Chapter 12

5.9K 111 2
                                    

Chapter 12

Gossip Girl here. Your ultimate source inside the most expensive private school in the country. And who says kapag expensive ay mga classy people na ang nag-aaral? Wrong. This is a brat-infested area.

Komportableng nakaupo si Charm sa isang couch sa lobby ng Admin building habang nakatungo sa iPad. Sa wakas ay nadelete na niya ang tinatagong footage.

Kahit hindi nasunod ang plano niya ay same naman ang naging outcome. It's gonna be Daniela vs. Athena.

Tinype niya ang website ng Gossip Girl at nagbrowse tungkol sa walang puknat na awayan ng Admin students at Music students. Pati na ang ibang colleges sa university ay nakisawsaw na. Araw-araw ding may nagwewelga sa harap ng SSC office. Masyado daw iniipit ang karapatang pantao ng mga taga Conservatory of Music. Pero dahil maaarte ang mga ito at ayaw mangitim sa araw, ten minutes lang ata sila nagtatatalak at saka magdidisperse din ng kusa.

EEEEEEENGG!

Dinig sa buong campus ang feedback ng sound system. Nang maayos na ito, may nagsalita.

"Good afternoon ladies and gentlemen-- this is your Supreme Student Council President Mr. Yuan Sy. Kung napapansin ninyo ang obvious, may civil war dito sa ating University at involved po ang college ko. But, as a neutral officer, wala akong kinakampihan at wala akong naaalalang nagbigay ako ng license para mambully ang mga Admin students. So please cooperate with me para matigil na ito-- sa mga talagang pasaway-- you have three counts-- or else PASENSYAHAN NA LANG TAYO. Good day--

Marami na ang natakot pagkatapos magbigay ng babala ng SSC President. Sa ibang paraan kasi ito nagdidisiplina ng estudyante. Siya ang ultimate bully ng university. Malas na nga lang talaga ang babangga sa kanya.

Last year ay nagkaroon ng mass drop-out dahil may naganap ding gulo.

Isa-isang nagsipag honorable dismissal ang mga sangkot na estudyante at pagkatapos ay nagsilipatan ng ibang school. Hindi sila makapagbigay ng malinaw na statement kung bakit.




"Talagang you deserved to be the SSC President. Parang naengkanto ang mga estudyante at mga nagsipagtahimik--" magkasama ngayon sina Charm at Yuan sa condo ng binata.

Nakadapa siya sa kama in her undies at nagbabasa ng updates sa kanyang iPad habang si Yuan naman, na walang suot kundi boxer shorts, ay tutok na tutok sa monitor ng desktop at busy sa pagdo-DOTA.

"--kuh sakit lang ng ulo ang maging SSCP! Pasan ko ang daigdig! Mabuti pa kung Mr. St. Francis na lang ako, pangiti-ngiti lang."

"Asa! You're too skinny para magqualify sa search anu."

"FYI, marami kayang babae ang nagpapatayan sa ka-macho-han ko!" pagyayabang ni Yuan.

"Mapera ka lang. Tingnan mo pag poor ka walang didikit sayo."

Tumayo si Yuan sa swivel chair at humarap sa kanya "Talaga Charm?"

Natatawang sumiksik si Charm sa headboard ng kama at niyakap ang isang unan. "Wag ka lalapit--"
Too late. Nahila siya ni Yuan atsaka binuhat. Tili siya ng tili pero hindi siya binababa nito.

Maya-maya ay inihagis siya ni Yuan sa kama at kiniliti sa tagiliran.

"Ayoko na po!" sigaw ni Charm, halos hindi na makahinga sa kakabungisngis.

"Ikaw ang lakas lakas mo mang-asar weak ka naman!" nang tinigilan na ni Yuan ang bff, nagtama ang kanilang paningin. "Game?" pilyong tanong niya.

"Pano yung DOTA mo?" ngingiti-ngiti si Charm.

"Boring-- tanga kalaban-- tanga kakampi."

Charm flung her arms around him and they started a game of fire.

Madalas na sila magsama ngayon dahil wala nang girlfriend si Yuan. But far from all the speculations, nananatiling isang malaking question mark kung nasa next level na nga ba ang relasyon nila. And to everybody's surprise, ayaw magcomment ni Gossip Girl tungkol doon. Pasuspense effect pa kuno.

"Malapit na pala birthday mo ano?" they lay together side by side after a wonderful climax.

"Oh yeah." sagot ni Yuan. "I was wondering kung lilipat na ako sa bahay ko or dito na lang muna ako." tinutukoy niya ang nabili niyang mansion sa Forbes. Regalo niya iyon para sa sarili.

"Aalog ka lang doon." biro ni Charm.

"Sabagay. Isa pa mas maganda ang condo life."

"Any plans for Christmas?"

"Gusto mo mag-out of the country?

Umiling si Charm. "We better stay grounded. This year is different. Matatapos na ang taon pero ngayon pa lang dumarating ang mga pangyayaring worse."

Humugot ng malalim na hininga si Yuan "You better act quickly. Ikaw din, mauunahan na naman kita. Hindi ako considerate na tao Charm."

"Do whatever you want. Hindi na ako interesado sa mana ko or sa business namin. I'm going to create my own."

Yuan looked rather delighted "Oh? Very wise decision honey. So ibebenta mo sa akin ang shares mo?" Dahil anak si Charm, malaki ang shares nito sa Ashford Group.

"Hmm.. Sure. Pero gusto ko shares din ang ibabayad mo."

Kumunot ang noo ng binata. "Wow. Mautak ka na rin ah?"

"You're a double crosser Yuu. Kapag binigay ko sayo ang gusto mo nang ganun ganun lang, pwede mo na akong idispatsa anytime."

"I see." saglit siyang nag-isip. "27% ang share mo sa Ashford Group. I will trade my 2% share sa Sy International Ltd."

Nagulat si Charm sa narinig. Alam niya kung gaano kahalaga para kay Yuan ang kada porsyiento ng shares nito sa kumpanya ng ama.

Ang 2% na iyon ang tanging ibinigay ni Lauro Sy sa anak bilang capital. Mula doon ay nagbigay ito ng hamon; na kapag namatay siya at hindi nakuha ni Yuan ang ownership, wala itong mamanahin.

Wala namang galit si Lauro Sy sa bunsong anak. If fact, tuwang tuwa nga siya sa talent ni Yuan kaya mas lalo niya itong pinapahirapan.

"Sure ka? Expected ko 0.5% lang ang equivalent noon sa 27% ko."

"It doesn't matter Charm. Baka magulat ka pa kapag sinabi ko sayo kung kailan ko pa naitumba ang challenge ni Daddy."

Genius nga marahil si Yuan. May mga tao talaga na sadyang nabiyayaan na ng talent pero napapasobra pa yata. Bakit hindi na lang even-share Lord?

"It's a deal then." she just said. Maybe Yuan is just being a gentleman; or pwede ring he's trying to buy her trust.

Either way, alam niyang labas doon ang love.

Yuan will try to drain her one day; at alam niya iyon. He wants her to lose everything so she'll become submissive.

What's worse ay hindi niya alam kung hanggang saan ang kanyang resistance.

And she can't believe she wanted to marry this man!

Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone--

--Gossip Girl here again. Nothing is as nostalgic as a childhood photograph. And I just recieved one. Could you guess who is this little ugly duckling who had just become the most dazzling swan in the lake?

Shit! She cussed in front of her phone. Someone just uploaded to Gossip Girl a photograph of herself taken six years ago.

Kita doon ang kanyang mesh wire hair, thick glasses, up and down braces, and a bright acid green jumper.

"WAHAHAHAHAHA!" beside her, O.A. ang pagtatawa ni Yuan sa kanyang publicized childhood photo.

"What a cheap slander! Nararamdaman kong si bruhang Athena ang nagsend nito!" galit na komento ni Charm. Hindi niya ikinakahiya kung ano ang hitsura niya dati, it's just that nababastos ang kanyang very private childhood life.

"Sometimes, hindi ko na alam sa inyong magkapatid kung sino si Cinderella at sino si evil half sister. Pareho kayong nagbabasagan ng trip eh!" pagkasabi nun, he pecked her on the cheek.

"Yuan, you have a great dirty mind and you also have a damn fucking business. So hindi ko na kailangang sabihin sayo na mind your own business, okay?"

"Give me a break Charm. Di ka ba pwedeng maging sweet sa fiancé mo kahit minsan?"

She casted him a scandalized look. "Excuse me? Why are you calling yourself MY FIANCÉ?"

"Wooo pakipot." pahaging ni Yuan.

Bahagya niya itong tinulak. Doon niya muling napansin ang tila ba pahalang na latay sa likod na binti ng binata. Simula nang may mangyari na sa kanila ay palagian na niya iyong nakikita ngunit ngayon lamang niya napag-ukulan ng pansin.

"Yuan ano yang peklat sa likod ng binti mo? Sumali ka ba ng fraternity at nagpahazing ka?" may pag-aalala niyang tanong.

"Why would I join any org kung hindi ako ang leader? Anyway, this mark--" itinuro niya ang mga latay. "--is an old Chinese way ng pagdidisiplina ng anak."

"Papa mo ang may gawa niyan? Malupit naman siya."

"Sa tingin ko naman ay walang mali dun. In fact ganito din ang gagawin ko sa magiging anak ko."

Umarko ang kilay ni Charm. "Over my dead body! Hindi ako papayag na gaganyanin mo ang magiging mga anak nati--" natigilan siya nang mapansing ngingiti ngiti si Yuan. Humawak ito sa kanyang mga braso at inapuhap ang kanyang mga titig.

"Try and say that you love me, kahit isang beses.." anas ng binata.

Sa una ay lumaban ng titigan si Charm. Subalit nagbaba rin ng paningin dahil ramdam niyang nag-iinit ang kanyang mga pisngi. She was terribly blushing!

"--I.. hate you!" aniya. How she hated the fact that Yuan could bring out all her emotions. Pero sa totoo lang ay natatakot siyang makipagcommit dito. Ayaw niyang makasama sa mahabang listahan ng mga babaeng pinaasa nito.

Ngumiti lang si Yuan sa kanya. Makahulugang mga ngiti.

--What a fantastic day isn't it lower-East siders?

Bakit hindi kaya masabi ni C ang magic words.. Is that an act of total surrender between them?

Kung ako sa kanya, wag nang masyadong ma-pride. Y is one of the fat fishes in the sea. Maraming bibingwit dyan.

You know you love me.. XOXO Gossip Girl.

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon