XV. Timeline

1K 24 1
                                    

Kabanata 15

Timeline

"Sino 'to?" I asked.

"This is Tyson."

"Tyson? Tyson... who?" medyo napalakas kong tanong. Napatingin tuloy sa akin si Kuya Darry.

"Sino 'yan?" tanong niya.

"Tyson daw," sabi ko. Ngumisi naman siya at umiling-iling. Ano kaya 'yun? Weird niya.

"Aw, limot mo na kaagad ako? Last week, Saint Francis versus Southville," sabi niya, bahagya namang lumaki ang mga mata ko nang narealize ko kung sino 'yun.

"Where did you get my number?" I asked. Tinignan ko si Kuya Darry pero umiling siya, meaning hindi siya ang nagbigay. Napansin ko rin na nakatuon na sa akin ang atensyon ng lahat. Mga chismoso talaga sila.

"From your cousin, Val... right? Akala namin ikaw na 'yung nagtext kay Drew. Excited kami lahat! Kaya ayun napakiulukan ko naman kay Drew na hingiin din ang number mo."

Hay nako, Valentina! Lagot ka talaga sa akin!

"I hope it's not a problem, gusto lang naman kitang maging textmate and friend," dugtong pa niya nang hindi ako sumagot.

"Well, I'm not really into texting."

"Calling... then?"

Napatawa naman ako, kaya ayun inasar nanaman ako ng mga kumag. Galing din sa para-paraan.

"What's that?" tanong pa niya.

"Ah, nothing. Mga kuya ko lang. Hmm, yeah... you're right, there's nothing wrong. Calling then."

Rinig ko namang napa-yes siya sa kabilang linya. Grabe siya oh.

"Uhm, I need to go, may klase pa ako..." palusot ko sa kanya. "Okay then, I'll call you later, angel."

"Okay..." then in-end ko na ang tawag.

"Ehem! Ehem! May nasaktan!" sabi ni Vellix. Nasaktan? Sino? At bakit past tense?

Nang nakita nilang nagtataka ako kung sino, nginuso nila ang pwesto sa harapan ko.

Wala na doon si Darlin. Nag-walk out nanaman siguro. Pabebe for life talaga siya.

Maghapon ko namang hindi nakita si Darlin, kaya naman niyaya ako ni Stance na siya na raw ang maghahatid dahil bestfriend ko naman daw siya. Masaya siyang kasama sa totoo lang.

Madami kaming napagkwentuhan at sinabi niyang yayayain niya sana akong mag-dinner kaso may gig daw siya kasi nga singer ang isang 'to.

7 pm na nang nakauwi ako sa bahay, gabi na kasi ang awas namin kada Wednesday, lalo na kapag Friday.

Si Ate Dexan, Taylor at Leon lamang ang tao nang dumating ako. Kaagad naman akong dumiretso sa kwarto at naligo. Paglabas ko naman ng kwarto, kumpleto na kami at may dala dalang take-out sina Kuya. Sakto dahil gutom na ako.

Ako na ang naghanda ng lamesa, tutal ako lang naman masipag-sipag dito.

Pagkapunta ko ng salas, nagulat ako nang nandoon si Darlin. Nag-PS4 sila ni Terrence na bihis na bihis. Akala ko ligtas at makakahimbing na ako ng tulog. Kaagad ko namang tinext si Mr. Rocker.

You:

He's here!

Nagreply naman agad siya.

Mr. Rocker:

Why? Para sa'yo ba?

You:

When We HappenedWhere stories live. Discover now