XXIX. Midnight Memories

1.3K 27 0
                                    

Kabanata 29

Midnight Memories.

I didn't even bother changing. Suot-suot ang aking pajamas at isang jacket na may hoodie at cap, matahimik akong lumakad pababa ng hagdan.

I was sure that everyone was asleep. Nakakapagod kaya ang event kanina. I was tiptoeing when someone spoke. Hala siya! Natigilan ako! Akala ko pa naman napaka-galing ko na, pero ano? Heto at may naka-huli pa din sa akin! Dahan-dahan ay lumingon ako. Nakita ko si kuya Daffin, nakapa-meywang sa akin. "Uy, kuya! What's up! Gising ka pa pala? Gabi na ah..." I trailed off.

"Eh ikaw, Daffney, gising ka pa pala? At sa tingin mo, saan ka pupunta?" tanong pa niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Iinom lang ng gatas? Nauuhaw kasi ako," I lied.

Umiling-iling siya. I know, sino ba namang maniniwala sa palusot kong 'yon? May iinom ba ng gatas na naka-saklob pa at hoodie? Wala.

"Bahala ka, Daff. Of legal age ka nanaman e," sabi niya. Natigilan ako. What did he mean by bahala na ako? "Takas na, basta siguraduhin mong babalik ka ng buhay dito ha," sabi niya tapos umakyat na.

What? Nasapian ba siya? Ano ang nangyayari sa kanya? Hindi man lang ako pinigilan? I was beaming like a kid. Dahan-dahan kong binuksan ang front door, then I remembered si kuya guard pa nga pala! Malayo-layo pa naman bago makadating sa guard house kaya naman patago-tago ako sa mga bushes at halaman dito na parang expert na ninja. Nang malapit na ako, sumilip ako at nakita kong... Oh, my gosh! Tulog si kuya guard! Dali-dali akong lumabas sa mas maliit na gate ng matahamik. Darling was already inside his car, kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa passenger's seat. "Hi," I greeted. I was still catching for my breath.

Naka-ngiti siya sa akin. He was in his white shirt and sweat shorts, mukhang tutulog na din. Mukhang hindi lang ako ang tumakas. Tiningnan niya lang ako, akala ko ay may sasabihin pa siya pero laking gulat ko ng yakapin niya ako.

Sobrang higpit, iyong tipong ayaw ka ng pakawalan. Ayaw kang mawala. I hugged him back. Ramdam ko ang pag-hinga niya sa aking leeg.

Kumalas siya sa pagkaka-yakap namin. He cupped my face and smiled a little. "Daffney, just for tonight," he caressed my face. "Please be mine."

* * *

I looked at him, he was looking at the stars. Nandito kami ngayon sa bubong ng kotse niya, sa isang high end cliff kung saan kitang-kita mo ang overlooking view ng Arcen City at ang mga bituin. Ang ganda lang tingnan. I have always loved this kind of scenery and view. I was always in loved and fascinated with citylights and stars.

"Ang ganda ng place."

Ngumiti siya, hindi pa rin ako nililingon. "This is my favorite place. My safe haven. This is my... secret place."

Napatawa ako kaya nilingon niya na ako ngayon. Wala namang mata. "Edi hindi na secret? Alam ko na eh. Dalawa na tayo ngayon."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Then, this place will be ours. Tonight will be our secret. This is our safe haven."

Amin. I nodded. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Thank you for sharing this place with me," sabi ko.

Tumango siya. "Kamusta naman ang birthday mo? Masaya ba? Unforgettable?" tanong niya.

I nodded. "Kind of."

"Bakit naman?"

"May kulang kasi eh."

"Ano?" he asked.

Ngumiti ako. "Ikaw."

Sumimangot siya. "Daff, 'wag mo naman akong pahirapan ng ganito. Napaka-pafall mo din talaga eh."

Napatawa ako. What? Ako pa ngayon ang pa-fall? Aba nga naman! "Ano? Ako pa-fall? Hoy! Baka ikaw d'yan!" sabi ko habang kinukurot ang tagiliran niya. Ang kulit niya lang!

"Nafall ka ba naman?"

Tumango ako. "Baka, hindi pa ba obvious?" tanong ko sa kanya.

"Pero nafall ka din sa kanya?"

Natigilan ako. Sinong kanya ang tinutukoy niya? "Ha? What are you talking about?" tanong ko.

Binitawan niya ang mga kamay ko. Nagulat ako. What was he doing? "I know, this isn't right, Daffney."

"What are—"

"Bad timing. Gago ng tadhana, Daff. Kung kailan naman naging matapang na ako, tyaka naman nagka-ganito. Hindi ka na pwede, may iba ka na."

"I know this night is wrong, we're wrong. But, it's just for tonight, Daff. Kasi alam ko, mamaya kapag umuwi ka na... sa kanya ka na ulit. At ang sakit."

"Look, Darling..."

Umiling siya. He smiled sadly at me. "You're my first love, but we both know that it doesn't last."

I sighed. Paano ko ba i-eexplain sa kanya na hindi naman kami ni Kross?

"We were an almost."

"Darling..." tawag ko. Tiningnan niya ako. I was about to explain when he cut me off, again. Nakakainis.

"Iuuwi na kita... sa kanya," aniya bago tuluyang bumaba. I was left there thinking how I would explain my feelings to him; because like him, I was also scared about that thing called love.

Tahimik lang ang naging biyahe namin pauwi. The sun was almost rising, kaya kinailangan na din naming umuwi, too bad—we didn't end our midnight memory happily. Napa-ngiti ako ng may naisip, it's still not the end, right? Hindi pa naman ako nakaka-uwi, at hindi pa naman sumisikat ang araw.

"Darling," tawag ko. Naka-tigil na kami sa harap ng bahay, hinihintay niya na lang akong bumaba. Nginitian ko siya pero hindi niya 'yon ibinalik. "Nothing's wrong with what we are doing. We weren't an almost, we can still be it. If you say so that first love doesn't last, then let's prove it to the world, Darling." Hinawakan ko ang kamay niya. "Let's prove them wrong. First love does exist and it will start with us."

"You don't have to take me home to him, because you, Darlin Andrew Francisco is my home."

Hinalikan ko siya sa pisngi bago mabilis na bumaba ng kotse at tumakbo ng mabilis papasok ng bahay namin. This is surely one of those midnight memories I won't ever forget.

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon