XXVII. Eighteenth

1K 25 0
                                    

Kabanata 27

Eighteenth.

Malakas na palakpakan ang sumalubong sa akin. I smiled at everybody. I tried to smile. I really did. I was smiling as I made my way through the platform. I guess, I'm getting better at faking those.

Naramdaman kong lumapit sa akin si kuya Daffin, ang escort ko ngayong gabi sa aking debut. "Are you really happy?" he asked. Nilingon ko siya. I smiled at him genuinely before nodding. "Are you sure? Baka fake lang 'yan ha. Smile, be happy. It's your eighteenth birthday after all."

Inalalayan niya ako sa pag-akyat at pag-upo ko. Nakita ko ang mga kaibigan ko at mga pinsan ko, sina tito at tita, my parents and siblings. They were all smiling at me. I roamed my eyes around the hall, no signs of him.

I sighed. Bakit... ang lungkot kahit masaya naman dapat? Bakit ang sakit kahit hindi naman dapat? "Kuya."

Nilingon ako ni kuya Daffin. May mga iilan pang sinasabi ang emcee kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin si kuya. Nilingon niya ako na parang tinatanong kung bakit. "Kuya, binigay mo ba 'yung invitation para sa kanya?" tanong ko. Kahit naman ganoon, it wouldn't change the fact that it's still him. Kahit nasaktan niya ako, I still wanted him to be present at one of the most important nights of my life.

Sinimangutan niya ako. "Kuya naman, hindi mo naman ata ibinigay..." ani ko.

"Binigay ko," sabi niya. "It's just that... Daff, don't keep your hopes up. Malaki ang chance na hindi siya dumating ngayong gabi. Don't wait for him."

Hindi ko na siya sinagot pa, nag-focus na lang ako sa kung sino ang mga nandito. Masaya dapat ako ngayon, birthday ko. I'll be finally a lady.

"Let us now call our debutant's parents, Mr. and Mrs. Levanidez for their message," anunsyo ng emcee. Napangiti naman ako ng makita ko si mommy at daddy na magka-hawak kamay papunta sa may tabi ko.

"I would first like to thank everyone who attended my youngest daughter's debut," panimula ni mommy bago siya bumaling sa akin. "To Daffney, my bunso, happy happy birthday, anak. You're finally a lady now." I smiled at her, pinipigilan ko na maiyak. "I just wanted to share to everyone the story behind Daffney..."

Matahimik ang paligid. I looked at my mom. I never knew the story behind me. I wasn't that close with her. Hindi ako ganoong ka-close sa kanya, more on daddy's girl ako. At ang ka-close niya naman ay ang ate Dexan ko. Habang ako ay ang kuya Daffin ko. "Daffiano and I, it was never the real kind of love to begin with. I wasn't inloved with him. Our marriage was fixed. As we all know, not all fixed marriages are successful, just like ours eighteen years ago..." sabi niya.

I looked at kuya, mukhang maging siya ay wala ring alam dito. Si daddy naman ay nasa tabi lang ni mommy at naka-akbay dito. "We didn't like each other that much, it was like we only stayed in our marriage because we were obligated to... we have kids. Kinailangan lang namin maging mga magulang."

"But, everything changed the moment Daffney came. Nang dahil sa kanya, naging masaya ang aming pamilya. Siya din ang naging dahilan kung bakit naging maayos kami ni Iano. Siya ang naging tulay kung bakit mayroon kami ngayong isang buo, masaya at kumpletong pamilya. She was an angel sent from above. She is our angel."

Tuluyan na akong naiyak. Tumayo ako niyakap si mommy. I felt my dad hugging me too. At maya-maya pa ay kayakap ko na din ang aking mga kapatid. I'm so lucky to have this family. Nakita ko ring madami ang naiyak, lalo na ang mga pinsan ko na parang mga kapatid ko na din. I'm lucky to be part of this clan we have. I'm lucky I'm a Levanidez.

"To start with our eighteen roses, let us first have Mr. Terrence Levanidez."

Ngumiti ako habang tinatanggap ang rose na binigay sa akin ni Terrence. "Happy birthday, dalaga ka na."

Tumawa ako. "Loko." After that, ipinasa niya na ako kay Viniel. Sumunod kay Vellix, Raphael, Leon, Lincoln, kuya Darry. "Nakakaiyak kanina 'no?"

Ngumuso si kuya. "Hindi ah, 'di nga ako naiyak e. Bading lang naiyak. Tingnan mo si Daffin, umiyak. Bading talaga 'yon," sabi pa niya. Napa-irap ako. Iyak na iyak kaya siya kanina!

Matapos 'yon ay ini-abot na ako ni kuya sa isang lalaking hindi ko naman kilala. Hindi din kasi ako ang nag-ayos ng invitation, sinabi ko lang 'yung mga gusto kong iinvite at bahala na sila mommy sa iba. "Happy eighteenth birthday, Daffney."

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat, pero can I ask... ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

He chuckled. "Theo," sabi niya habang naka-ngiti sa akin. He looked nice. "Theo Argon."

"Nice meeting you, Theo."

Pagka-tapos niya ay ipinasa niya ako kay Joaquin. "Happy birthday, sana magustuhan mo ang gift ko," aniya.

Ngumiti ako at tumungo. Sumunod naman sa kanya sina Gion, Leo, Isaac, Christian at ang huli ay si Chan. "Hi."

Ngumiti ako ng tipid. "Hello." Naging awkward ang aming sayaw, dahil alam ko namang galit siya sa akin, hindi ko din maintindihan kung bakit.

"For our next, Mr. Kr—" the emcee stopped. Pinigilan siya ni kuya Daffin. May sinabi pa si kuya, tumango na lang ang emcee. Si Kross... hindi din siya umattend. Sabagay, sino nga naman ba ang aattend ng birthday ng taong sinaktan ka ng sobra? Tanga lang, 'di ba?

Sinayaw din ako ni kuya Daffin at pagka-tapos niya ay si daddy naman. "Dalaga ka na, ang bilis talaga ng panahon."

Niyapos ko siya. "Thank you for everything, dad. Masaya talaga ako ngayong gabi. Thank you."

Tinapik-tapik niya ang likod ko. "We're the ones thankful for you and your eighteen years of existence."

Nang makaalis si daddy ay tumalikod na ako at paakyat na sana sa platform, si daddy kasi ang last dance ko. Pero bago ko pa man magawa ay tumahimik ang paligid, dumilim at napalitan ng iilang ilaw. Nag-taka ako kaya lumingon ako.

Then... I saw him.

He was standing at the entrance, naka-tapat sa kanya ang spotlight and he was holding a guitar. Napa-ngiti ako, kaya pala parang may isa pang kulang. Muntik ko na siyang makalimutan.

"Happy birthday to you..." kanta niya habang ini-strum ang gitara at papalapit sa akin. "Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you."

"Happy birthday," aniya ng nasa harap ko na. "Happy eighteenth birthday, bestfriend."

Napangiti ako. Niyakap ko siya.

"Thank you, Stance."

When We HappenedWhere stories live. Discover now