XI. Jealous

1.3K 30 1
                                    

Kabanata 11

Jealous

Four am na nang makatulog ako. Best morning ever?

5:20 am binulabog ako nina Val, Rienne at Tori, gumising na raw ako? Eh 8 pa naman ang first subject ko! Eh sila kasing dalawa 6:30 am. Si Rienne naman mamaya pa rin pero himala at gising na siya?

"Bakit ba?" tanong ko sa kanila ng naiirita. Gusto ko lang naman matulog! Iisang oras pa kaya akong natutulog!

"Gantihan lang! Hindi kaya kami nakatulog nang maayos dahil d'yan sa kahagikhikan mo d'yan ha! Sino ba 'yun? Share mo naman!" pang-aasar ni Val sa akin.

Wala sa sarili ay napa-ngiti naman ako nang maalala ko lahat, iyong pagkanta niya, boses niya.

My goodness! 'Yung I think I'm falling niya! Ano ba itong epekto mo sa akin, my Darling?

Nakita ko namang napansin ni Val ang pagngiti ko sa kawalan. "Shit, Tori! Rienne, oh! Kinikilig! Confirmed! Who's the lucky guy?" natatawang tanong ni Val.

Natatawa na rin tuloy si Tori sa reaction ko kanina.

"O, M, G! So, finally nasagot na ang pinagrorosaryo natin! Natupad na rin! Kinilig na rin siya!" pang-aasar ni Rienne. Tinawanan ko lang siya sa halip na irapan, hindi ko rin alam bakit?

Para na akong luka dahil kay Darling!

Tinigilan din naman ako ng tatlo nang napagtantong wala silang makukuhang matinong sagot sa akin. 'Yan, hindi na tuloy ako nakatulog! Nagluto na lang ako ng pancakes, hindi pa rin kasi nakain 'yung tatlong luka at ako lang talaga ang masipag dito.

"Ehem!" nilingon ko kung sino iyon, si Raph pala. Hindi ko alam na nandito na pala siya sa kitchen.

"Why?" masigla kong tanong sa kanya.

"Pati pala ikaw Raph napansin mo! Habang nagluluto ay nakanta pa! Nangangamoy inspirado!" pang-aasar pa ni Leon sa akin na narito na rin pala.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi ko na lang sila pinansin, wala yatang makakapagpa-badtrip sa akin.

"Hay nako! Sinabi mo pa, Leon! Ni hindi nga kami pinatulog niyan kagabi ni Val, may katawagan tapos tawang-tawa at kilig na kilig!" sabi pa ni Tori.

"Sino kaya?" singit naman ngayon ni Vellix na kakapasok lang din dito sa kitchen.

"Shut up, Tori!" sita ko sa kanya na masaya pa rin. What's happening to me? Tawag lamang iyon, Daff!

"Sus if I know si ano 'yan..." sabi naman ni Rienne.

"Parang may guess na ako kung sino?" pagsingit ni Kuya Daffin na kakapasok lamang din.

Bakit ba nandito na silang lahat sa kitchen?!

"Ako rin!" sabi ni Terrence na kasunod niya sa likod.

Tinawanan ko lang sila at umiling-iling ako.

"Confirmed!" sabi ni Lincoln na kakadating lang din, kanina pa ata sila nakikinig.

"Sino?" takang-taka na tanong ni Val at Tori na sabay pa nagtanong. Si Rienne naman ay ngising-ngisi doon sa sulok.

"Darling!" sabay-sabay na sabi ng mga mokong. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapatawa, tapos nang narealize nilang tama sila, ayun inasar na nila ako.

"Sinong Darling?" sabi ni Kuya Darry na kakarating lang.

"Si Darlin, boyfriend na yata nito!" sabi ni Kuya Daffin kay Kuya Darry sabay turo sa akin.

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon