Chapter 4

7.4K 140 15
                                    

Chapter 4

Heads up lower-East siders.. Gossip Girl here.. Your one and only source into the scandalous lives of Pinoy elites.

Seen by our fellow chismisera OnlyYou09.. D and Y dinner dating at Manila Hotel.

C on the other hand, is at a fashion show right now, organized by Y's mom, Karine, a prominent designer.

Bluff ba ito para iligaw tayo ng magbff off their hidden romance? We'll see..


"Tita, kudos to your great fall collection." nagbeso si Charm kay Karine Sy habang iniabot ang isang bouquet. Kakatapos lang rumampa ng mga models, now it's time for socializing.

"Hija, I thought Yuu would escort you here. Why did you come alone?" tanong niya kay Charm, hinahanap ang anak na si Yuan.

"Miss Karine, picture!" umepal ang isang member ng press.

Inakbayan ni Karine si Charm and they smiled on over hundreds of camera flash.

"Tita he will catch up daw later, kasama ang NEW gf nya." bulong ni Charm kay Karine matapos mapagod magproject sa camera.

"New girlfriend na naman?" parang naistress ang ina ni Yuan. Nagpaalam ito sa mga reporters at hinila sya sa isang sulok ng events hall. "Bakit ba kasi hindi pa maging kayo ng anak ko na yon. I really like you. Sana consider him naman hija."

Hinarang ni Charm ang isang waiter at kumuha ng dalawang glass ng champagne. Inabot nya ang isa kay tita Karine.

"Bata pa naman sya tita. Lalake pa. I'm sure magsasawa din yun mambabae."

Tinungga ni Karine ang champagne. "Sana nga.."

"Hey mom--" si Yuan iyon. Nakakapit sa kanya na parang tuko si Daniela. Nagbeso siya sa kanyang ina. Sumunod na nagbeso si Daniela.

"Nice to see you Charm." tila proud si Daniela sa pagkakareclaim kay Yuan. Bebeso rin dapat sya kay Charm subalit ihinarang nito ang champagne glass at ito ang nahalikan nya.

"Your lipstick is cheap, baka magkaallergy ako. You know I have no time to go to Vicky Belo." katwiran ni Charm. Nangiti ang Mommy ni Yuan.

"You just enjoy here baka hinahanap na ako doon." Karine excused herself from the youngsters.

--toooot! Simultaneous na namang nagtunugan ang mga phones ng mga tao sa event. Talagang mas malalang bisyo kaysa sa Opium ang pagsubscribe sa Gossip Girl!

--Having a great time at the fashion event? So sorry C, even if you scored 2points, D has got your Y!

"Let's go over there Yuan.." yaya ni Daniela sa bf. Timing ang update ni Gossip Girl, nailigtas siya sa pagkapahiya.

'You should kiss my feet you ungrateful bitch! Ako ang dahilan kung baket mo kasama si Yuan ngayon!' sigaw ni Charm sa isip.

Lumakad siya para magpunta sa powder room. She emptied her champagne glass by pouring it on someone else's glass sa nadaanan lamang nyang table. Then nilapag niya ang empty glass at parang wala lang na nagtuloy-tuloy.

"HEY! What the hell?!" sigaw sa likod nya.

Pagdating nya sa pintuan ng girl's CR, may humila sa braso nya.

"I'll pay you if you're bothered by that damn champagn--" lumingon siya. Hindi iyon ang sumigaw sa kanya kanina.

"Yuan?! Sinusundan mo ba ako? Mabubulilyaso ta--" hinatak sya ni Yuan papasok ng girl's CR. Sumiksik sila sa isang cubicle at nilock iyon.

Yuan pressed her on the wall and kissed her.

"Ayoko na gawin ang scheme na to. I want us to be official lovers now." hinihingal na sabi ni Yuan.

Charm flustered. Natanga siya ng ilang segundo. "P-pinanghihinaan ka ng loob? So ano? Iiwan mo ako sa ere? Hindi pa ako ready-" marahan nyang bulong.

Maya-maya ay natawa si Yuan. "How I wish na makita ni Gossip Girl ang pagbablush ng dakilang si C!"

She can't believe na nahulog sya sa mababaw na joke ng dimonyong bff nya! Akmang sasampalin nya ito pero mabilis ang kamay ni Yuan.

"Go to hell Yuan!"

"Fuck it Charm. Mas marami akong ineendure na kahihiyan ngayon kumpara sayo."

She got her bff's logic. Nilagay ni Charm ang kamay sa batok ni Yuan. "Problema ba yon? Babayaran kita.." Charm initiated the kiss. Nakipaghalikan siya sa kanyang bff na parang wala na bang bukas. Tila yata magiging bisyo na nila itong dalawa.


----

After his Mom's fashion show event, umuwi mag isa si Yuan sa kanyang 3-bedroom condo unit sa Mandaluyong. Kashare nya doon ang kakambal na si Xian.

He was surprised na patay ang lahat ng ilaw sa unit. Alam nyang ayaw ni Xian ng lights off.

"Xian?" tawag nya pagkatapos magliwanag nang i-on nya ang light switch.

Baka lumabas.

Napansin nyang partially open ang room ni Xian.

"Xian?" pagtulak nya ng pinto, bumulaga sa kanya ang mga nagkalat na damit ng kapatid. Ang iba ay nasa carpeted floor habang ang iba ay nasa kama. Bukas ang walk-in closet ng kapatid. May mga hangers na wala nang sampay, nawawala din ang travelling bag ni Xian.

Umalis ang kakambal nya. At mukhang madalian ang ginawa nitong pag eempake.

Inikot niya ang buong unit nila para sa note na maaaring iniwan ng kapatid. Pero wala siyang nakita.

Kinuha niya ang phone at nagdial.

"..The number you dialled is either unatten--" damn! Out of reach si Xian!

Nagdial uli siya. "Mom? Xian just left with his clothes! Umuwi ba siya diyan sa inyo? I can't call him!"

"No sweetheart! Why? Baka naman sumama sa mga kabarkada nya at nag-out of town?"

"I'll call you later Mom."

Chineck nya uli ang kwarto ng kapatid. Wala doon ang passport nito.

Agad nyang kinuha ang laptop at unang nag-inquire online sa school ng kapatid. Nagulat sya.

Nag-ask ito ng honorable dismissal pero hindi pa nakadeclare kung saan lilipat ng school. Sunod nyang pinuntahan ang site ng Gossip Girl.

Alam nyang may GPS feature ang site, na accessible kung magbabayad ka. Tinype nya ang kanyang inquiry bago sinunod ang kanyang PayPal account.


After five minutes, nagreply si Gossip Girl.

--Gossip Girl here. I'm sorry Y I can't help you. I know where is X but he contacted me earlier telling me not to say any details of his whereabouts. I can tell you he's still in good shape though. XOXO.

Naman! Ang galing nyo sa tsismis. Pero heto, hindi nyo masabi kung nasaan si Xian!

Kumamot siya sa ulo. 'Where the hell are you Xian!'

Bahala nga kayo-- he gave up. Pumasok siya sa sariling kwarto, kicked off his shoes at nahiga.

----

10:31pm. Kinatok sya ng kanyang half-sis na si Athena. Nanghihingi ito ng pera.

"I just gave you your allowance kahapon diba?!" naiiritang tanong ni Charm. Nakaupo siya sa harap ng dresser at tinatanggal ang diamond stud earrings.

"Nagshop ako sa mga mamahaling boutique. You see barya lang ang binigay mo! Hindi nga yun makakabili ng kotse eh!"

"Tonta ka talaga!" sigaw nya. "At mukha kang pera! Manang mana ka sa cheap mong nanay!"

"Hoy wag mong madamay damay ang Mommy ko! Ikaw naman, SAKIM!" sagot ni Athena.

Nag-init ang ulo ni Charm. Hinatak nya ang buhok ng kapatid at sinabunutan iyon. Gumanti si Athena.

Dahil tahimik sa kanilang mansyon, dinig na dinig ang kanilang away. Agad silang inakyat ng kanilang ama.

"Girls! What's happening??" tanong ng Dad nila na pilit silang pinaglalayo.

"Iyang anak mo sa labas walang breeding. Hindi na marunong magpasalamat, napakaenggrata pa! Hindi natin pinupulot ang pera dito!" sumbong ni Charm nang mapaghiwalay sila.

Nilapitan siya ng ama at tinapik tapik ang kanyang balikat. "Hija, ibigay mo muna ang gusto ng mga kapatid mo, there's nothing wrong with that, we can afford-"

Nandilat si Charm. "Nothing wrong?! What the fuck Daddy?!" sinunggaban niya ang kanyang carkeys at lumabas sa kwarto.

"Charlotte where are you going?" tawag ng kanyang Daddy pero hindi niya pinansin. Tuloy tuloy sya sa kanilang carport at sumakay sa kanyang white Volvo.

She fired the engine at mabilis na nagmaneho palayo sa kanilang place.

--Oooh, napuno na si C kay little A. Their catfight resulted to C leaving their mansion.. Hmm saan naman kaya siya pupunta? I hope her Daddy isn't one of my subscribers..


11:12pm


DRIIIIIN!

Nagising si Yuan sa ingay ng kanyang doorbell. Agad siyang tumayo at baka ang kapatid na nya iyon.

'Eka, bat magdodoorbell yun? Me keycard yun ah.'

Nagugulumihanan man ay binuksan pa rin nya ang pinto.

Hindi nga si Xian ang nagdoorbell. Si Charm ang nasa harap nya.

Mukha itong narape at wasted. Suot pa rin nito ang dress na gamit nya kanina sa fashion show. Sira na ang isang strap niyon. Gulo at sabug sabog ang buhok ng dalaga. Nagsmear na rin ang mascara nito dahil sa kaiiyak. Napansin din nyang nakatapak lang ito.

Awang awa sya sa bff. Pero mas nauna ang kanyang galit.

"Sinong hayup ang lumapastangan sayo?! Wait I'll call my lawyer, magdedemanda tayo. Pero kung kilala mo-- ipapapatay ko na! Di ba sinabi ko na kasi sayo wag kang lalabas ng gabi pag mag-isa ka lang?!"

Napatitig sa kanya si Charm. "Anung pinagsasabi mo dyan?"

"Hindi ka ba-- narape?!"

"Baket mukha ba akong narape?!" sarkastikong tanong ni Charm.

"Oo.."

Tuloy tuloy na pumasok si Charm hanggang sa kwarto nya at naghanap ng salamin.

"My God!" bulalas niya ng makita ang sarili. Sa sobrang sama ng loob nya ay hindi siya tumingin sa rearview at sideview mirrors ng kotse nya kanina. Kumuha sya ng tissue at pinahid ang mascara. Nang matapos ay umupo siya sa kama ni Yuan

"Ano ba nangyari?" tanong ni Yuan na umupo sa tabi nya.

"Ayokong pag-usapan muna."

"Ok.."

"Tanggalin mo stress ko." yumakap siya sa bff.

Yumuko si Yuan at nagsimulang humalik sa kanyang leeg habang ang mga kamay nito ay nasa likod at ina unzip ang kanyang dress.


--It's been a long and tiring night lower-East siders.. All I can say is have a good sleep. My lips are sealed. But don't despair. Secrets are meant to be divulge at a very sweet time.

And who am I? That's a secret I'll never tell..

You know you love me.. XOXO Gossip Girl.

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon