Season 2 Chapter 14

4.3K 59 4
                                    

A/N: RandiMealer's Mean Girls is out.. check it out! ^_^ also When Miss Cuss Meets Mr. Too Good by Mahyen27... and How to Melt his Metal Heart by Beautifulinblue 

Not so good chapter for me but please do read, it's a prep story dahil magpapasok na naman ako ng new cameo char ^_^

au revoir!

----

Chapter 14

--Gossip Girl here, your one and only source into the scandalous lives of Pinoy elites.

Seriously Pinoys, would you still listen to the news kung nandito naman ako? :D

"--tatlo ang naulat na namatay sa nangyaring shoot-out kahapon sa ginawang raid ng mga pulis sa hinihinalang shabu lab sa isang lumang bodega sa Bulacan. Bulto-bulto ang nasabat na---"

Tiit..

Pinatay ni Ayen ang LED tv ng private ward kung saan siya pansamantalang nai-confine.

Hindi siya makapaniwalang basta na lamang natakpan nang ganun ganon lang ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng tatlong suspect.

Hindi rin lumutang ang pangalan ni Yuan Sy o kahit na sino pang Sy sa istorya.

Ganun ba talaga kaimpluwensyal sa lipunan ang pamilya ni Lucky? Kaya nilang makontrol kung ano ang ilalabas sa media.

Iyon ba ang kapangyarihan ng mga mogul?

Bumukas ang pinto. Laking gulat niya kung sino ang pumasok.

"LUCKY?!" ang alam niya ay nasa operating room pa ito.

Umiling ang binatang pumasok at naupo sa isang couch.

"Ako si Xian Sy, kakambal ako ni Yuan Sy or Lucky. Ang balita ko ay isa ka palang reporter ng isang station.."

Marahan siyang tumango. Mukhang badboy ang kausap niya subalit malamyos ang tinig nito. Boses mabait. Hindi kagaya ni Lucky, boses mayabang.

"--And I think you're quite aware na hawak namin ang station na iyon."

"--Sa madaling salita?" she wants to get it straight to the point.

"--Sa madaling salita, ang lahat ng nakita, narinig at nalaman mo ay sarilinin mo na lang--" naglabas si Xian Sy ng isang blank check na pirmado. "Isulat mo kung magkano ang kailangan mo--"

'Ha! May pagkaarogante din pala ang lalaking ito!' saisip isip niya. Money can't buy truth. That's her sworn principle.

On the other hand, self-defence nga lang talaga ang ginawa ng bodyguard at nagpapasalamat siya dahil nailigtas sila.

Ang hindi lang niya ma-gets ay kung bakit ayaw nila humarap sa media o sa taumbayan para iexplain kung ano ang naganap.

Kinuha niya ang blank check at pinunit. Ni hindi man lang nagulat si Xian Sy.

"--Hindi ko maintindihan kung bakit kayo nagtatago eh wala namang nangyaring foulplay?"

Ngumiti si Xian. "Miss, alam mo kasi, maselan ang position namin sa society. Hangga't maaari ay ayaw naming pinagpipyestahan kami ng masa."

"Oh really? Then why is it na celebrity kayo kung ituring sa Gossip Girl?"

"Miss, sinu-sino rin ba ang mga subscriber ng Gossip Girl? Ang mga walang makain? Hindi ba ang mga upperclass na may crab mentality?"

Tama si Xian Sy. Nagbaba siya ng paningin. Kung si Chief Justice Corona nga na pinag-uusapan ang mga property at milyones sa senado ay kabi-kabila ang inaaning pang-uuyam mula sa mahihirap na tao, paano pa kaya ang mga miyembro ng circle of elites dito sa Pinas?

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon