Season 3 Chapter 12

3.3K 50 5
                                    

Chapter 12

--We're still having a good day, aren't we lower-East siders?

Kahit maulan, gora pa rin ang marami to see The Amazing Spiderman. Well I'm not a fan of Spiderman at all, pero bet ko si fafa Andrew Garfield as the new Peter Parker.

Wether Spiderman or Andrew Garfield; mukhang wala sa dalawang yun ang idol ng isang 'VIP' moviegoer. Isa siyang napakalaking-POSER. Bakit kamo?--

"--Yuan?!"

Naalimpungatan siya. He blinked innocently and looked around.

"Yuan?"

"Miss Yuzon, bakit mo ako tinatawag na Yuan?! Asan ba tayo?" tanong niya sa kanyang katabi.

"HELLO?! Nasa cinema po tayo! Wala tayo sa university para tawagin kitang Mr. Sy at tawagin mo akong Miss Yuzon."

Okay, naalala na niya. Imbes na pumasok sa university, he decided to have this movie date.

"Anong oras na ba Tanya?" he was too lazy to even look at his own watch.

"--Hmm.. 2pm?" sagot ng dalaga.

"Okay. Gisingin mo ako pag 6pm na." muli siyang pumikit.

"What are you? Don't tell me pinasarado mo lang ang buong cinema na ito so you could sleep?"

"--Baket, do you expect na ang reason ay dahil diehard ako sa Spiderman?" he answered sheepishly without opening his eyes.

Sumandal sa kanya si Tanya. "Bakit hindi ka matulog sa bahay mo?" pahaging niya. She already knew the answer to that. Yuan and his wife, have a big problem.

"Nag-iisip pa ako. Parang hindi muna ako uuwi sa bahay."

Tumikhim ang dalaga. "You want to stay at my place?"

"Sorry honey, hindi pa baligtad ang mundo para sakin. I can stay at any hotel."

Gumapang ang kamay ni Tanya sa braso ni Yuan. The next moment, she's already holding his hand. "Hiwalayan mo na si Charm. Iniiputan ka lang niya sa ulo right?"

"And then?"

She didn't answer the stupid question of the day.

'And then?' The fuck!

Indication yun na hindi talaga interesado si Yuan na magkaroon sila ng steady relationship. He only sees her as a companion kapag wala itong magawa, or maybe his shock-absorber! Kumbaga sa unang panahon, she's a geisha!

Shit lang. She's a rich girl. She's educated and sophisticated. But next to Charm, parang she had nothing.

She shook her head back into reality. Bakit ba siya nag-eemote. She was not even sure if she loves him. On the brighter side naman, kapag magkasama sila ni Yuan, she could do anything to him.

Tumayo siya para lang umupo sa kandungan ng binata. She leaned forward and bended her head.

To her surprise, ito pa ang humalik sa kanya. She didn't asked why, and responded to him with twice the hunger until she's fat with the taste of him.

--beeep!

Controversy pa nga ba yang maituturing kung normal na lang iyan na ginagawa sa madilim at walang tao? :)

Speaking of controversy, ano naman kayang issue ang paaandarin ni Mr. DJ B?

"--Nagkita na ba tayo before, you looked familiar?" thank God and after so many no-girls nights, ngayon lang ulit namesmerized si Bret ng gandang Filipina.

She looked like and angel, in an angelic uniform-- not really, but since white iyon, feel free to assume.

What's her name again?

"--Yah I remembered you. Ipinakilala ka sa akin ni Grace nung bisperas ng wedding niya. And you're the DJ! What's your name again?"

Ouch. Ni hindi nila natandaan ang pangalan ng isa't isa? That sucks men!

"I'm Bret Ellingson--" he automatically held out his hand, with matching a very friendly girl-swooning smile.

"--Mahren Apostol here."

They shooked hands.

A big pause bago muling nagsalita si Bret. "--So yun, ikaw pala ang nabangga ng pinsan ko. Small world isn't it?"

Tumango si Mahren. "Hindi na bago yun. Talagang maliit lang ang mundo ng mga rich kids here in the country. You know the mentality-- everyone wants to party only in the best clubs, shop in the best boutiques, study in the best schools."

"Ma'am iche-check niyo na po ba yung kotse?" someone from the shop's personnel called for her attention.

"Sige kuya--"

"Ah Mahren, can I invite you to have coffee or lunch some other time?" pahabol ni Bret.

"Sure!"

With the positive reply, Bret fished out his phone from his pocket. "Can I get your number then?"

Kinuha ni Mahren ang phone niya at itinype ang number. She gave the phone back to him afterwards.

Sumakay na si Bret sa Volvo. Pinanood niya ang dalaga na papalapit pa lang sa Porsche nito. He dialled her number.

Nagulat ang dalaga dahil sa call alert. She took out her phone.

"Hello?" aniya.

"Hi Mahren. It's Bret--" pumihit siya sa direksyon kung nasaan ang Volvo. She saw him waving.

"--Hindi ka pa pala nakakaalis, tumawag ka pa. Maririnig naman kita if ever you shouted."

"--No, chinecheck ko lang kung tama yung number na inilagay mo." ani Bret.

Natawa si Mahren. "Bakit ko naman ipe-fake ang number ko? Hindi ka naman mukhang badguy.. Anyway, ibababa ko na okay? I have to go at baka ma-late ako sa next class ko. Bye."

Gentleman si Bret, in fairness. Pinauna nitong makaalis ang Porsche ni Mahren bago nito binuhay ang makina ng Volvo.

"Sweet--" natuwa siya sa Volvo. Swabe itong imaneho. Maybe he'll buy a latest model.

Pagdating niya sa University, natuluyan siyang hindi pumasok ng kanyang klase.

He recieved a message from Charm and Daniela. Nasa club room ng F-Club ang mga ito at pinaparedecorate nila iyon.

Maybe they need an expert advice? Pero hindi naman siya ganun ka-inclined sa interior designing.

At saan nga ba ang clubrooms?

Hindi kagaya ng ungas na si Kimi, may presence of mind naman siyang magsurf sa information ng university website at tumingin sa mapa.

He drove off and traced the road.

Napadpad siya sa isang buong building na mukhang hotel, na ang lobby ay wala ngang ipinagkaiba sa isang hotel.

He approached the counter at nagtanong sa isang receptionist. "Saan ang F-Club?"

"Wait lang Sir, ichecheck ko lang." nagtype sa keyboard ang receptionist na mukhang ngawit na sa kakangiti. "May I have you I.D. please?"

Ibinigay niya ang I.D. niya. Ini-swipe yun ng receptionist sa isang magnetic scanner bago ibinalik sa kanya.

"--Room 607. Do you want to have a printed receipt?"

Ayos. De metro ang lahat ng serbisyo sa University na ito. Saan ka, pati tanong may bayad! Tiningnan niya ang monitor. He was charged P1000.

"No need." sagot niya. May ibibigay naman kasing student account statement at the end of every semester. Hindi niya kailangang mag-ipon ng resibo.

Nag-dash siya para mahabol ang bukas na tube elevator. Dahil transparent ang door nun, nakikita niya kung anong meron sa bawat floor na nadadaanan niya.

Bawat rooms ay may embossed na silver or gold letters and they spelled every club names na existing sa SFU.

Ting!

Sixth floor na pala. Maganda ang nakuhang space nina Charm. Expected niyang sa highest floor sila mapupunta which is 18th floor. Iba talaga ang padrino ng babaeng yun.

Si Daniela at si Charm ang nagbukas sa kanya ng pinto. "Welcome!"

Namamatanda ba siya? Hindi ba dapat magkaaway ang dalawang ito dahil sa kumalat na issue sa Gossip Girl?

May iba pang tao bukod sa dalawa. Mga decorators at designers.

"What do you think Kuya?" itinuro ni Daniela ang main recieving area ng kanilang clubroom.

Itim ang naka-high pas na wall at may silver embossed letters doon; it read Signet Co.

State of the art ang mga piniling furnishing ng mga girls. Hindi mo masasabing, femme at hindi rin masculine. Saktuhan lang.

Made of transparent fiberglass ang kanilang long reception table at itim ang mga art deco chairs.

May nakita din siyang round vases sa mga haligi na may palm plant.

"--Sleek and elegant." sagot ni Bret.

"Almost finished na ang redecorating. Yung sa meeting area na lang ang hindi pa naaayos." sabi ni Charm.

"Ang bilis naman yata."

"--Ano ka ba kuya? Tumatakbo ang 2weeks trial period ng club kaya dapat double time tayo."

"Make it triple-- alam niyo si Yuan, pag galit, destructive." nahuli niyang inirapan ni Charm si Daniela. So nagpaplastikan nga lang talaga sila.

Maganda ang mood niya ngayon kaya siguro dapat siya ang maging moderator ng dalawa. Umakbay siya sa mga ito. "Girls gusto niyong magcapuccino? My treat!"

"Sugar na naman! Tsk--"

Natigilan silang tatlo nang may unexpected guest ang pumasok sa kanilang clubroom.

----

"Good afternoon." pormal na bati ni Kimi sa tatlong founder ng Signet Co. As usual, boss na boss ang kanyang arrive.

Nahuli niyang nakasimangot ang lalakeng nakaakbay kanila Charm at Daniela. He smirked.

Dire-diretso siya na parang siya ang may-ari ng clubroom. He sat on the swivel chair behind the glass desk at nagdekwatro pa.

"Nandito ka ba para manggulo or what? I swear I'll call for security--" nakatalak kaagad sa kanya si Charm.

"Relax.. Wala akong planong manggulo whatsoever."

"Then what brings you here?" pa-sweet na tanong ni Daniela.

"I'm here to join this club." simple niyang sagot.

"WHAT?!"

He scowled at them. "Mga bingi ba kayo? Ang sabi ko, I'll join this club."

Charm crossed her arms. "Baket?"

Mataman niyang tiningnan si Charm. "I have a feeling that this club of yours is going to be the crossfire of I-still-don't-know-what. Sasali lang ako for a little entertainment. And don't worry, I'll help."

--beeep!

--Totoo ba ito? K sounded like an ally. Is this for real or just for show?

Stay updated!

You know you love me, XOXO Gossip Girl!

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon