XIII. A Little Push

1.1K 27 3
                                    

Kabanata 13

A Little Push

"Oh, Val! Ito na 'yung number nung crush mo, ano nga ang name niya? Drew?" sabi ko kay Val na busy sa pag-facebook na agad namang napalingon dahil sa sinabi ko.

"Totoo? Akin na! Thanks talaga, Daff! I owe you this one!" sabi niya sa akin sabay yakap. Kaagad niya naman tinype ang number noong si Drew.

"Wait, akala ko ba ang type mo ay si Isaac?" tanong ko sa kanya.

Kaagad namang sumimangot ang masigla niyang mukha kanina.

"Hmm, what happened?" I asked.

"May iba siyang gusto," she said as she glanced at me.

"Paano mo naman nasabi? Gusto rin ba siya nung gusto niya?" I asked.

She shook her head. "Una pa lang napansin ko na agad 'yun, the way Isaac looks at her, iba, e... Well, hindi naman siya gusto nung babae," sabi ni Val na nakatingin na sa kawalan habang sinasabi 'yon.

"There's still a chance!" pang-eencourage ko sa pa kanya. Crush niya kasi si Isaac since nakita niya 'yun dati, nung gabing nakilala ko rin si Darling... and ang alam ko talaga nalabas silang dalawa? Nag-dedate sila, 'di ba?

Umiling nanaman siya. "Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa kanya, Daff. I will never be like the girl he likes, napaka-ganda nung babae. She's really funny, smart... and I can see that she is easy to love, kaya hindi ko na rin naman masisisi si Isaac kung nagustuhan niya 'yon, kasi kung ako rin lang naman siya, 'yung babae ding 'yun ang magugustuhan ko at hindi ako..."

Bakit naman hindi siya? Maganda naman si Val, morena siya at malaki ang kanyang mata, matangos din ang ilong niya at manipis ang kanyang mga labi. Ang buhok niya naman ay shoulder length. Mas nagpaganda pa sa kanya ang on fleek niya laging kilay na hindi kailangan lagyan ng pangkilay dahil maganda na 'to. So... why not her?

Nalungkot naman ako, I can see that she really likes Isaac, although nagka-ilang ex na rin si Val, pero I can tell na iba itong feelings niya para kay Isaac.

"Have you tried confessing to him?"

Umiling siya. She gave me a sad smile. Nalulungkot din tuloy ako para kay Val. Bagay pa naman sila ni Isaac.

Kakausapin ko pa sana siya ngunit may tumawag. Ang Darling ko!

"Hi!" masigla niyang bati sa akin, agad naman akong kinilig! Grabe... si Darling lang talaga ang kaya akong pakiligin nang ganito after all this time! Iba ka, Darlin. At hindi pa rin ako nakaka-get over sa kiss ko sa cheeks niya. Ang landi lang, Daff!

"Oh? Ano?" pataray kong tanong.

Nginisian naman ako ni Val at sinenyasang ite-text niya na si Drew. Chineer ko naman siya, malay niya si Drew na ang para sa kanya, 'di ba?

"Ang taray naman nito oh, miss na miss na miss na kita, Dadaff."

What the? Darling, don't call me that!

"Darling!" sigaw ko sa kanya. Talagang Darling na ang itinatawag ko sa kanya. At mukhang pati naman ang mga tao sa paligid namin ay nasanay na rin.

Kahit ako... nasasanay na rin akong darling ko siya. Darling ko.

"Tunay 'yun!" he said. "Uhm, ano... pwede ba kitang daanan d'yan sa inyo bukas? Ano'ng oras ba ang pasok mo?" tanong niya na parang chill na chill lang at sanay na sanay, samantalang ako, parang nagtatatalon na 'yung puso ko dito. Hindi na magkaintindihan sa kung paano titibok ito.

"7:30, kasabay ko naman si Raph palagi kaya no need," sabi ko. Baka kasi mahulog na talaga ako nang tuluyan... pero, hindi pa ba ako nahulog nang lagay na 'to?

Well, hindi pa.

Just a little more push, Darling.

A little more push...

"Palagi mo na lang kasabay 'yun, e. Pagbigyan mo naman ako? Please?" paawa ang boses niya sa part na iyon.

"Ayoko nga, Darlin! Nagkikita naman tayo kapag break, e! Sawa na ako sa mukha mo," sabi ko sa kanya.

"Darlin? Nasaan nanaman 'yung g?"

"Secret. Bye, tutulog na ako!" at i-eend ko na sana ang phone ko nang magsalita ulit siya.

"Wait! Sige na, hindi na nga! Pero... pwede bang magtawagan muna tayo... I really like your voice kasi."

Darling naman! Stop it na!

"Well, I don't like yours, in fact I hate it," pataray kong sabi at tuluyan ko nang ibinaba ang tawag niya.

Please lang, Darlin, tama na?

Ayokong maging isa sa mga chics mo.

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon