Season 2 Chapter 9

4.5K 72 2
                                    

A/N:Check out Beautifulinblues' Baby, You wouldn't Last a Minute

----

Chapter 9

--Gossip Girl here! Featuring the other side of El Nido-- Lagen resort! And why? Kasi I don't wanna miss an expensive cheese-mis. :D

"Hoy Charm, gising!"

"Ano ba?!"

"Tulog ka ng tulog. Di naman kita pinuyat kagabi--"

Yuan and Charm were partially basking under the sun habang nasa isa sa mga beach cabanas; he was sitting on his beachbed; she was comfortably napping on hers.

Inayos ni Charm ang kanyang sunglasses bago tumagilid ng higa. Dahil stucked pa rin sila because of the handcuffs, nahila niya ang braso ni Yuan.

"You keep your hands off me please? Hindi papantay ang suntan ko kung nakaharang yang braso mo."

Hinila ni Yuan pabalik ang sarili niyang braso kaya napaharap sa kanya ang dalaga.

She just glared at him.

Tumayo si Yuan mula sa kanyang beachbed at umupo sa gilid ni Charm. He leaned over her with both his hands.

"Tayo diyan. Let's play beach volley."

"Tinatamad ako. Let me sleep."

"Ube ice cream."

Biglang napabangon si Charm sa narinig. Dahil nakatunghay sa kanya si Yuan, they almost kissed.

"NASAAN?!"

"Hehe! Mamaya.. Maglaro muna tayo."

Dahil sa mahiwagang 'Ube ice cream' kaya tinungo nila ang area kung saan may nakatirik na volleyball net. Nakasunod sa kanila ang bodyguard ni Yuan. Kasalukuyang may naglalaro sa net ng singles. Isang babae at isang lalake.

"Pwede kaming sumali?" si Charm.

Ngumiti yung lalake. "Sure!" pero kumunot ang noo nito nang makita ang posas nila.

"What's that?" tanong naman ng babae.

"Partida." Pa-cute namang sagot ni Yuan. "Now, let's talk about the rules.. First one to score in 21 sets wins the game."

"Okay." tumango ang dalawa nilang opponent.

"And-- kapag natalo ninyo kami, I will give you fifty thousand pesos as prize. Kapag nanalo kami, lulusot kayo."

Nagkatinginan ang dalawang kalaban dahil pabor sa kanila ang kundisyon ni Yuan.

"--Nababaliw ka na ba Yuan?" si Charm.

Parami yata ng parami ang nagtatanong kung nababaliw na ba siya. Syempre hindi pa naman.

"Honey-- binibigyan lang kita ng driving force para galingan mo sa game.. Kapag natalo tayo, syempre ichacharge ko sayo yung fifty thousand. Kaya automatic na madagdagan ang sentensya mo sa pagkakaposas sa akin."

"Whatever!" she retorted. This is for the ice cream anyway! Hinubad na niya ang suot na sarong and handed it to Yuan's bodyguard.

Ilang summers na silang nagchachampion na dalawa sa mga amateur beach volley competitions kaya tiwala siya sa kanilang skills; pero ibang usapan na ang nakahandcuff na mga kamay.

Nauna siyang mag-serve. Kanan ang ipinanghagis niya ng bola. Mabigat ang service na iyon dahil tangay din niya ang kamay ni Yuan. Nang pinalo na niya ang bola ay hindi pa solid dahil hindi naman siya kaliwete.

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon