Season 2 Chapter 28

3.7K 54 2
                                    

Chapter 28

Gossip Girl here. Your one and only source into the scandalous lives of pinoy elite.

May I ask what is your dream date? Is it a candlelight dinner under the crescent moon on a romantic veranda of the tower suit? Oops.. Did I described it perfectly huh Ms. C?

'Sorry Gossip Girl, you forgot we also have a good string quartet playing a romanctic tune for us, and an excellent sommelier who complements our dinner with awesome wines.' Charm thought while peering over her phone secretly under the folds of the table mantle.

"--Honey, didn't I tell you to turn off your phone WHENEVER we're together?" saway sa kanya ni Yuan.

Nagpacute siya. "Sorry.. Di ko lang mapigilan.." hindi niya mapigilang di alamin ang feedbacks ng mga inggiterang haters niya sa Gossip Girl.

Pinagpatuloy nila ang pagkain. Dumaan ang appetizer at main course nang hindi sila nag-uusap. All throughout their 'romantic' dinner, ang ingay lang siguro na nagawa nila ay ang clinking ng silverwares.

Charm had to admit that this is a boring night for them. Habang nagtatagal, parang wala na siyang nararamdamang kilig. Everything seemed plain.

Palagi niyang ineexpect na may gagawing magic si Yuan. Pero wala.

Dumating na nga ba sila sa point na malapit na silang magkasawaan?

Oh no!

"--Yuu, don't you find it a little plain?" she finally spoke while spoonhng her meringue pie.

"Plain? You mean dapat pinasara ko yung restaurant ng hotel at dun tayo sa gitna nagdinner?"

"No! What I mean is that--" did she sounded like a desperate housewife na ba? "--Wala ka bang gagawin na kakaiba for me?"

Sandaling parang napaisip si Yuan. "--Ah! May naalala ako!"

"Talaga?" naexcite yata siyang bigla.

He ducked under the table tapos hinawi ang floor-length na tablecloth.

He's hidden something under the table!

What could it be? A bouquet of flowers? A set of diamond jewelries?

Pero naisip niya, boring din ang mga bagay na yun. At pagkatapos? Ano naman ang gagawin niya sa mga yun? Mabubulok lang ang flowers at ang mga alahas ay matatambak lang sa kanyang jewelry box.

Splaaaaaaash!

Nagulat siya. All of a sudden, naligo siya sa tubig nang wala sa oras.

Nagulat din ang apat na musikero, maging ang mga maids at sommelier na nagseserve sa kwarto nila. Naalarma ang mga ito sa nangyari.

"WHAT THE--?!" kinusot ni Charm ang kanyang mga mata. Pagmulat niya, si Yuan ay may hawak hawak ng napakalaking water gun. He was laughing like a little kid.

"Hay nako Charm, weak ka pa rin gaya ng dati. Hindi mo talaga alam kung kelan serious at kung kelan joke time." he bragged. Tumayo siya at lumayo sa table na pasan-pasan ang watergun sa balikat na para bang professional na sundalo o ano.

Imbes na maasar, Charm grinned. "I admit, you had me there! Pero di ka na makakaisa sakin next time!"

Umalis siya sa table and ducked under it. Kung gustong makipaglaro ni Yuan, syempre dapat siya din may sandata.

Mas maliit ng konti ang napunta sa kanyang toygun.

"--Ang daya mo naman, bat yung sayo malaki?!" reklamo niya. Madaya talaga ang asawa niya.

"Pasensya ka dahil nauna akong kumuha nito--" he aimed the gun at her and squirted water.

"Aaaay!" tili niya. Natamaan siya sa tenga and it tickled her.

Tumayo siya at gumanti sa asawa.

Splissshhh!

Pati mga maids ay tinira niya ng tubig.

Natatawa na lang ang mga ito habang umiilag sa tubig.

Nagtago si Yuan sa likod ng mga musicians kaya pinagbabaril din niya ng tubig pati mga ito.

"Habol!" tumakbo si Yuan. He hopped on the couch and went out the door habang binabaril siya.

Hinubad niya ang kanyang Louis Vuitton high heels at sinundan niya ito nang nakatapak.

Kailangan niyang makaganti sa surprise frontal attack na ginawa nito sa kanya kanina.

Sumakay siya ng elevator. Pagbukas ng elevator..

Splaaaaaaash!

"--What in the name of--" may nabasa siyang isang lalake na akala niya ay si Yuan.

"SO SORRY!" pag-aapologize niya at sinabayan ng takbo palabas.

Namalayan niyang sinusundan siya ng nabasa niya.

"Hey, YOU! Stop!"

Umikot siya at pumasok ng next elevator. She hit the lobby button.

Habang tumatakbo pababa ang elevator, narealize niyang she was smiling broadly, at napakahyper niya. There is really more fun kapag sinasakyan ang sick games ni Yuan. Totoo ngang ang pikon ay loser.

Ting!

Nakarating na siya ng lobby. Tahimik at walang gaanong tao. Nagpalakad lakad siya, barefooted.

"--Siya yung nanggugulo ng mga tenants dito sa hotel!" napalingon siya.

Kitang kita niya yung lalakeng nabasa niya kanina. Nakaturo ito sa direksyon niya at may kasamang dalawang security personnel.

"What?" she retorted. VIP guest siya ng hotel kaya lahat ng gusto niyang gawin ay tolerable. Tsaka ang arte ng lalake na yun ah. Parang nabasa lang! Nagsorry naman na siya!

Nagtayuang bigla ang mga nakaupo sa couch, pati yung mga nakapila sa counter. All of them are advancing in her direction.

Is there something going on in here?

Napaatras siya. "Guys, bakit? Hindi naman ako pumatay or something di ba?" pasimple siyang pumpunta sa elevator. Nasa malalayong floor pa lahat.

No choice siya. Ang tanging madadaanan lang niya ay yung patungong poolside.

'Nasaan na ba nagsuot ang Yuan na yun?!'

The people at the lobby are trailing her. Binilisan niya ang takbo.

Sa may gilid ng pool, nasumpungan niya ang asawa. Kahit madilim, alam niyang si Yuan iyon. Paano'y obyus ang hawak nitong malaking water gun. Nakatalikod ito sa kanya at parang may iniisip.

Ito na ang pagkakataon niya para makaganti.

She tiptoed para makalapit siya nang hindi mapapansin ni Yuan. When she was directly behind him, tinulak niya ito.

Splash!

"Hahahahaha!" tinawanan niya si Yuan. Pag-ahon ng ulo nito sa tubig, binaril niya ito ng watergun.

May kumalabit sa kanya from behind. Paglingon niya, yun yung nabasa niya kanina. Hindi ito nag-iisa. Kasama nito ang mga taong nasa lobby.

Sa sobrang gulat niya, napaatras siya at nalaglag sa pool.

This time, si Yuan naman ang tumawa.

"Heh!" singhal niya at tinampal ang tubig upang matalsikan si Yuan.

Nagtalunan sa pool ang mga tao na humahabol sa kanya kanina.

Bumukas ang ilaw sa pool area.

May narinig siyang tunog na parang galing sa drums.

Magkatabi tayo sa duyan
Sa ilalim ng buwan
Buhangin sa ating mga paa
Ang dagat ay kumakanta

Matagal naring magkakilala
Minahal na kita
Simula pa nung una
Unang makita ang iyong mga mata

Sana ay huwag ng matapos tong
Pagibig na para lamang sa iyo..

Live ang mga tumutugtog. Nakapwesto sila sa isang cavana kasama ng mga speakers at amplifiers.

"Andito ang Silent Sanctuary?!" she said amazed. Napatingin siya sa paligid. Nagsisynchro ang mga taong tumalon sa pool kanina. Pinalibutan sila ng mga ito habang sumasayaw. They lined up in a heart-shaped formation.

Gusto kong Tumalon, tumalon sa saya dahil
Ikaw ang kapiling
Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang
Ang puso ko
Sumayaw, sumayaw, sumayaw, tayo
Sa ilalim ng araw

Tuwing ika'y nalulungkot
Nandito lang ako pangako ko sa'yo
Hindi kita iiwan
Huwag kang mag-alala (huwag kang mag-alala)
Gusto mo ng beer ililibre kita (sige na, sige na, sige na)
Basta't ika'y kasama, di ako nangangamba
Kislap ng yong mata tibok ng puso'y sumaya


Yuan turned her around until they were face to face.

"Happy?" he was grinning. "I hope this would be a good summer ending for the two of us--"

"--I LOVE YOU!" Hiyaw ni Charm sabay hila pababa kay Yuan.

She kissed him underwater.

--beeep!

--Hala, tapos na ang summer nila? Sabagay, yung iba nga diyan, feeling winter na. :D

Aw! Aw! Aw!

"--Good girl, Chichi.." nakapout pa si Xian habang kinakausap ang cute na cute na alagang maltese ng kanyang Mommy. Tambay siya ngayon sa bahay nito because he strongly believed that this is the safest place para--

"--UMINOM NG ALAK at kausapin ang aso.. Yan na lang ba ang gusto mong gawin sa buhay mo anak?" dinaanan siya ng kanyang ina at inagaw sa kanya si Chichi.

"Mom, I don't have any idea what to do right now. Would you mind telling me what comes next?"

Naupo sa opposite chair si Karine. She sighed. "Makipag-ayos ka na sa girlfriend mo. Ayain mo na ng kasal para di na makawala!"

A heck of a suggestion. Is it really true that mothers know best?

"Mom.. Tapos na kami, okay? Kaya nga nagsecelebrate ako di ba?"

"--Anak, kung tapos na kayo, eh di maghanap ka na ng iba! Kuh! Yang gwapo mong yan, binuburo mo lang!"

He didn't reply, instead, he sipped from his glass.

"--Kung bumalik ka na lang kaya ng France anak?"

"Non.. Balak ko pong mag-aral sa university ni Yuan this June. Isa pa, kailangan ko nang magdesisyon kung ano ang makakabuti para kay fu qin."

"--Anak, nakapagdesisyon ka na ba talaga?" lumungkot bigla ang mood sa drawing room na iyon.

Inilapag ni Xian ang baso sa coffee table at hinarap ang ina. "Ikaw Mommy, handa ka na ba? I mean, minahal mo si fu qin for almost two decades.. Tapos heto ka, heto tayo, naiipit between conscience and mercy."

"Naku, sakin ka nga talaga nagmana. Because if Lauro was the one on our shoes, he'll definitely have 'convenience' over conscience or mercy!"

They laughed at the clever joke.

Gumaan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ni Xian.

Whatever happens next, hindi siya nag-iisa. His Mom and Yuan got his back.

--What a painstaking talk with Mommy K.

Well I guess there's nothing else to say.

And who am I? That's a secret I'll never tell..

You know you love me, XOXO, Gossip Girl!

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon