Season 2 Chapter 10

4.5K 65 3
                                    

A/N; Check out HappyTree's work....True God!!!!!

----

Chapter 10

--Gossip Girl is my name and tsismis is my game.. I spread the words of love; but I love to deliver some bad news!

Nagising si Charm as if panaginip lang ang lahat ng nangyari for the past couple of days.

Mag-isa na lang siya sa kwarto. Wala na ang posas. Wala na si Yuan.

'Where did he go?' she sat on the bed thinking. Better look around.

May kumatok sa pinto.

Napaisip siya. Why would Yuan knock at the door of his own room inside his own cottage?!

"CHARM?! Are you there?!" iba ang timbre ng boses ng nagsalita.

Something bumped in her heart. Lalo na ng napihit pabukas ang seradura.

"A-Alvis?!"

Lumapit sa kanya ang binata. Halatang kulang ito sa sustansya at kulang sa tulog. Gusto yata niyang makunsensya dahil baka hindi na ito nakakakain at nakakatulog simula ng mawala siya.

"God! What happened to you?! Hinarass ka ba NIYA?!" mas nauna pa siyang alalahanin nito kesa sa sarili.

Saka lang niya narealize na napakaawkward ng tanawing naabutan ni Alvis.

Her clothes are on the floor. The only decent thing that's covering her nakedness is the comforter.

Nakaramdam siya ng matinding pagkapahiya. She tightly clutched the comforter, pulled it more hanggang matakpan pati leeg niya.

Napasiksik siya ng headboard nang umupo si Alvis s gilid ng kama.

"D-don't come near me.. please--"

"Did he forced you?" he tried to reach for her.

Ayaw niyang sagutin. As in ayaw niyang pag-usapan. Pinilit na lang niyang umiyak para tantanan siya ng tanong ng binata.

Alvis embraced her like a frail creature who had just been ruined.

"That bastard called me up.. He told me you're here--"

May nakapa ang kamay ni Charm na isang maliit na note sa kanyang tabi.

Nilakasan pa niya ang kunwaring iyak so Alvis won't let go sooner. Pasimple niyang tiningnan ang note.

'Change rules mon amour.. Ikaw naman ang taya! Come and get me.. :p'

Yuan is playing another game. Ano pa nga ba ang magagawa niya? After last night, he made her want him so bad.

All over again..

--beeep!

--I'm warning you bitch, playboys don't happen.. They're made to to make you cry!

"Coffee sir?"

He glanced at the stewardess on the aisle beside him.

"No thank you." sagot niya bago muling itinuon ang mga mata sa laptop. Bukod sa singing career, lovelife, perwisyong kakambal, napakakulit na nanay, agaw-buhay na tatay, at mga pasaway na tauhan, kailangan din niyang ishoulder ang malaking porsiyento ng pagpapatakbo sa mga kumpanya ng kanilang pamilya.

"Ako girl, gusto ko! Yung black!" narinig niyang demand ni Bernardo na nakaupo sa likod niya.

Istorbo..

Panahon na siguro para paghatian nila ni Xian ang responsibilities. Si Xian naman ang tagapagmana at hindi siya. Ang kaso mo niyan, wala yatang balak pumasok sa business world ang loko.

Kina-career na ng business manager ni Xian ang Sy Int. Ltd. simula nang makabuo sila ng 49% shares.

"Laurence, come here." utos niya sa kanyang bodyguard.

Tumayo ito sa kinauupuan at lumipat sa kanyang tabi.

"Sir?"

"May gusto ako'ng tanggaling tauhan. But he worked under Xian. Do I have any authority to do that?"

"Wala po sir. Ang mas maganda po niyan ay kausapin ninyo si sir Xian."

Napaisip siya. Ano ba ang status nila ni Xian? Inaway-away pa naman niya ito. Pero siguro kaya siya nitong pagbigyan.

"Standby ka lang paglapag natin ng Manila. Keep a close watch sa manager ni Xian."

Tumango ang kanyang all-around bodyguard.

Kung mahina lang ang utak niya at kung mahina din ang loob niya malamang na nangawawa siya sa loob ng Sy clan. Kumbaga sa sinaunang panahon, may mahal na hari at may prinsipeng tagapagmana.

Ang mahal na hari ay may konseho at may hukbo. Ang prinsipe ay may tagapagsanay at may hukbo din.

Siya? Wala.

Hindi siya sinusunod ng kahit na sinong tauhan o empleyado ng ama. Pero hindi nila alam na halos siya na ang nagpapatakbo ng lahat ng kumpanya nito.

Kung hindi siya pwedeng maging prinsipe ng kanyang sariling angkan, aba! Eh di gumawa ng sariling kaharian!

Parang Jumong lang.

Nakakahiya siguro pag may nakaalam na ganito siya mag-isip. But he finds relief from everyday pressure kapag ginagawa niyang comical ang reasoning ng isang problema.

Sinundo siya ng mommy niya paglapag ng eroplano nila sa terminal 3. Basang-basa niya sa mukha nito na may balak itong kulitin siya.

"Nak! Kamusta na ang bakasyon?! Nakuuuu tumangkad ka lalo---"

Ngumiti lang siya. He didn't talk that much. Not until they were settled at the backseat of Karine's car. Ipinagmaneho sila ng driver nito na si mang Kanor. Nakabuntot sa likod nila ang isa pang kotse na sakay naman sila Bernie.

"--Kamusta na si fu qin?"

"Tulog pa rin.. Hay anak, dumalaw ka uli sa Daddy mo ha?"

He nodded. "Ikaw? You don't look busy--"

Biglang may naalala si Karine. "Aaay anak.. Alam mo bang may problema ako?! Mabuti na lang sinabi mo'ng babalik ka na- kasi nasira na naman yung main server ng inventory ko--"

Alam na niya kung ano ang ipapagawa sa kanya ng ina. Napakamot siya sa ulo.

"--Mommy hindi mo ako external drive okay? How many times do I have to tell you na gumawa ka ng back up files mo and store them somewhere else--"

Lumungkot si Karine. "--Anak naman, di mo ba love ang mommy?" paawa effect pa ito.

"--Okay! Okay! I'll type everything that I could remember from your database. Pero last na to ah?!"

"Thank you anak!" his Mom exclaimed. Kumapit pa ito sa kanyang braso. "--Kamusta na nga pala kayo ni Charm? Kelan n'yo ba ako bibigyan ng apo?"

Naubo siya sa sinabi ng ina.

"Oh bakit?! Wala na akong nakikitang baby sa pamilya. Malaki na kaya kayo ni Xian."

"--I'm just nineteen. Too young to be a father." katwiran niya.

"Eh di batang ama!"

Nasapo na lang niya ang noo.

Her mother nudged him. "Ito naman! Parang ang hirap ng pinapagawa ko-- hindi naman di'ba?"

"Si Xian din hingian mo ng apo para fair."

Karine's eyes twinkled "Bakit, bakit? Me girlfriend na siyaaa??! OH MY GOD! Ikakasal na din ang panganay koo!"

"There you go again, always jumping into conclusions.." pabulong niyang sabi.

Mahirap talaga sa isang ina na magpalaki ng anak na lalake, lalo na't times two. Doble ang stress, doble ang sakit ng ulo. Kaya ngayon sigurong malaki na sila, it's her payback time.

--beeep!

--Ikaw na Karine! Mothers really know the best way to exasperate their strapping sons! Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat.. Next to Gossip Girl :D

"Ang cute cute cute naman ng doggie ninyo!" Mahren keep on stroking the back of a little maltese na nasa kanyang kandungan.

"That's not mine. Kay mommy lang yang si Chichi."

"Hmm.. Bakit? Ang pag-aari ng Mommy mo ay pag-aari mo din hindi ba?" inilapag ni Mharen ang maltese.

Nagtatakbo ang aso sa lawn.

"Nope.. Sa pamilya namin, kanya-kanya kami. Like this house. This was my Mom's. May sariling bahay din si Daddy. Kami naman ni Yuan, we live on our condo unit."

"Wee independent!"

Humahangos na lumapit sa kanila ang kasambahay ng ina.

"Sir, dumating na po ang Mami ninyo.."

"Ah sige." Xian stood up. "Let's go, Mahren."

Nilisan nila ang garden at dumiretso sa main entrance ng bahay. Naabutan nila sina Karine at Yuan kasama ang iba pang mga tauhan.

Himalang behave mode si Bernie the dinosaur na nakasunod lang sa likod ng alagang talent.

"Hi Yun!" masayang bati ni Xian sa kakambal. Expected niya na maiinis na naman ito dahil nagkita na naman sila.

Pero ngumiti ito. Taliwas sa kanyang inaasahan.

Oo nga pala, kaharap nila ang Mommy nila kaya malamang na nagbabait-baitan ang loko.

"Who's that pretty little girl?" tanong ni Karine while smiling.

"Ah, Mommy.. Girlfriend ko po-- she's Mahren." pag-iintroduce ni Xian.

"Good afternoon tita--"
To Mahren's surprise, ginagap ni Karine ang dalawa niyang kamay. "You can call me Mommy!"

She flustered. "Ah, eh pero--"

Lumapit kay Mahren si Yuan at saka pangiting bumulong. "Pumayag ka na-- kundi hihingian ka niyan ng apo!"

"WHAT?!" lalo siyang namula.

"Ano na naman yan Yuu?" paninita ni Karine.

Painosente siyang ngumiti sa ina bago lumakad palayo. Pero tinawag muna niya ang kanyang talent manager at bodyguard.

"Bernardo, Ed, follow me--"

"What's he doing here?" Xian asked his mother.

"Ah, yung mga nawalang lists ko sa computer--" natigilan si Karine nang makaramdam ng kiliti sa kanyang paa. Hindi niya napansing nakalapit na pala ang alaga niyang maltese. She picked up the cute dog.

"--Oh Chichi baby! Did you miss Mommy? What? Nagugutom ka ba? Or you want to play?" wala na. Nasa ibang mundo na si Karine basta makita si Chichi.

"--Xi, ikaw na ang bahalang mag-entertain diyan kay Marie okay? Dun lang kami ni Chichi sa garden."

"Marie?!" ani Mahren pagkaalis ni Karine.

"Tara na.."

"Tara?"

"Batanggas. Saan pa?"

Her eyes widened. "Ngayon na? As in?!"

Xian went behind her at ipinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat niya. He then motioned her out of the main door. "Oo, ngayon na! I'm telling you. It's not wise to spend the day here lalo na at nandito si Yuan. Walang matinong kausap sa bahay na to. Baka nga mahawa ka pa eh."

--How could you talk na para bang ikaw ay matinong kausap when you just thought Simsimi some of your dimwittedness? Aminin!

The gods must be crazy today X. Try again next time. :D

You know you love me.. XOXO Gossip Girl.

 

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon