V. Too Young

1.8K 45 6
                                    

Kabanata 5

Too Young

"Ay ganda talaga nitong si Daffney oh! Ano nga ang name nun? Ang gwapo rin!" kinikilig na sabi ni Rienne, ang galing din talaga mag-segway oh!

Sinagot ko naman kaagad siya. "Honey," sabi ko sabay ngisi sa kanya at dali-dali nang lumakad palayo sa kanya.

"Ho—hoy! Daff! Natututo ka na!" pang-aasar niya na para bang hindi siya makapaniwala. Napa-iling iling na lang ako sa kanya.

Niyaya naman ako ni Darlin kumain pagkatapos nung game, ayaw ko pa nga sumama dahil nakakainis siya kaso ang kulit nina Kuya, wala naman daw malisya! Kami nga lang dalawa ang kakain, wala bang malisya 'yun ha? Kaya ayun pinag-aasar nanaman kami.

Akala ko sa restaurant niya ako dadalahin pero dinala niya ako sa isang park.

Mag-iisaw daw kami!

Nakain naman ako ng isaw, hindi ko lang inakala na dito niya ako dadalahin.

Si Mr. Darlin Francisco sa isang isawan ako dadalahin? Eh, isa pa rin 'tong RK!

Baka naman kuripot?

Bumili kami ng isaw, paa, dugo at umupo sa mga table sa paligid doon.

Feel na feel ko naman ang pagkain ng isaw, minsan lang ako makakain nito.

"May dumi!" natatawang sabi ni Darlin sabay nguso sa part kung saan may dumi raw.

Pinunasan ko naman kaagad gamit ang free hand ko. "Nandyan pa rin e, let me," sabi ni Darlin nang makitang hindi pa rin natatanggal ang dumi.

Pinunasan niya iyong dumi gamit ang thumb niya at iginawi iyon sa gilid ng aking labi.

Bakit parang uminit bigla dito? Pamaypay po, please! It's so hot kahit magda-dapit hapon na!

Nagkwentuhan lang naman kami tungkol sa game kanina habang kumakain kami.

"Pero, hindi nga... magaling ka kaya kanina," sabi ko sa kanya, which is really true.

Ang smooth niya lang maglaro. Malinis. Kaya dagdag points sa kanya 'yun. Sure na sure akong matatanggap siya doon.

"Syempre chineer mo ako eh!" sabi niya habang naka pa-cool smile siya.

"Sino nga pala 'yung natawag sa 'yo ng honey kanina?" tanong niya na para bang curious na curious siya.

"Ah wala, ka-block ko lang," kaswal kong sinabi yon sa kanya.

"Nako, chic boy 'yun!" paninira niya kay Stance.

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

Wow! Darling! Coming from you?

Nang matapos kami kumain ay madilim na ang paligid, tanging mga lamp posts na lang ang nagbibigay ilaw dito sa park, pero sa tingin ko mga 6:30 pm pa lang naman.

Umupo naman kami sa mga swings dito sa eco park.

Nag-stargazing ako at ini-swing ang aking sarili nang bigla niyang binasag ang katahimikan.

"Ang ganda ano?" tanong niya, tumango-tango naman ako.

Ramdam ko namang sa akin nakatingin si Darlin o baka assuming lang talaga ako? Dami ko lang natanggap na papuri today assuming na agad ako.

"Nagka-boyfriend ka na ba?" tanong ni Darlin out of nowhere sa akin. Umiling naman ako.

"Sa ganda mong 'yan? Wala pa? Bakit?"

When We HappenedWhere stories live. Discover now