Season 3 Chapter 14

3.3K 52 5
                                    

Chapter 14

Gossip Girl here, your one and only source into the scandalous lives of Pinoy elites.

What game do you want to play today? Switch-date or switch-fate? Whatever it is, swear it's NOT going to be fair and square..

'Parang naisahan ako ng Xian na yun ah?' Yuan pondered as he was browsing over the stack of reviewers in his hand.

Last minute niyang binasa ang mga iyon bago pumasok sa room. Inilibot niya ang kanyang paningin. Ang sabi ni Xian, nakaupo siya lagi sa dulong chair at katabi si Kimi-- pero palagi iyong absent and that's what he wanted: ZERO KIMI VISIBILITY.

Unfortunately, present si Kimi. Kumaway pa ito sa kanya. There's no typical logic kung bakit magkasundo ito at si Xian samantalang iisa lang ang mukha nilang magkambal.

Tinahak ni Yuan ang isle hanggang sa makarating siya sa 'kanyang' desk.

"Bonjour." bati sa kanya ng scheming halfbrod niya. Mukhang good mood ito.

"Oui." sagot niya.

Nagulat siya nang tapikin ni Kimi ang balikat niya. Close na nga talaga sila ni Xian. "--Gimik tayo mamaya?"

"Ayoko." pwede bang dumating na ang prof para lubayan na siya ni Kimi?

"Oh come on Xian. Let's celebrate!"

Bago siya sumagot, inisip muna niya ang mga dapat lumabas sa kanyang bibig. Wrong choice of words could lead you to your own doom. "Ayokong magcelebrate." he even feigned a smile.

Pero ano ba ang meron na gustong icelebrate ni Kimi?

"Tsk. Lahat ng success dapat icelebrate! Nasulot mo kay Yuan si Charm-- success yun diba?"

Talagang pinagplanuhan ha Xian?!

Dumating na ang prof nila kaya nanahimik si Kimi. Nag-attendance muna ito bago ibinigay ang long exam test papers.

Binasa muna ni Yuan ang lahat ng questions. He knew all the answer, pero pinag-iisipan niya kung aayusin ba niya ang pagsagot o izezero.

So far, may mga magandang ginawa naman si Xian para sa kanya. At panget namang gumanti through exams.

Minutes later, he started shading the little squares.

----

Back to the extravagant SSC office na naman si Xian. He did a thorough research on all the staff and memorized all their names. This time, hindi na siya papalya. Siya si Yuan Sy, hundred and one percent.

Just overnight, nakaisip siya ng paraan kung paano pasasakitin ang ulo ng kanyang kakambal.

Binubutingting niya ngayon ang desktop ng President at kina-crack niya ang mga passwords. Gagamitin niya ang IP address ng SSC para i-access ang control center ng buong SFU.

Sa pagkakaalam niya, 75% ng mga facilities sa SFU ay dependent sa iisang server. Sa madaling salita, interconnected; may common denominator.

At kapag successful niyang na-hack ang main server, PARALYZED ang lahat ng transactions, automations, validations, etc. ng buong University. PERWISYONG TOTOO for a day or so.

Nahinto siya sa kanyang operation nang may kumatok sa pinto. Kaagad niyang tinanggal ang kanyang portable drive at ibinulsa.

"Pasok." aniya.

Pumasok sa puntuan ang isang dalaga-- who's she? The Spokesperson. May dala itong brown folder.

"Mr. Sy, galing na ako sa Director. Your request to appoint a new DC President was denied. Ang sabi ni Sir Ricaforte, the vacancy will be up for grab this coming election."

Nosebleed siya sa sinabi nito. Ganito pala kaseryoso ang SSC ng SFU sa politics. Pang-Malacañang!

"Okay, ilapag mo na lang yan sa desk, then you may go."

Umikot si Miss Yuzon hanggang sa nasa tabi na niya ito. "Talaga? I can go now?"

Kinilabutan siya nang naupo ito sa kandungan niya. Di sadyang naitulak niya ang dalaga at napaupo ito sa sahig.

"OUCH!" hawak hawak ni Miss Yuzon ang kanyang balakang.

"--Je suis dé solé! Di ko talaga sadya!" bulalas ni Xian. Pag nagugulat siya, napapa-French siya ng de oras.

He offered her a hand, na tinanggihan naman nito. She stood up on her own. Tinitigan siya nito ng masama bago lumabas ng office.

Bakit ba ganun ang babae na yun? Babae ni Yuan?

Ipinagkibit balikat na lamang niya yun at muling inilabas ang kanyang portable drive.

He typed a series of codes and when he finally pressed enter, the message in the dialogue box made him feel triumphant.

Access granted.

----

Ngingiti-ngiti si Kimi nang malaman niyang may nanghahack sa database ng Signet Co. Not particularly; nadamay lang.

Ipinacheck yun sa kanya ng kanilang operator dahil ayaw magconnect sa main server. Kailangan kasi nilang ireport sa server ang lahat ng kanilang club activities at pati ang pagmamark ng members.

"So paano yan? Icacancel natin ang go-see? Err.. one week na lang ang remaining before the deadline-- tapos kelan pa tayo maglalaunch ng--"

"Shut up, pwede?" iritable niyang nilingon si Charm na nasa likod niya at nakatingin sa monitor. Hindi siya makakagawa ng milagro kapag nakabantay ito. "Bumalik ka na sa viewing room and hire. Ako na ang bahala dito."

