X. Already Fallen

1.1K 35 5
                                    

Kabanata 10

Already Fallen

Pikit. Mulat. Talukbong ng kumot. Buhay ng lampshade. Tingin sa bintana. Pikit ulit.

Damn it! Maluluka na yata ako! Napaparanoid ako! Baka mamaya may sumulpot nga na multo!

Hindi talaga ako makatulog! Si Darling naman kasi, e. Ipipikit ko na sana 'yung mga mata ko nang may maisip ako na bright idea.

Calling...

Calling...

Calling...

Calling...

Calling...

On-going Call...

Nakalimang tawag ako bago niya sinagot. Bubulabugin ko siya, two am na pero wala pa rin akong katulog-tulog. I'm scared! Dapat siya rin! Patas dapat kami dahil kasalanan niya naman 'to.

"Hello?" his voice was already ragged. Mukhang kakagising niya nga lang talaga. Mabuti nga sa kanya!

"Good morning, my Darling! Lintik ka! Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakatulog! Kasalanan mo 'to, kaya naman bawal ka rin matulog!" halos sumigaw na ako.

Wala na akong pake kahit pa magising sina Val at Tori, buti nga sila nakatulog na.

Eh ako? Bangag!

Hindi ko naman na kailangan pang alalahanin si Rienne dahil mahirap talaga siyang gisingin.

"Daff?" medyo alanganin niya pang tanong, tapos maya-maya pa'y narinig ko na ang pagtawa niya.

"'Yan! Katabi mo na 'yung multo! Hala!" agad akong napabalikwas. Binuksan ko tuloy kaagad 'yung lampshade na isa! Na-imagine ko na tuloy ulit 'yung mukha nung multo doon sa movie!

"Darling naman, e! Hindi pa nga ako nakakatulog!" reklamo ko pa sa kanya. "Naiisip ko 'yung mukha, e! Kasalanan mo 'to, nakakainis ka naman..."

Tumawa nanaman siya sa kabilang linya. "Okay... Hmm... Patulugin kita, you want?" he suggested.

"H-Ha?"

"Wag mo i-end, sasamahan kita hanggang sa makatulog ka na," simpleng sabi niya, pero 'yung puso ko nanaman parang kung maka-tibok akala mo galing ako sa one-hundred meter dash!

Damn you, Darlin! Bakit ang lakas mong magpakilig?!

"Okay... Fine..."

"I found a love for me..."

Kumunot ang noo ko. Seryoso ba siya? Nakakatawa! Ang dami niya talagang alam!

"We were just kids when we fell in love, not knowing what it was. I know we'll be alright this time..."

"Darling! Baka naman umulan!"

Iyong tawa ko grabe na! Halos mangiyak na ako. I mean kikiligin na sana ako e... kaso, hindi siya singer! Trying hard na trying hard ang kumag! Walang-wala sa tono, pero bakit nakaka-in love ang boses niya kahit ganoon?

Oh... no... Daff! No!

Ang dami-dami niyang kinanta sa akin, 'yung iba 'dun ay hindi ko alam. Samantalang ako tawa lang nang tawa at inaasar siya. I've never felt this way, this is the first time I've had that kind of feeling — butterflies in my stomach.

"Pain! You made me a, you made me a believer! Believer!"

Hindi ko na talaga napigilan pagtawa. Grabe! Pati 'yung kinakanta niya! Kawawa naman 'yung katabi niyang kwarto!

Hinawakan ko ang aking labi, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Posible pala 'yun, iyong talagang nag-uumapaw na 'yung saya sa puso mo.

"Oh Florida, please be still tonight, don't disturb this love of mine, look how she's so serene, you've gotta help me out..."

Napapahikab na ako pero hindi ko maalis 'yung ngiti sa labi ko... 'yung kilig.

I'm listening to him at hindi ko namalayang ang kanang kamay ko ay nakalagay na sa bahagi ng aking dibdib, damang-dama ko ang malakas na tibok ng puso ko. Sobrang lakas ng tibok nito ngayon.

"And count the stars to form the lines, and find the words we'll sing in time. I want to keep her dreaming, its my one wish I won't forget this..."

I won't forget this too...

"I'm outdated, overrated, morning seems so far away..." I pursed my lips, trying to stop the feelings that I shouldn't feel.

Hindi naman 'to tama, 'di ba?

"So, I'll sing a melody and hope to God she's listening, sleeping softly while I sing..."

Oh please God, is this right?

"And I'll be your memories, your lullaby for all the times, hoping that my voice could get it right..." it was almost a whisper.

Bumuntong hininga ako, sana wala lang 'to, sana mali ako sa nararamdaman ko kasi... hindi.

"Good night, Darling"

"Good night, Daffney."

I was about to end the call when he suddenly spoke again.

"I think I'm falling..." he said.

I ended the call.

I closed my eyes and sighed.

I think I'm falling too...

Or maybe...

I've already fallen.

When We HappenedWhere stories live. Discover now