Season 2 Chapter 7

4.4K 69 1
                                    

Chapter 7

--Hey guys, it's Gossip Girl trailing the super rich brats here in Palawan! You don't wanna miss this latest chismax--

Nagising si Charm dahil sa sobrang init. She found herself lying on a fine sand somewhere on a secluded beach na walang katao-tao!

"How did I get here?!"

Pinagpag niya ang buhangin sa kanyang bohemian-inspired attire na off-shoulder top at ankle-length skirt.

Kinapkapan niya ang sarili and then look around.

"Oh great! I have nothing! No money, no credit card, and no cellphone! What the hell happened?!"

Naiiyak na siya. Paano naman kaya siya makakaalis sa lugar na iyon kung wala siyang kaide-ideya kung paano siya nakarating doon?!

Someone must have plotted this bullsh^tness!

It's Yuan!

'That double-crosser! Ba't di na lang niya ako patayin?!'

Another moment, she slumped on the sand. The depression is bearing a heavy weight on her now. Iyon at iyon lang din naman ang dadamay sa kanya eh! Any form of fighting spirit surely doesn't stand a chance!

This place is irony! Kung walang nangyaring hindi maganda, baka mag-enjoy siya habang nandito.

Bukod sa tahimik at walang tao, malinis dito at sobrang linaw ng dagat. Idagdag pa ang walang katulad na sandbars at iba pang rock formations dito.

Tumayo uli siya at sumigaw as if she reached the highest peak of PMS. Depress, Angry, Depress, Angry. "NASAAN NA NGA BA TALAGA AKO?! PILIPINAS PA BA TO?!"

--beep!

--Yan kasi! Next time C, be careful in wishing to be in a place that is 'OFF THE GRID'! Haha!

"How many hours would it take to reach that Onuk island you say?"

"Boss, ilang oras daw ba bago makarating dun?" nangamot ng ulo ang bodyguard ni Yuan habang nagtatanong sa mga bangkero. Marunong namang magtagalog ang amo niya pero heto't ginagawa siyang instant interpreter.

"Depende ho! Mga limang oras."

"SHIT!"

Lahat sila ay napatingin kay Yuan.

"Make it 3hrs, I'll triple the payment!"

"Boss titriplehin po ng amo ko yung bayad kung kaya niyo ng tatlong oras--"

Nagkatinginan ang mga bangkero. Twentyfive thousand ang talagang renta patungong isla ng Onuk. Kadalasan pa nga ay binabarat pa sila.

"Pasensya na po talaga.. Malakas po ang alon kaya talagang matagal." iling-iling ang pinakamatanda sa mga manlalayag.

Sumandal si Yuan sa isang poste at nag-isip. Limang oras.. Palubog na ang araw at marami ang pwedeng mangyari while consuming that time on sailing. He faced his bodyguard slash butler slash interpreter.

"Can't we really use Johann?!" he was pertaining to their only family pilot. Loyal lang ito sa kanyang ama kaya't di ito pumayag when he said he'll use the helicopter.

Pag-uwi niya ng Maynila, he swear he would fire him!

"Sir, kesa mag-idle po tayo dito, bakit hindi na lang po natin simulan ang paglalayag?" anang bodyguard niya.

Nga naman.

"Right, let's go!" nagpatiuna pa siya pagsakay ng yate.

Mabuti na lang at madaya siya. Kung hindi ay baka kung saan na pupulutin ang kanyang asawa.

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon