata ang naging byahe namin o hindi ko lang siguro namalayan dahil emotera ako masyado at walang ibang ginawa kung hindi ang umiyak.

"Salamat po, Manong..." matipid kong sabi at agad na bumaba. Nakita ko naman kaagad si Stance na naka-park sa unahan at nakasandal sa kotse niya, mukhang inaantay nga ako.

Nang makita niya naman ako ay agad siyang napa-ayos ng tayo. Kaagad ko naman siyang niyakap at iniiyak lahat ng sakit. This is what I needed... a shoulder to cry on.

Hinayaan niya lang akong umiyak. Niyakap niya ako nang mahigpit at gulat ko nang hinalikan niya ako sa noo kaya natigilan na rin ako sa pag-iyak at ngayon ko lang rin nakitang naiyak na pala siya.

"Sa loob tayo..." matipid kong sabi at hinila ko ang wrist niya. Nagulat naman ako sa pagtanggal niya doon. Iyon pala ay kukunin niya ang kamay ko at pinisil-pisil iyon gamit ang dalawa niyang kamay na para bang sinasabi niyang magiging okay din ang lahat.

Tinanguan ko siya at nginitian.

Nang pumasok kami ay nasa salas sina Isaac, Gion, Terrence, Lincoln, Vellix at Kuya Daffin na bahagyang natigilan nang makita ako.

Kaso na-realize kong hindi sila sa akin nagulat dahil bumaba ang tingin nila sa kamay namin ni Stance.

"Bakit nandito ka na?" tanong ni Ate Dexan na kakagaling lang yata sa kusina.

"Sino?" sigaw ng isang babae mula sa taas, si Rienne.

"Oh... Daff?" takang-taka niyang tanong ng sumilip siya.

"Sa kwarto..." sabi ko at hinila ko na papunta sa kwarto namin si Stance, wala namang nag-react. Kaso nagulat sina Val at Tori na nakahigang nakahiga at nag-cecellphone sa pagpasok namin.

Kami lang lima ang nandito. Si Stance, Val, Tori, Rienne at ako.

"Daff? Ano ang nangyari?" nag-aalalang tanong sa akin ni Val.

"He just dumped me."

At nakita ko namang napaawang ang bibig nilang apat. "What? Why?!" tanong ni Stance.

"Who dumped you?" tanong ng inosenteng si Tori.

"You know who, Tori." sagot naman sa kanya ni Rienne.

"Si chinito..." sabi ni Stance at kaagad naman na-gets ni Tori.

"Ano ba ang nangyari?" tanong ni Stance.

"Nagpunta akong Pinaglagusan para sana maka-move on na, kaso nandoon siya..." simula ko. Ikwinento ko pa sa kanila ang ibang pangyayari, tahimik lang naman sila habang nakikinig.

"Tapos... tatalon na sana kami kaso pinigilan ko siya, sinabi ko sa sarili kong kailangan ko nang sabihin at aminin ang nararamdaman ko."

"Anong sinabi mo?" tanong ni Rienne.

"Sinabi kong mahal ko siya..." sabi ko.

"Ha?" sabay na sabay na reaction ng tatlong babae. Si Stance naman napapailing na lang. Napa-face palm na lang ako.

"Gusto mo pala siya?!" gulat na gulat na tanong ni Val.

"Correction mahal na nga!" pagtatama sa kanya ni Rienne.

"Sabi sa 'yo e, Val! Tama tayo ng hula! Ayun 'yung katawagan niya!" sabi ni Tori sa kanya. Naalala ko tuloy 'yun! Dun ako na-fall lalo sa kanya. Nakakainis.

"Eh kasi akala ko ang gusto niya 'tong si Stance or si Kross!" sabi naman ni Val sa akin.

Napa-iling na lang ako.

"Wait, wait, ano ba ang sagot niya?" tanong ni Rienne.

Naalala ko ulit kaya naiyak tuloy ako dahilan para yakapin nila ako. "Shh... Daff, we understand that he's your first love..." sabi sa akin ni Val.

"He said, I'm so sorry, Daffney... but I am in love with somebody else," pagkasabi ko noon ay mas lalo pa akong humagulhol sa iyak.

"Ang sakit sakit! Dapat talaga pinigilan ko na lang ang sarili ko! Dapat hindi ko hinayaang mahulog ako!"

"Daffney, hindi naman napipigilan ang pagmamahal. Kusa 'yang nararamdaman..." sabi ni Tori.

Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako sa pag-iyak. Nagising na lang ako nang nakitang madilim na, patay na ang ilaw dito sa kwarto.

At saka ko lang napansin, kahit madilim ay kitang-kita ko pa rin siya. Ang pagtama ng liwanag ng buwan mula sa labas sa mukha niya.

Nakahiga ako ngayon sa lap niya. Tsaka ko na-realize na grabe... hindi siya umuwi? Talagang hindi niya ako iniwan?

Sana talaga siya na lang.

Siguro hindi pa naman ako huli na matutuhang mahalin ko siya, hindi ba?

I'm so sorry, Honey... that I didn't choose you, but this time I'll try to.

When We HappenedWhere stories live. Discover now