Chapter 23

5K 77 4
                                    

Chapter 23

Good eve lower-East siders! Gossip Girl here. Your exclusive source into the latest chismis, but unfortunately, not your guide into a maze in which you are stucked forever.

"Damn! Alam ko ito yung tamang way ah?" ani Charm na wala namang partikular na kinakausap. May five minutes na ring idle sa likod niya si Yuan na kapapasok lang ng kanilang condo unit. Mas pinanonood siya nito kaysa sa game.

"Dun ka dumaan sa--"

"WAG MOKO'NG TUTURUAN!!" sigaw niya.

"Wala pa nga eh! Nag-overwrite ka na naman ng save ko nuh? Tama na yan! Gawin mo na mga homework mo!" utos ni Yuan.

"Yiee ayoko.. Masaya itong game na to eh!" ani Charm. She's currently playing God of War 3, a Greek mythology inspired PS3 game kung saan ang bida na si Kratos ay kinakalaban ang chief god na si Zeus.

"Ibibili kita ng sarili mong PS3 at LED bukas tas iinstall natin sa room mo para hindi mo na ulit iooverwrite ang mga save ko!"

"Gusto ko ng KINECT."

Choosy pa! Nailing na lang si Yuan.

"Ah, siya nga pala Pa, umalis si Xian. Hindi ko na tinanong kung saan siya pupunta."

Nagbago agad ang ekspresyon ng mukha ni Yuan.

Yun ba ang taong endangered? He said hindi siya lalabas ng unit? And what's this? Xian is out, sporting the same hairstyle, hair colour, at ano pa? Same body built. Sa madaling salita, lahat ng gagawin ni Xian sa labas ay parang siya na din ang gumawa.

He quickly took out his phone and tried to call his twin--

~the number you dialled is either unattended or out of coverage area~

"--alam mo Pa, kung hindi ako nakatira dito at kung hindi ko alam ang sched mo, mapagkakamalan ko'ng ikaw siya." dagdag pa ni Charm.

"Susundan ko si Xian."

Hinawakan ni Charm ang laylayan ng coat niya. "Dito ka lang. Hayaan mo siyang gawin ang gusto niya."

"Ma, this is serious--"


"Alam ko." inilapag ni Charm ang hawak na controller at pagkatapos ay iniangkla ang mga kamay sa balikat ng asawa. "--pero ayoko'ng may istorbo satin ngayon."

--beep!

--Spotted! Little A partying with a friend in an exclusive club/bar. It's been a long time since I last saw her on my hotlist. Hmm..

"Girl sino'ng tinitingnan mo d'yan? Kanina pa kandahaba leeg mo. Baka magkastiffneck ka na!"

Sa lakas ng music, kailangan mo nang sumigaw sa tenga ng kausap mo. And that's what Angel did to her friend Athena.

"Si Yuan Sy yun di'ba?" shout back ni Athena, her gaze still fixed on one direction.

Angel tried to locate someone kung saan nakatitig ang kaibigan. From her line of sight, tanaw niya ang gwapong tsinito guy sitting on the bar counter and drinking alone. Familiar nga siya.

"He's a big fish. Type mo?"

Ngumiti si Athena. "Kinda.. But he's my sister's boyfriend."

"Naku girl, pwede pa yan ipush! Kung may ganda lang ako, aba ako bibingwit diyan!"

"I don't know--"

Tiningnan ni Angel nang makahulugan ang kaibigan.

"Oh!" natutop ni Athena ang bibig. But she smiled slyly.

----

Xian was at the verge of giving up at bago matapos ang gabi, kailangan na niyang magdecide kung tuloy o tigil ang ginagawa niyang scheme to dispute his little twin. Aaminin niyang mahirap pabagsakin ang kanyang kakambal. Matalino si Yuan, and by now, malamang alam na nitong palabas lang niyang gusto siyang parusahan ng ama nila. Wala siyang tinangay na evidence whatsoever, it's only the suicide note ng kuya nila na sinisisi si Yuan kung bakit ito nagpakamatay. Kaya nagalit ang ama nila sakanya ay dahil ayaw nitong makarating sa kaalaman ni Yuan ang tungkol sa note. Posible kasing malaki ang magiging emotional damage nun kay Yuan. Yuan had undergone a mental  theraphy noong pagkamatay ng kuya nila at hindi niya alam kung bakit.

Ang buyout naman sa company ay hindi naman talaga planado. Bilang panganay ng Sy, ipinasa lang sa kanya ng ama ang remaining shares nito na lingid sa kaalaman ni Yuan. Dahil nga siya ang panganay, mas kinampihan siya ng remaining shareholders na orihinal na kapanalig ni Yuan. Napressure siya sa mga buyo ng mga ito kaya't hinack niya ang database ni Yuan para makakuha ng impormasyon tungkol sa shares nito.

Subalit makuha niya o hindi ang kumpanya, it doesn't matter to Yuan. Sa business, para itong virus; dadapo sa kung saan, pagkatapos ay magkakalat ng infection.

"Yuan Sy? Long time mo see!" nilingon ni Xian ang pinanggalingan ng boses. Tiyak na nag-effort pa iyong sumigaw dahil sa lakas ng tugtog. Isang magandang morena ang tumambad sa harapan niya. Napagkamalan yata siya.

"Excuse me? Who are you?" tanong niya.

Parang napahiya ang babae pero hindi ipinahalata. "Athena! Half sis ako ni Charm!"

Half sister ni Charm?! Hindi niya alam yun ah? "Look Athena, nagkakamali ka ng--"

"Hi Yuan!" May bumati galing sa likod niya kaya he stirred a bit.

"Si Angel to? Lagi ka yatang busy?"

Sa likod nila, tense si Athena na ibinubuhos sa glass ni Xian ang contents ng isang maliit na packet.

Nang matapos siya sa ginagawa, makahulugan niyang tinitigan si Angel.

Hindi pa man nakakareact si Yuan, muling nagsalita si Angel. "Ah excuse me lang ha? I think I saw a friend over there."

"--So Yuan, kamusta na kayo ni ate Charm? I heard rumors na--" kabado si Athena, especially nang makita niyang uminom mula sa glass ang kausap.

"Athena, I'm sorry pero hindi talaga ako si--" he checked his watch. "It's getting late, I better get going. Nice meeting you." bago tumayo, he emptied his glass and left money bills at the counter. Nasa corridor na siya patungong exit ng bar nang makaramdam ng kakaibang sensasyon. He must be drunk.

Napasandal siya sa pader, sapo ang ulo. Umiikot ang kanyang paningin, but his head isn't aching, more like he was in an ecstatic state.

Then someone approached him. Pero hindi na niya alam kung sino at kung bakit. Basta inooverwhelm siya ng unknown frenzied feeling.

"Angel what's that stuff?" tanong ni Athena habang inaalalayan si 'Yuan' palabas ng bar.

"Valium." ani Angel na umaalalay sa kabila. They exchanged wicked smiles for a job well done.

----

"Tulog na si Xiao Nu, matulog ka na rin Yun Nai. Babalik na ako sa kwarto ko."

"Didi? May sakit ka ba?" may pag-aalalang tanong niya sa kanyang kuya Liu Wei.

Mapanglaw na ngumiti sa kanya ang kuya na noong ay 18 years old. Halos labindalawang taon ang tanda nito sa kanya at kay Xiao Nu.

Sa France sila nakatira ni Xiao Nu dahil nandoon ang work ng ina bilang assistant fashion designer. Pero kapag sembreak from school, nagbabakasyon sila sa China. He was always looking forward to sembreaks because that's the only chance para makasama nila ang kanilang older half brother na si Liu Wei.

Mabait ito, masayahin, at maraming kwento.

"Wala akong sakit Yun Nai." sabi nito bago lumabas ng kwarto.


Nang gabing iyon ay balisa siya sa hindi malamang dahilan.

Hanggang sa may marinig siyang ingay ng isang bumagsak na kung ano.

Bumangon siya sa kama at hinanap ang pinanggalingan ng ingay. Binuksan niya ang lahat ng kwarto at ang tanging natira na lamang ay ang silid ni Liu Wei. Hindi nakalock ang pinto. Pagkabukas niya ay tumambad sa kanya ang katawan ni Liu Wei. Nakabigti ito sa lubid na nakasabit sa kisame, ang bumagsak kanina ay ang upuan na tinuntungan nito.

Tumindig ang kanyang balahibo, lalo na nang makita niya ang mukha ng kuya. Lawit ang dila nito na tila humahaba pa; at ang mga dilat na mata nito ay waring nanlilisik na nakatingin sakanya..

"AAAAAHHHHH!"

----

"Pa what's wrong?!" gulilat na nagising si Charm nang marinig ang sigaw ng asawa. Nakaupo si Yuan sa tabi niya na nanginginig ang buong katawan.

Sinapo nito ang mukha. Nang makarecover ay saka nagsalita. "Ebidensya.. Ebidensya.. Kailangan ko'ng malaman kung bakit siya namatay!"

"Ha?"

Tahimik na tumayo sa kama si Yuan. Kinuha ang mga susi bago lumabas ng kwarto. Sinundan siya ni Charm.

Binuksan ni Yuan ang kwarto ng kakambal at pumasok duon. Naabutan siya ni Charm na naghahalungkat sa mga gamit na nandoon.

Magsasalita pa sana siya pero mas maiging wag na lang muna.

Tumigil lang si Yuan sa pagrurummage nang makita ang isang lumang piraso ng nakatiklop na papel. Naninilaw na iyon sa kalumaan. It was a note written in Chinese characters.

| Isinusumpa kita Sy Yun Nai! Nawa'y maging miserable ang iyong buhay sa aking pagkawala! Dahil sa iyo, nawalan ng paggiliw sa akin ang ating ama. Lahat ng gawin ko ay hindi na sapat. Ngayon ay tuluyan nang nawala ang tiwala niya sakin. Aaminin kong binalak kitang patayin sa paraan ng paglalagay ng lason sa iyong gatas tuwing gabi. Subalit nalaman iyon ni ama! Inalisan na niya ako ng karapatan bilang tagapagmana.Wala na akong dahilan para mabuhay! Ito ang tatandaan mo, babalikan kita, hindi man bilang tao, kundi bilang tadhana mo!

Liu Wei |

Nilamukos ni Yuan ang papel at mahinang nagtawa. He suffered years mourning for his brother whom he cherished the most. Yun pala ay ito ang may pakana kung bakit muntik na siyang mamatay dati mula sa pagkalason sa Arsenic.

May gana pa itong pagbantaan siya?

'Shut the f^ck up in hell where you belong!'

----

Isinet ni Angel ang video mode ng phone ni Athena sa side table. "Pano girl, alis na ako, bahala ka na."

Athena nodded. Pagkasara ni Angel ng pinto, kaagad siyang pumatong sa ibabaw ni 'Yuan'. May malay naman ito pero bangag pa din. She kissed him flat on the lips. Huminto siya nang maramdaman niya ang kamay nito na dumampi sa kanyang mukha.

"--Charm.." usal ni 'Yuan'.

Kesa mabadtrip si Athena, inignore na lang niya ang pagsambit ni 'Yuan' sa pangalang kinaiinisan niya at tinuloy ang kanyang ginagawa.

--The moon must be at its Zenith dahil marami ang nababaliw tonight. Oh what do I mean by that? That's a secret I would tell you on my next update.

You know you love me, XOXO Gossip Girl.

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon