Chapter 20

5.3K 90 11
                                    

Chapter 20

Gossip Girl here. :D I have no particular gossip in mind right now, but I guess you could consume on this one. Let us entitle this segment as 'someone is desperate over someone'..

"So Al, yun lang ba ang gusto mo for the event?"

Tumango si Alvis sa ka-meet niyang events organizer na si Adrianna Luchski. Nakaupo sila sa recieving room facing each other.

Adrianna typed something on her laptop propped open on the coffee table in front of her. Close friend siya ni Alvis bagamat mas matanda siya ng two years dito.

"You know I should make a move. And this event is important. Matagal na akong hanggang tingin lang eh."

"Torpe much? So not like you Al. Pero what if she turned down the invitation? Everything will be pointless."

"Nah, girls love parties and unusual events." kontra ni Alvis.

Adrianna sighed. "Wala ka man lang back-up plan? Yun ang pinipin-point ko Al my dear."

"There's Gossip Girl. She's very influential nowadays."

Itinaas na lang ni Adrianna ang dalawang kamay na parang suko na lang. "Yeah right, let's do this.."

--beep beep

--Gossip Girl here, and guess what? I'm smiling from ear to ear. After quite some time, my party alert pinged for the hotest event to hit our cold January. I just recieved an invitation to 'Romeo and Cinderella' party. Wow bago yun ah? Those who will attend daw ay recquired to TAKE OFF their shoes, slippers, or any footwear in the party premise. Don't you worry, they covered the floor with lambskin carpet. Magkakaalaman na kung sino ang may tinatago behind that expensive designer shoes and stilettos! Haha! Tututukan ko yan :)


~Violin music playing~ Gavotte D Major J.S. Bach Suzuki Method~

"You will not attend that stupid event." pinangunahan na ni Yuan ang asawa after mabasa ang invitation na dumating nang araw na iyon.

"And why not?"

"Because.. That is Saturday. Hindi kita masasamahan."

Charm pouted. "Si Xian! Sasamahan niya ako!"

Napahinto si Xian sa pagfiddle niya sa biyolin. Nagtama ang paningin nila ng kakambal.

"Ah, Charm, I can't" aniya.

Disappointed na lumingon si Charm sa bayaw. "Bakeeet?"

"May.." once more, helpless na tumingin si Xian kay Yuan.

"--May Athlete's foot si Xian!" kaagad na sagot ni Yuan.

"WEH?? Pag-untogin ko kaya kayo? Di uubra sakin yang mind talks ninyong dalawa nuh!" she wanted to attend the event so bad. That's a chance para mairampa niya ang little butterflies na nakatattoo sa ibaba ng kanyang right big toe!

She faced her husband sternly. "I'll go with or without you, and that's final."

"Xiao halika nga dito." tawag ni Yuan sa kakambal. Tinapik tapik pa niya ang empty space ng couch. Tumalima naman si Xian at naupo sa tabi niya.

"Ma, magkamukha ba kami ni Xian?"

"Oo?"

"Identically?"

"Almost.."

"Almost?"

"Ah.. Magkaiba ang kulay ng buhok ninyo, magkaiba din ang hairstyle. Yun lang naman siguro. Akala ko ba fraternal twins lang kayo? Bat ganun?"

"We're really identical." sabat ni Xian.

"Oo." segunda naman ni Yuan. "Kaso lumayo ang hitsura niya sakin nung tumaba siya. And people are saying we're fraternal. Hanggang nasanay na."

Eh simula nang maging kaibigan niya ang mga ito, mataba na talaga si Xian. Sino nga ba dati ang makakapagsabing identical sila.

"So ano'ng plano?"

"You'll play at the casino."

"No way!" protesta kaagad ni Xian.

Tumayo si Yuan at hinatak ang kakambal palabas ng unit. Pagkasara ng pinto ay saka nagsalita. In French.

"Je voudrais changer mon personnel de sécurité. Donc, je suis à cent pour cent sûr que nous allons vous laissez pas prendre. Attendez, ne vous savent encore parler le Mandarin? (Magpapalit ako ng security men. Kaya one hundred percent na hindi nila tayo mabubuko. Wait, marunong ka pa ba mag-Mandarin?)"

"Bien sûr, je sais comment parler le Mandarin! (Marunong akong mag-Mandarin!)" proud na sabi ni Xian. Kahit wala siyang photographic memory, hindi siya pahuhuli sa kakambal. He even knew German and Latin.

"Oh ano? Game?"

Delikado ang ipinapagawa ni Yuan. Pero sige. Hindi naman siya haharap mismo sa ama nila eh.

"Game."

Magkaakbay silang pumasok pabalik sa unit at sinabi kay Charm ang good news.

--Beep beep!

--It's Gossip Girl @ Romeo and Cinderella party! See you at the event guys! Woohoo! The lambskin feels good, they'll tickle your toes.. But I do already spotted some of the celebrities having BIG FEET ISSUES! That's so iwww!

Sinundo ni Yuan ang asawa sa stylist nito pagkatapos niyang bigyan ng final pointers si Xian. Successful ang makeover nito dahil halos wala na silang physical difference ngayon.

Pagbaba ni Charm mula sa second floor, he swore he saw the most beautiful fairy that ever existed.

She was wearing a white Marchesa mini gown na above the knee ang frilly skirt. Her hair was curled on one side adorned with small white butterflies. Her makeup was simple, almost natural to her smooth face. May mga small Swarovski stones arranged artisticly under her tantalizing eyes. The only jewelry she wore was a white gold charm anklet.

"Hi Tinkerbell." ani Yuan at inilahad ang kanyang kamay.

"Tse!" sagot ni Charm pero inabot naman ang kamay ng asawa.

"Pa, ako na ang magdadrive?" offer niya nang malapit na sila sa sasakyan.

"Oh sige."

Pinagbuksan muna siya ng asawa ng pinto. Nang makasakay na si Yuan, she started the engine right away and drive off.

----

"Sir and Ma'am please take off your footwear.." anang receptionist pagkatapos i-cross out ang names nila sa guest list. They did so. Inilagay nila ang mga footwear sa tray na hawak ng isang maid na idineposito naman nito sa hilera ng mga shoe lockers sa may bandang gilid ng events hall. Iniabot ng maid kay Yuan ang isang number tag pagkatapos.

Nakasimangot siya habang tinititigan ang tattoo sa paa ng asawa. "Bakit ka may ganyan Tinkerbell?" itinuro pa niya ito.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Charm. "Cute di ba?"

"Lolo mo cute. Di bagay."

Sumimangot na rin si Charm. "Ikaw din naman may tattoo ah?"

Napalitan ng gulat ang simangot ni Yuan. "Nakita mo?"

"Oo naman! Nasa gilid ng kaliwang torso mo--Chinese cha--"

"Shhh! Wag ka ngang maingay?" pano napansin iyon ni Charm? Sobrang miniscule ng tattoo na iyon ah? Yun bang tipong mukhang dalawang tuldok lang! Anyway, wala namang hidden inscription na nandoon. Sa katunayan, Chinese name lang niya iyon; Yun Nai.

"Okay wag daw maingay. Let's just don't nag each other about tattooes."

Hindi sumagot si Yuan.

Binagtas nila ang corridor patungong events pavillion ng hotel na iyon. Tama nga si Gossip Girl, the lambskin carpet feels so refreshing sa paa. Pero sa sobrang laki ng carpet na ginamit sa party, ilan naman kayang tupa ang nagsakripisyo para magawa iyon?

Marami-rami na ding tao sa loob (puro mga youngsters at walang present na mga oldies) ng grand pavillion depicting a fairytale scene from Cinderella's-- the prince' s grand ball. May orchestra sa far-end corner na tumutugtog ng lovely fairytale classics, maraming iba't-ibang klase ng bulaklak sa paligid, may elegant chandeliers, at ang highlight ng lugar bukod sa carpet ay ang grand staircase sa gitna.

Nilapitan si Yuan ng ilan sa kanyang mga ka-Dota kaya't nag-paalam si Charm dito. Pihado niyang mahaba habang bragging session na naman iyon ng asawa at hindi din naman siya makakarelate.

"Charm!" may tumawag sa kanya. Si Daniela iyon nang kanyang lingunin. Kasama nito si Andrei.

"Oh Danie, you look great.,is that-- Alexander McQueen?" ani Charm na tinutukoy ang ball gown na suot ng kaibigan.

Tumango si Daniela. "And that's Marchesa I suppose?" alam nila ang taste ng isa't-isa, and they both love Holliwood designers.

"Excuse me ladies, Imma check out my pals. Mukhang di ako makakarelate diyan--" singit sa kanila ni Andrei.

"Go ahead mhine!" ani Daniela.

Nang mapag-isa sila, kaagad siyang tinanong ni Daniela. "Do you know who had this party?"

"Alvis Salcedo? From Adamson. That's all I know."

"Maniwala? Kapitbahay ninyo siya sa Taguig di'ba?"

"Oo. At kelan ko lang din nalaman." she didn't know kung dapat pa niyang ielaborate ang tungkol sa pangungulit ni Alvis sa kanya. Who knows kung totoong friends na nga talaga sila ni Daniela?

"Balita ko he was doing it for a girl! Isn't that sweet?"

Oo na lang. Lahat naman yata ng kakilala nilang guy ay sweet. Saka lang lumalabas ang tunay na kulay kapag matagal mo nang kakilala. Isa na sa paragon of that category ay ang asawa niya.

"Cool naman ng tattoo mo. Henna?" komento ni Daniela kapagdaka.

"Permanent." aniya.

Creative ang mga taong umattend sa ball. May mga nakabody paint ang paa, may mga wagas ang nail-art kagaya ni Daniela, mayroon ding kagaya niya na may anklet; ang mga gothic naman ay binalot sa lace ang mga paa at binti, at ang mga otaku ay namaximize ang paggamit ng bandage; Naruto-inspired.

Ilang saglit lang ay bumaba mula sa grand stairwell ang party hosts na sina Alvis at Adrianna. Huminto ang orchestra sa pagtugtog.

"Good evening ladies and gents--" nagsalita si Alvis gamit ang lapel na nakasukbit sa suit niya. "Nagsisimula pa lang ang kasiyahan, and I have a game to propose to you all."

Nagbulungan ang mga bisita.

"Sa buong pavillion ay may itinago kaming nag-iisang glass shoe. The boy who successfully finds it can wear it on any girl here at the ball-- THE CATCH IS, hanggang 12 Midnight lang ang search. Kapag walang nakahanap, I'm the one who'll get it and give it to the special girl I really like."

Umulan ng 'Awww' sa hall. Marami ang obyus na kinilig.

"So guys, let the search begin!"

-Gossip Girl here! Make sure na kasya sakin ang glass shoes na iyan ha? Nakakasiguro naman kasi akong I'm the most special girl that ever existed! Charot.. Stay posted for my next update! You don't wanna miss a Cinderella's story with a twist!

You know you love me. XOXO Gossip Girl.

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon