XVI. Broken Hearted

1.1K 26 1
                                    

Kabanata 16

Broken Hearted

Umiyak lang ako buong gabi, hindi ko rin alam kung bakit... kasi bakit ba ako umiiyak? Para 'yun... iniiyakan ko? Ang walang kwentang bagay lang.

Tinatanong naman ako nina Val, Rienne at Tori, ayoko naman sabihin dahil para akong tanga, naiyak sa isang lalaking na isa lang din naman sa kanyang mga babae ang tingin sa akin.

Ayaw na kitang iyakan, Darlin.

Kaya naman pumasok na ako kinabukasan na naka-shades. Mukha tuloy akong namatayan. Namatayan ng puso. Kasalanan mo talaga ito, Darlin.

Mag-isa pa naman ako pumasok, dahil may susunduin daw si Raph, mukhang totoo ngang may sinusundo siya kapag umaga.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa hallway. Nakakahiya. Buti na lang at naka-freestyle ako, fashion pa rin. Kung naka-uniform siguro ako ay mas lalo nang nakakahiya.

Naka-black dress pa man din ako, and black heels. Kulang na lang saklob kamukha ko na daw si Aubrey Hepburn, rinig kong sabi nung isang babae doon.

Natanaw ko si Darlin kasama 'yung babae sa picture at nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Inirapan ko siya kahit hindi niya naman kita. Nagdirediretso na lang ako ng taas noo. Bakit ba kailangan ko pa siyang makita? Sa dami-rami ng araw bakit ngayon pa?

Nang naglalakad ako sa hallway ay gulat ko nang may sumabay sa akin sa paglakad. Nilingon ko siya, bahagyang nakakunot ang noo niya sa akin. Hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin sa brown eyes niya at sa kapogian niya.

"Oh! Condolence?" sabi niya na halatang inaasar naman ako.

Umirap ako. Hindi niya nga pala makikita. Tinanggal ko ang shades ko at nagulat ang kanyang mukha nang nakita sigurong pugto ang mga mata ko.

"Why? Who made you cry?" nag-aalala niyang tanong. Pinagtitinginan na kami ng mga tao rito sa hallway.

Umiling ako at tumawa sa kanya ng bahagya.

"Tell me, please? I'm worried."

"I need to go," sabi ko sa kanya at akmang aalis na.

"No, you need to tell me okay? Lunch," sabi niya at tumakbo na palayo bago pa ako maka-kontra. 

"Mister President!" sigaw ko sa kanya ngunit nilingon niya lang ako at binigyan ng killer smile, kinilig naman ang mga babae at mga binabae na nakakita noon.

Sinuot ko na ulit ang shades at pumasok na sa room. Umupo na ako sa lagi kong inuupuan. Nakatingin ako sa kawalan ng biglang may nagtanggal ng shades ko.

"Tsk. Naiyak sa walang kwentang lalaki! Nako, nako!"

"Akin na nga 'yan!" sabi ko sabay agaw sa shades ko sa kanya at isinuot ko ulit ito.

"Alam mo, mukha kang namatayan. Ano ba ang namatay sa 'yo? Puso? Alam mo namang chic boy, naging type mo pa."

"You know, Mr. Rocker... hindi ko naman 'yon kasalanan, kasalanan 'yun nito," sabi ko sabay turo sa part kung nasaan ang puso ko.

Tumawa naman siya. "Share na!" sabi niya, at shinare ko naman, sa kanya lang pwede, siya lang may alam nang tunay kong nararamdaman.

Matapos kong ikwento 'yung nakita ko sa Facebook at kadramahan ko ito lang ang tanging nasabi niya, "OA." Kaya agad ko siyang binatukan!

"E kasi, picture lang naman tapos magluluksa ka na agad ng ganyan?" he asked sarcastically.

"Hindi lang picture! Naka-kiss no! Right here!" sabi ko sabay turo ko sa pisngi ko. "And what if hindi lang 'yun ang nangyari? Alam mo naman na kung saan ang patuloy ng ganoon! Lalaki ka, 'di ba?"

When We HappenedWhere stories live. Discover now