XX. Happy Birthday

1K 27 6
                                    

Kabanata 20

Happy Birthday

"Sino nga 'yung babae kanina?" iba ko nang usapan ngunit imbes na sumagot ay muli siyang kumanta at kinuha ang isa kong kamay mula sa batok niya.

"Magka-hawak ang ating kamay at walang kamalay malay..." kanta niya habang diretso ang tingin sa akin.

Our hands were now intertwined.

Sinabayan ko ang pagkanta niya. "Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay..."

Bahagya siyang nagulat sa pagsabay ko sa kanta at tumawa. "Hindi ko alam na ganyan din pala kaganda ang boses mo!" he exclaimed.

"Marami ka pang hindi alam sa akin, bestfriend."

Napatawa nanaman siya, damn... parang noong una lang inis na inis ako sa all smiles niyang 'yan ah, pero bakit ngayon naman?

Habang nagsasayaw kami ay may natanaw akong pamilyar na mukha sa hindi kalayuan.

Kaagad kong naramdaman ang kung anong sakit sa dibdib ko. Ang sakit pala talagang magmahal. Sobra. Masaya siyang nakikipag-sayawan sa isang babaeng morena at sexy. Right, mas sexy sa akin. So, 'yung babaeng 'yun ba ang mahal niya? Ang gusto niya? Ang girlfriend niya? Nice. Nice one.

Nawala lang ang attention ko sa kanila ng nagsalita si Stance. "Halika, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko at pinsan." Hinila niya ako papalayo sa view ni Darling na may ka-sayaw na iba at masaya.

Nagpunta kami sa isang malaking table na maraming lalaki at iilang babae.

"Oh, ayan na pala ang birthday boy! May kasamang babae!" sigaw ng isang lalaking maputi at hindi katangkaran. Napunta naman sa akin ang atensyon ng mga nagdadaldalan na babae't lalaki.

Wait... birthday boy?!

"Birthday mo ngayon?!" bulong ko sa kanya. Tumango siya. "Bakit hindi mo sinabi?"

"Bakit? Nagtanong ka ba?" tanong niya pabalik.

I frowned.

"Guys, this is Daff, my bestfriend." sabi niya emphasizing the bestfriend part.

"Hi, Daff! Bestfriend ka nga n'yan?" tanong sa akin ng isang babae na kahawig ni Stance.

Tumango ako at ngumiti. "That's Stella, ate ko. Fourth year college na siya and crush niya si Darry," asar ni Stance sa ate niya. Maganda ang ate niya at maputi rin katulad niya.

"Kapatid ka ni Darry? Kaya naman pala ang ganda-ganda mo! That explains it!" apuri niya pa sa akin, tinawanan ko na lang. Ang ganda niya!

"Ito si John, Klein, Matthew, Robert, at Joan mga pinsan ko sila."

Tinanguan ko lang sila isa-isa at nginitian.

"Ano'ng birthday gift mo sa pinsan namin?" tanong sa akin noong si Matthew.

"Hindi ko naman alam na birthday nito!" sabi ko sabay siniko ko si Stance.

"Nasaan ang gift ko?" tanong niya.

Now I have a bright idea.

"May naisip na akong gift sa'yo!" excited kong sabi sa kanya.

"Wait ka lang d'yan!" sabi ko at binulungan ko ang Ate Stella niya sa gagawain ko at mukhang excited na rin ito.

Nakipag-usap ako sa nasa stage at umakyat na doon. Nakita ko namang hinihila-hila na ng mga pinsan niya si Stance, ayaw pa ata sumama kasi sinabi ko sa kanya hintayin ako doon.

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon