XXIV. Sorry

1K 24 0
                                    

Kabanata 24

Sorry.

"Why do you even care?"

Hindi siya naka-sagot. "Ano ba ang pakielam mo kung ang mahal ko ay si Kross?"

Hinawakan ni Kross 'yung braso ko. Pero, hindi. Hindi ako titigil. "Di ba, hindi mo naman ako gusto? Hindi mo naman ako mahal? Kaya anong pake mo sa mga gagawain ko sa buhay ko? Anong pake mo sa kung sino ang mamahalin ko? Wala kang karapatan na makielam sa buhay ko!"

Lumabas si Lincoln, Vellix at Kuya Daffin. Nag-punta sila sa likod ni Darlin.

"Sumagot ka! Kasi hindi na kita maintindihan! Gulong-gulo na ako sa 'yo! Oo! Mahal kita! Pero hindi mo naman ako mahal, 'di ba?" tanong ko. Hindi ulit siya sumagot. Mukha namang nagulat 'yung mga pinsan ko sa sinabi ko.

"So, sa tingin mo, ano? Tanga ako? Hindi naman ako martyr at santo, Darlin! Deserve ko rin namang mahalin ng pabalik!"

"Daffney..." tawag ni Kross. Kaya tumigil na ako at inalalayan si Kross patayo. "I'm heading home." bulong niya.

"No, gagamutin ko 'yung sugat mo..." sabi ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa kaya pumasok na kami sa bahay. Kinuha ko 'yung first aid kit namin at ginamot si Kross.

"Okay ka lang?" tanong niya. Napatigil ako sa pagdadampi ng bulak sa sugat niya.

"Ikaw 'yung nasuntok sa atin, e. Bakit ako 'yung tinatanong mo? Ikaw? Okay ka lang ba?"

Tumango siya. "Wow! Nasuntok ka na tapos okay ka pa din? Hindi ba masakit?" tanong ko.

Ngumiti siya ulit ng tipid, katulad ng palagi. "Nope. This wound," sabi niya sabay turo sa parte kung saan siya sinuntok ni Darlin. "It's just nothing compared to the pain I'm feeling whenever you're breaking for him."

"So, yes, Daffney. Masakit. It stings. It hurts so damn much. Can you mend me?"

Natigilan ako. Nasasaktan siya. First time niyang sinabi 'yon. Na nasasaktan na siya. "Sorry..."

"Is sorry all you could offer?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti nanaman siya. "Like you, I am no martyr. I am no saint. And I atleast, also deserve someone who would love me back."

Unti-unti, naririnig ko 'yung puso kong nawawasak. Am I being rejected again? Maiiwan nanaman ba akong mag-isa? Kasi, pinipilit ko namang maging okay. Nasa process of moving on naman na ako. Maayos na sana ang lahat, pero... bakit nagiging komplikado nanaman?

"Are you... dumping me?" pinipigilan kong hindi maiyak. Kelangan ba talaga sunod-sunod 'yung sakit? Na kung kelan parang sasaya na ako, lulungkot na din ulit?

"What? Daffney, no! Of course not! Why would I dump you?" tanong niya.

"Kasi... sabi mo hindi ka martyr, hindi ka din santo, deserve mo 'yung taong mamahalin ka pabalik."

"We all deserve someone who'll return all the love we gave."

"And I'm not one of them."

Ngumiti siya at hinawakan ang isang kamay ko. Pinisil-pisil niya 'yon. "If it wouldn't be you in the end, then... I don't wanna be deserving anymore."

* * *

"You spoil me too much." sabi ko kay Kross ng may pagkain nanaman siyang binigay.

"Payat mo kasi." sabi niya. Natawa naman ako at binuksan niya na 'yung dala niyang pagkain. "Hati tayo..."

"Nope, that's all yours."

"Hala! Hindi ko 'yan kayang ubusin!" sabi ko sa kaniya. In the end, napilit ko siyang mag-hati kami sa pagkaing dala niya.

"Say ah." Tapos itinapat niya 'yung kutsara sa bibig ko. Sinubo ko na lang din kahit na tunaw na tunaw ako dahil pinagtitinginan na talaga kami ng mga tao. Sabagay, kahit saan naman, nakaka-pukaw talaga ng atensyon si Kross.

Student Council President. Star player. Gwapo. Mayaman. Matalino. Saan ka pa nga naman, 'di ba?

Saan pa nga naman ako, 'di ba?

"Daff..."

Natigilan ako at dahan-dahan lumingon ako sa taong tumawag sa akin sa may likuran ko.

"Darlin..."

Sa kanya ako.

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon