XXI. First Love

1K 24 1
                                    

Kabanata 21

First Love

I was somehow happy. Siguro, maayos na din lahat nanng nangyari. It was meant to happen for a reason. To teach me lessons, I guess?

Maybe, he wasn't meant for me. Kasi, hindi niya naman ako gusto. Iyong unang lalaki kong nagustuhan, ni hindi ako magawang mahalin pabalik. And I shouldn't settle for that. I should settle with a man that loves me back. Someone who loves me with all their heart, because that's what I deserve.

Hindi naman ako santo na magpapaka-tanga sa isang taong hindi naman ako gusto. At sa tingin ko, masyado rin akong mabilis na nahulog sa kanya. Maybe it's just infatuation and not true love.

"You love me, huh?"

Napatigil ako sa paglalakad at napa-tingin sa lalaking nasa harap na ng front door. What was he doing here anyway? Bakit wala na siya sa bar? Nasaan na 'yung girlfriend niya? Bakit nandito siya ngayon?

Lalagpasan ko na sana siya pero kaagad niyang nahawakan 'yung braso ko.

"So, this is how you do love?"

"Ano ba ang problema mo, Darlin?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng peke sa akin.

"Sabi mo, ako 'yung mahal mo..." amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya. He's really drunk.

"Kayo na ba?" he asked.

Natigilan ako. Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata niya. "Hindi. Why do you even care?"

Tumawa siya. "Hindi? Hindi pa kayo niyang lagay na 'yan, pero ano? Hinahalikan mo na kaagad siya? Ano'ng klase kang babae, Daff?"

Sinampal ko siya. Kaagad na nag-init ang gilid ng mga mata ko. Ano ang ibig sabihin niya doon? Anong klase ng babae ako? Dahil lang sa isang halik nagawa niya na kaagad na husgahan ang pagka-tao ko?

"Jerk!" sigaw ko sa kanya bago tumakbo papasok ng bahay. Kaagad na napunta sa akin ang atensyon ng mga nasa salas. Ang barkada at mga pinsan ko. Hindi ko sila pinansin, imbes nag-diretso na ako pataas sa kwarto at doon umiyak.

Bakit siya ganoon? At ano ba ang pake niya kung kami nga ni Stance? Kung hinalikan ko si Stance? Hindi niya naman ako gusto. Hindi niya naman ako mahal katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Dapat wala siyang pakielam!

First love sucks. Ang sakit-sakit nga talaga ng unang pag-ibig. People would always say that first love is the happiest, but... little did they know, that your first love will also be the first one to break your heart.

Bumukas ang pintuan. Nakita ko si Raphael. Umupo siya sa tabihan ko dito sa kama. Niyakap ko kaagad siya nang makalapit na siya. Nakaka-pagod na rin pala kasing masaktan at umiyak.

Bakit ba sa dami-rami ng lalaking pwede kong magustuhan ay siya pa?

Ang dami namang iba d'yan.

Ang daming may gusto sa akin, bakit hindi na lang sila?

"Bakit mo sinampal si Darlin?" tanong niya.

Napakalas naman ako sa aming yakap at tiningnan siya. "He deserved it."

"What happened, Daff?" he asked. Wala nga pala siyang alam sa mga nangyayari. Ni hindi niya pa nga alam 'yung pag-amin ko kay Darlin. Na may gusto ako kay Darlin at lahat ng mga nangyari nito nakaraang mga araw.

"Raph, ang sakit pala..." sabi ko at hindi na napigilang hindi nanaman maiyak. Hinaplos niya naman ang likod ko at parang sinasabi sa akin na okay lang 'yan. But hell, I was far from being okay.

"That's love, Daff. It would always hurt. It's either you surrender or you fight."

"How could you even say that? Nagmahal ka na ba?" tanong ko sa kanya. Kasi, wala pa talaga siyang experience sa love... o baka meron na, hindi ko lang alam. Wala naman akong alam na may nagugustuhan na siya, kung mayroon man bakit hindi niya man lang sinasabi sa amin? Sa akin?

Ngumiti siya nang bahagya. "Remember Tippee?" tanong niya. Inisip ko naman kung sino 'yon. At nung maalala ko na, tumango ako. Si Tippee iyong babaeng nakilala namin sa Florencia na kaaway niya palagi.

"Sa Southville pala siya nag-aaral," he said.

Nanlaki 'yung mga mata ko. Matagal ko na ding hindi nakikita si Tippee!

"Oh. Anong nangyari?"

"I like her... you know."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na gusto niya pala si Tippee, palagi kaya silang magka-away. Hindi talaga sila magka-sundo. Kaya minsan, hindi ko alam kung sino ang kakampihan ko.

"Talaga? Paano?"

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko rin alam. Nagising na lang ako isang araw na siya ang nasa isip ko. Na siya ang gusto kong kasama. Na siya ang gusto kong kausap. Na gusto ko akin siya. Na gusto ko kami lang. Kami lang dalawa."

Parang ako lang pala sa kanya...

Nagising na lang ako na gusto na kita.

"Umamin ka?" tanong ko. Dahan-dahan ay tumango siya at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti. Parang gets ko na kaagad. Kasi... ganiyan din ako. Ganoon din ang nararamdaman ko ngayon. Noon iniisip ko bakit parang ang babaw naman ng mga pinsan ko? Nang dahil lang sa isang lalaki iiyak sila at nasasaktan sila ng sobra? Pero ngayon naiintindihan ko na. Hindi mababaw. Dahil totoong masakit nga pala talaga magmahal.

"Ano ang sabi ni Tippee?"

"May... may boyfriend na pala siya."

"Umamin din ako..." sabi ko. Siya naman ngayon ang nanlaki 'yung mata.

"Anong sabi niya?" tanong niya ng maka-recover sa pagka-gulat. Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"May mahal daw siyang iba."

When We HappenedWhere stories live. Discover now