Sumunod naman ang dalaga. Nung wala na ito, he took out a small flashdrive.

Kung sino man ang hacker, (na kilala niya technically) he can tell na mabait bait pa iyon. Blinock lang nun ang lahat ng access ports ng mga servers patungong main server. If he were that hacker, iwawipe out niya ang lahat ng data at walang ititira for recovery.

Gumawa siya ng backdoor para makaaccess ulit sa main server--

"CHARM?!"

Nag-angat siya ng paningin sa pumasok. Based on his uniform, si Xian iyon. But knowing anything and everything, that's really Yuan.

"Oh naligaw ka Xian--?"

Dire-diretsong lumakad si Xian palapit sa kanya at yumuko sa monitor.

Muntik na nitong mahuli kung ano ang ginagawa niya. Good thing he's fast.

"PvZ? Uso pa rin sayo yan?" amazed nitong tanong.

"Bakit ka ba nandito?"

"Tinext ako ni Charm. Sunduin ko daw siya."

'Uto-uto ka rin pala ano Yuan?' he thought.

Sige magbati sila ni Charm; and then suffer the consequences.

Kimi pressed the intercom. Pagkatapos, inilapit niya ang bibig niya sa mic. "Charm, someone came here to pick you up.

Lumabas kaagad ng viewing room ang dalaga. She saw her husband; caught between irritation and pretention. So like him. She bets iniisip nito na marami ang nasasayang na oras.

"Hi honey!" kumaway kaway pa siya.

Nasamid yatang bigla si Yuan. Good. Mas lalo pa niya itong aasarin.

Lumapit siya at humalik sa pisngi nito, sabay hawak sa kamay. "Tara na?"

----

Saktong nasa parking lot silang dalawa at pasakay ng kotse nang bumaba naman ang girlfriend ng totoong Xian mula sa Porsche nito. Looks like magkatabi ang mga ito ng parking space.

"XIAN ALAM MO BANG PUNUNG-PUNO NA AKO SA GINAGAWA MO HA?! BUSY LANG TALAGA AKO KAYA NANANAHIMIK AKO! KUNG AYAW MO NA SAKIN, MAKIPAGBREAK KA NG MAAYOS PWEDE BA? HINDI YUNG LANTARAN KANG NANGTU-TWO TIME! AND FOR PETE'S SAKE, THAT'S YOUR TWIN'S WIFE! MAHIYA NAMAN KAYO PLEASE?!"

Tinalakan sila ni Mahren. Mabuti na lang at walang tao.

"You know, tara na sa kotse-- wag mo nang pansinin ang bitter person na yan." si Charm.

"AKO BITTER?! I THINK THAT'S BETTER KUMPARA SAYO NA ISANG MALANDING MANG-AAGAW!"

Nahila ni Mahren ang buhok ni Charm pero last minute ay pumagitna si Yuan. First time lang niyang umawat sa dalawang girls na nagsabunutan.

"Let's go Charm--" pinagbuksan pa niya ito ng car door.

Lumapit sa kanya si Mahren. Umiiyak. "Xian, how could you do this to me?! Ano bang ginawa ko sayo?!"

Well, he's not the one to blame for all this crap!

Lumalaki na yata ang kasalanan sa kanya ng Xian na yun ah.

He shoved Mahren aside and proceeded to the other cardoor.

--beep!

--Oopsie, dumarami ang love casualties sa lumalalang elite wars. Who knows! Someone could be the next victim.

He kept on checking the time in his Rolex. Wala, as in literally, WALA silang ginagawa habang nakaupo sa loob ng isang Café outside the campus.

Nakatingin lang sa kanya si Charm the whole time. Gusto na niyang magtanong.

"Hindi mo ba namimiss ang ganitong feeling of just sitting idly?"

Sitting idly. He cannot afford such leisure.

Tumayo si Charm at tumabi sa kanya. Isinandal pa nito ang ulo sa balikat niya. "Hindi mo ba naaalala? When we're still freshmen, lagi tayong ganito."

Freshmen? Kelan pa niya nakasama ni Charm si Xian nung freshmen days?

"Hindi naman tayo nagkikita noon, right?"

"Hah, of course. I'm talking about you and me, not Xian and me."

So bistado na pala siya? Tsk. Magsasuffer ng malaki ang kanyang pride dahil dun.

"Aalis na ako--" tatayo na siya pero pinigil siya ng asawa.

"You've come this far, kaya bakit ka pa aalis?"

Drat! He was caught off guard. "Okay. I forgive you--"

"Umuwi ka na sa bahay."

"--Sige."

"--At hindi ka na magra-run sa next SSC Elections."

Whoa. Ito na nga ang may kasalanan sa kanya, ito pa ang may ganang magbigay ng mga kondisyones. "--Pag-iisipan ko."

"I'm serious Yuan! Hindi mo na kailangang maging SSC President di ba?"

Maybe she's right. Maybe hindi naman niya talaga kailangang maging SSC President.

Wala naman sa future plans niya ang maging politician.

Umakbay siya kay Charm and then he kissed her head.

Malaki ang ginawa nitong gulo para lang magkasama sila ngayon. He has to savor the tranquil moment before facing tomorrow's tragedy.

--beeeep!

That's the neatest thing to see in the midst of chaos. As said by my friend BlackAndWhiteAssassin
“Ang buhay, basta masarap.... bahala na!”

Better be prepared lower-East, coz there's more!

You know you love me, XOXO Gossip Girl!

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon