XIV. Angel

1.1K 32 3
                                    

Kabanata 14

Angel

Pagkalabas ko naman ng pintuan ng kwarto ko, ayun bumulagta sa harapan ko si Darlin.

He was smiling sweetly at me.

"Oh, ang aga-aga naman ng darling mo, ah!" sabi sa akin ni Terrence na kakalabas lang sa kwarto niya, bagong ligo at topless pa.

"Hoy, Terrence! 'Wag mo nga ibalandra dito 'yang mga tabs mo!" sabi ko sabay irap.

"Ah... ito bang six pack abs ko?" sabi niya sabay turo doon.

Umirap lang naman ako at binalingan na ang lalaking nasa harapan ko. "Darlin, ano ba ang ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ko sa kanya.

"In-end mo kasi 'yung tawag kaya ito, sinabi ko na rin kay Raph na sabay tayo kaya wala ka nang magagawa," sabi niya at saktong dumating si Raphael.

"Sumama ka na! Gusto mo rin naman, e!" ulok ni Raph sa akin.

"Raph!"

"Tara na, male-late ka na, oh! 7:10 na!" yaya sa akin ni Darlin.

Ayaw ko na nga siya tawaging darling!

Wala naman akong nagawa dahil hindi raw ako papasakayin ni Raph sa sasakyan niya, may susunduin daw siya.

Hala! If I know joke lamang 'yon! Kaya ayun si Darling – este si Darlin ang naging kasabay ko. Hindi naman siya umimik buong byahe na mabilis lang naman, pero kita kong pangisi-ngisi siya habang nagda-drive.

Sabay kami ngayong naglalakad sa hallway nang may bumati sa kanya. "Hi, Darlin! Mamaya ah, punta ka sa party ko? Sa YG lang!" sabi ng isang babaeng napaka-kapal ng make-up na sa tingin ko ay isa sa mga babae ni Darlin, and YG? Hindi ba at bar 'yun!

"Sure, I'll be there!" sabi ni Darlin sabay kindat.

Napatingin naman ako sa kanya.

Oh. Chicboy nga pala siya. Bakit ko ba nakalimutan? That's why. Nagtaka pa ako.

Nang malapit naman na kami sa room ay natanaw ko doon si Stance.

"Honey!" tawag ko sa kanya.

Nakita ko namang nagulat siya sa pagkakatawag ko ngunit napatawa na lang din. Nakita ko namang kumunot nang bahagya ang noo ni Darlin.

Medyo close na kami ni Stance.

Medyo lang.

"Oh, Honey?" pagsakay niya sa trip ko.

"Kanina mo pa ba ako hinihintay?" tanong ko sa kanya. Napansin niya naman ang gusto ko iparating.

"Oo, ang tagal tagal mo, Hon!" sabi niya sabay pout.

"Aw! Ang cute mo talaga, Hon. 'Wag ka na magtampo, okay? Sorry if kanina mo pa ako hinihintay," sabi ko sabay pisil sa pisngi niya.

"Tara na sa loob!" yaya ko kay Stance at nang papasok na ako ay may biglang umubo.

"Oh! Darlin! Nandyan ka nga pala! Bye!" matipid kong sabi at pumasok na ako sa room.

At nang maka-upo na ako sa silya kung saan tumabi si Stance ay tumawa na ako.

"Tsk! Ginagamit lang ako kapag pinagseselos iyong darling niya!" sabi sa akin ni Stance.

"Hindi ko pinagseselos 'yun, Mr. Rocker. Iniinis ko! Magkaiba 'yun, okay?"

"Tell me, ano ba kayo?" tanong niya.

Bahagya naman akong napayuko dahil doon.

Ayan nanaman 'yung tanong...

When We HappenedWhere stories live. Discover now