Season 2 Chapter 30-- Season Ender

4.1K 72 4
                                    

Chapter 30

--Gossip Girl here, nagbabalik for our last tsismis spree before our calendars hit June.

Now let's answer all your last remaining questions.

Number 1. Nasaan ang sensational singer na si Lucky?

Nagpang-abot sa isang kilalang Columbarium nang hapong iyon sina Ayen at Yuan. They stared at each other pero unang nagbawi ng paningin ang binata.

"Condolence." aniya sabay talikod.

"Aalis ka na kaagad?" tanong ni Ayen.

Natigilan si Yuan. "Hectic sched. I just dropped by."

Lumapit sa kanya si Ayen. "--Nagiguilty ka ba or something?"

"I'm a hypocrite if I say I'm not." he said nonchalantly.

She smiled. "Don't be. We all know na darating din siya sa puntong yun sooner or later. Nagkataon nga lang na dun pa sa moment na masaya ang lahat. But at least, masaya siya sa huling sandali."

Yuan smiled. "--Pero tayo, nilaglag niya without any warning. I will not forgive him for spoiling my festival."

Napalo siya ni Ayen sa braso nang de oras. "Sira!"

Silence. Biglang wala na silang mapag-usapan.

"--Hindi ka na yata nagsusungit ngayon." pasimula ni Yuan.

She blushed all of a sudden. "Ah? Hindi naman ako masungit ano. Siguro nadala lang tayo ng show business kung saan madalas nagbabanggaan ang artists at media."

Inilahad ni Yuan ang kanyang kamay. "So pwede na ba tayong magkaroon ng proper introduction ngayon? My name is Yuan Sy or Sy Yun Nai in Chinese. Pleased to meet you.."

Nakipaghandshake si Ayen. "Karen Cuesta. But I prefer 'Ayen'."

"I hope we could be good friends."

Good friends. Yun lang ang laman ng isip ni Ayen hanggang sa makaalis na si Yuan.

Si Yuan Sy nga talaga si Lucky. Ibig sabihin, suntok sa buwan ang magkagusto sa isang gaya niya.

She finally dropped her thoughts about him. Surely, he is a one in a million.

Pero yung lalaking para talaga sa kanya ay one in a six billion.

--beep!

--Number 2. Nasaan ang poging nemesis niya?

"--Ano nga ulit yung tanong mo?" Alvis asked absent-mindedly.

Sinipot niya ang kanyang ka-lunch date kahit kakabalik lang niya ng Manila from his one week vacation at his father's house in their province.

"Ang sabi ko, bakit kanina ka pa nakatitig sakin? May dumi ba ako sa mukha?" pacute pa na sabi ng kadate niya.

Ang totoo, hindi naman niya ito tinititigan. Nakatanga lang talaga siya dahil wala siyang gana makipagharap sa taong ngayon pa lang niya nakilala. Ayaw lang niya sigurong maging bastos or indianin ang inireto sa kanya ni Adrianna.

"--No.. Wala kang dumi sa mukha. It's just that, nagagandahan ako sa mukha mo. I'm sure maganda ang register ng smiling face mo sa camera." he explained, halfly meant.

Para namang kinilig yung girl. "Really? So gusto mo akong kunan ng picture ngayon?"

"Ah.." He grabbed his camera, feigning some sort of interest. "Can you pose for me then?"

Gossip Girl PinoyWhere stories live. Discover now