IV. Honey

1.7K 48 7
                                    

Kabanata 4

Honey

Hapon na at manonood na kami ng try outs. Para pala 'yon sa mga magiging bagong varsity ng SFA.

Ang alam ko palaging kasama sina Kuya Darry and Daffin doon pati na rin ang mga pinsan ko. Maliban kay Leon na walang interest sa sports at pwera kay Raph na ngayon lang pumasok sa SFA.

Sina Kuya Darry at Viniel ay automatic na raw na varsity dahil seniors na sila at magaling naman talaga silang dalawa maglaro ng basketball.

Naupo naman kami nina Val at Tori doon sa bleachers na pinaka-unahan. Nakita ko si Chienna kaya tinawag ko siya, pinakilala ko rin siya sa dalawa kong pinsan.

Ilang minuto pa'y dumating na rin si Rienne na may dala pang banner. Madaming tao, karamihan sa kanila ay babae. Hindi pa nga nagsisimula iyong game, mga nagtitilian na.

Makalipas ang dalawampung minuto, sa wakas ay nagsimula na rin iyong game. Una munang lumaro ay mga Freshmen, sina Raph at ang mga ka-batch ko.

"Go, Rapha!" cheer ko sa kaniya at nilingon naman ako ni Raph bago siya nag-shoot.

Ngumiti siya sa akin at bigla ng nagtilian ang mga babae doon sa banda namin. May isa pa ngang kumulbit sa akin kahit hindi ko naman siya kilala. "Ate, kaano-ano mo po si Raph? Boyfriend?" tanong niya. Natawa naman ako sa tanong ng babae at kakaiba talaga 'tong si Raphael ha, sikat na kaagad siya. Alam na kaagad ni ate girl ang name niya?

"Nako... hindi po ah," tipid na sagot ko sa kaniya at bumaling na muli ako sa court.

Sunod ko namang natanaw ay si Deninn. "Go, Den Den!" cheer ko sa kaniya. Lumingon rin naman si Deninn at nag-flying kiss pa sa akin. Nako, loko-loko din talaga ang isang 'to! Tsk!

Sa mga oras na ito unti-unti ko ng napapagtantong mali ang mga teorya ko, mukhang babaero din 'tong kapatid ni Darlin Francisco!

Nagsigawan nanaman tuloy sa banda namin dahil sa pa-flying kiss niya. Iyong iba feel na feel pa na para sa kanila iyon.

Pati sina Tori, Rienne, Val at Chienna inaasar na tuloy ako. Maya-maya pa'y may kumulbit nanaman sa akin. "Eh 'yan boyfriend mo?"

Umiling naman muli ako. "Hala! Ang swerte mo, ate girl at ka-close mo sila or mangliligaw?" sabi niyang mukhang naiinggit na, tinawanan ko na lamang siya.

Ang sunod ko namang namataan ay si Mr. Rocker! Nagddribble na siya! Mag-three three point shot siya pero bago iyon ay lumingon muna siya sakin bago nagshoot.

"Helleno, three points!"

Nagsigawan ang mga tao. Tumakbo siya papunta sa harapan ko, then sumigaw.

"Para sa'yo 'yon, Honey!"

Nanlaki ang mga mata ko. Ang lakas ng sigaw niya na nag-echo sa buong gymnasium at dahilan para magtinginan halos sa amin or sa akin lahat—hindi lang pala halos, lahat pala talaga!

Pati mga players! Sigawan ang mga tao dahil 'dun, inaasar kami! Hala! Napa-facepalm na lang tuloy ako.

May kumulbit nanaman sa akin ng humupa na ang pangyayari. "Ito, sure akong boyfriend mo na 'yan? Honey?" tanong nanaman nung babae, inilingan ko muli siya ng natatawa. "Ang ganda mo talaga! Palit na tayo ng mukha please?" sabi sa akin nung babae, tinawanan ko muli siya at bumaling sa court.

Sumunod naman ang Juniors! Madami-dami akong ichicheer dito ah.

Nakita ko naman si Kuya Daffin, dini-dribble niya na ang bola. "Go, Daffin! Ang pangit mo!" cheer ko ng natatawa. Nilingon niya ako at sinenyasang patay ako sa kanya mamaya.

May kumulbit nanaman sa akin. Haaay.

"Anong karapatan mong sabihang pangit si Daffin? Siya na ba ang boyfriend mo? Um-oo ka na kasi!" tinawanan ko na lang ulit siya. Hindi siguro ako kilala nito! Nako! Ang kulit!

Nang nakita ko naman si Isaac, chineer ko siya at chineer din naman siya nang todo ni Val kaya napalingon siya samin at tumawa, pero bakit feel ko ako lang ang tinawanan niya? 'Yung feeling na para sa'yo lang talaga 'yung smile niya? Weird.

Ganoon rin sina Tori at Chienna kay Chan, todo cheer. Chineer ko rin sina Vellix, Lincoln at Terrence.

Maya-maya pa ay nandoon na rin si Darlin! What the hell? Bakit ang gwapo niya habang nagddribble? 'Yung mga muscles niya. Kaya naman chineer ko siya. Hah! Ano kaya magiging reaction nito?

"Go, my one and only darling!"

,akita ko namang napatigil siya nang bahagya at napa-iling iling, nakakatuwa talaga siya!

Marami din nag-chicheer sa kanya, syempre chic magnet nga.

"Go, Darlin! I love you!"

"Akin ka na lang, Papa Darlin!"

"Waaa! Ang hot mo, papi!"

May kumulbit muli sa akin. "Ano ba ang name mo? Siya na ba boyfriend mo? Hmm."

Napatawa ulit ako at sinagot na siya. "Wala akong boyfriend sa kanila." at bumaling na muli sa court.

"Tss. Type naman si Darlin," biglaang pang-aasar sa akin ni Rienne.

"Hindi no, 'di ba ikaw may type 'dun?" sabi ko sa kanya.

"Hindi na, iba ang type e," sabi niya sabay lingon sa akin.

Kumunot tuloy noo ko sa nais niyang iparating.

Natapos na ang game at sa isang araw pa raw i-aannounce kung sino ang mga nakuha.

Feeling ko mapapaos ako bukas dahil sa kakasigaw.

Hinintay namin silang magpalit at dumating naman sila after mga 20 minutes.

Si Ate Dexan at Taylor naman hindi nanood ngayon, baka may klase.

"Inspired na inspired si Darling mo!" pang-aasar ni Vellix nang makalapit sa amin.

"Hmm, bakit kaya?" sinakyan ko na lang ang pang-aasar niya.

"Go, my one and only darling! Hmm!" asar naman ni Isaac. Tinawanan ko na lang sila at napa-iling iling.

"Miss Sungit! Honey!" tawag sa akin ni Mr. Rocker habang natakbo papalapit sa akin. Pinagtinginan naman ako ng mga boys at nina Tori. Nagkibit balikat lang naman ako.

Nang nakalapit naman na siya ay humalukipkip ako at nagtaas ng kilay sa kanya.

"Magaling ba ako kanina?" he asked. Ayan nanaman siya sa  all-smiles niya.

Umiling ako. Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang tainga dahilan kung bakit mas lalo siyang ngumiti.

"Mas magaling si Darling," bulong ko sa kanya sabay ngisi.

"Tara na, Darling!" at lumakad na ako patungo kay Darlin kaya naman inasar-asar nanaman kami nina Kuya.

Nakita ko naman si Stance na naka-pout na ngayon. Oh, nasaan na ang all smiles mo?

Ang sarap din inisin ng isang 'to!

Nakakatuwa kasi! Honey pa!

When We HappenedWhere stories live. Discover now