Season 2 Chapter 1

5.4K 83 2
                                    

Chapter 1

Good day lower-East. I'm glad I'm still here, coz you're still there.

Summer plus vacation equals fun! So while having fun on your vacation this summer, why not add some good music in your playlist?

What's hot on my list? Ang on the rise na newly launched recording artist slash 'hunk' na si Lucky!

He crossed the stage at umupo siya sa harap ng isang black pianoforte. Kasabay ng kanyang pagtugtog ay kumanta rin siya.

I did my best but I guess my best wasn't good enough..

Coz here we are back where we were before..

Seems nothing ever changes, we're back to being strangers..

Nagpalakpakan ang mga nanonood sa kanya.

Just once.. Can we figure out what we keep doing wrong?

Why the good times never last for long? What are we doing wrong?

Pagkatapos ng number na iyon, naghanda na siya para sa launching conference. Nakatutok sa kanya ang mga lente ng camera at nakaabang na ang mga miyembro ng press.

Question 1.

"Bakit 'Lucky' ang napili mo'ng screen name?"

Ngumiti siya. "Malalaman niyo din po kalaunan kung bakit."

Question 2.

"Ang balita ay galing ka sa de buena familia. So madali lang para sa'yo ang pumasok sa music industry. Ano ang driving force mo?

"Gusto ko lang po talagang kumanta."

Question 3.

"May hitsura ka ah? Papasukin mo din ba ang acting?"

"Wala pa po sa plano ko iyan. But I'm not closing my doors."

Question 4.


Sinapo ni Lucky ang dibdib at para bang nahihirapang huminga. Tumayo ang manager ni Lucky. "Ah excuse me! Maselan po ang kundisyon ng alaga ko at bawal siyang mastress-- ako na lang po ang sasagot ng mga tanong ninyo." sumenyas siya sa P.A. para alalayang lumabas ng conference hall si Lucky.

Sa may dressing room niya hinintay ang kanyang manager.

"Ang galing mo talagang umarte, pasok na pasok kang mag-artista!" iyon agad ang komento ng manager niyang bading pagpasok na pagpasok nito ng kwarto.

"Shut up and just do your job!" saway niya dito. "So tapos na ang launching. Hindi ba ang next ay ang album promotion? I-book mo na ang mga malls sa iba't-ibang sulok ng Pinas para makapag mall show na tayo."

Namaywang si manager. Kakareach lang niya ng age 28 last month pero nang makatrabaho niya ang boylet na si Lucky, feeling niya ay nadoble ang kanyang edad. "Kalerki ka sa pagkademanding! Sino ba ang manager sating dalawa? Ikaw ba? Ikaw?"

"Oo ikaw ang manager. Pero ako ang boss mo di ba?" naiiritang isinuot ni Lucky ang headset at nagsoundtrip.

Parang nahimasmasan at naupo sa tabi ni Lucky si manager. Minasahe masahe niya ang braso ng alagang talent. "Papa Yuu di ka naman mabiro!"

Binawi agad ni Lucky ang braso sabay tayo. "Bernardo Dimayuga gawin mo na ang mga inuutos koo!"

"Ay grabe naman tong magalit! Ibuko daw ba ang full name ko? It's Bernie papa Yuu!"

"Halika na, ihatid mo ako pauwi!" pagkatapos ng isang demand ay may nakasunod na kagad na panibagong demand!

Nasa parking lot na sila ng hotel na pinagdausan ng presscon nang may humarang sa kanilang isang reporter at ang cameraman nito.

"Lucky, are you in for an ambush interview?" anang reporter. Maganda ito at maputi. She's in her early twenties, in Lucky's assumption.

Hindi pa man umooo ang binata ay may tanong na ito. "Are you affiliated with the fashion designer Karine Sy and the mogul Lauro Sy?"

Lucky scowled at her. He harshly took out a checkbook from his waistcoat pocket. "Miss reporter, magkano ba ang gusto mo para hindi mo itanong yan sakin?"

"Ha?" sumimangot sa kanya ang dalagang reporter.

Kaagad sumingit sa usapan si Bernie na binawi ang checkbook mula kay Lucky. "Ah eh, nagbibiro lang siya girl! Pasensya na ha? Pagod lang talaga ang alaga ko-- Mauna na kami." pinagtulakan niya papasok ng puting Kia si Lucky.

"Naku ikaw talaga papa Yuu! Public figure ka na.. Dapat humble!"

Hindi siya pinapansin ng alaga dahil full blast ang volume ng headset nito.

"Oh my Lord! Malolosyang ako sa taong ito!" bulalas niya bago binuhay ang makina ng kotse.

--beep!

--He's so Lucky! He's a star.. Sweet and charming-- but soo maldito kapag hindi nakaharap sa camera. Love it!


Muling tumunog ang phone ni Xian just after niya marecieve ang latest update ni Gossip Girl.

This time ay incoming call iyon.

"Hello?-------- Ha? No--that's not me! Haha! May stage fright kaya ako.. I'm on vacation right now. Yuan said lumayo layo daw muna ako sa kanya dahil perwisyo daw ako-- anyway, I missed you. Kapag free ka na from your work, try to visit here okay? Sige-- bye!"

He slid his phone back inside the pocket of his shorts. After the wind blew, inayos niya ang suot na fedora hat.

Si Charm ang tumawag sa kanya, asking kung siya ang talk of the town na singer na si Lucky. Natatawa na lang siya sa bagong katarantaduhan ng kakambal. Kung ano kasi ang trip nitong gawin ay talagang kinakarir nito.

Sinipat niya ang dagat. The best talaga ang alon dito sa Siargao. Nasa catwalk siya at nagkasya ng panonood sa mga surfers na nageexhibition sa malalaking alon na kung tawagin ay cloud nine. Ayon sa CNN, ang Siargao, Gen. Luna ang pangwalong best surfing spot sa buong mundo.

Nag-inat siya. Sana ay pumayag si Charm na bumisita dito. He wanted her to see the beauty he was seeing.

----

Confirmed. Ang budding music artist na nagngangalang 'Lucky' ay walang iba kundi ang walanghiya niyang asawa na nanganganib maging ex-husband niya kapag nanalo siya sa kanilang pustahan.

'Siraulo talaga siya! Mas lalong madaling magtago ngayong sikat siya!'

"Charm? Ready ka na?" si Alvis.

"Ah, oo." hinawi niya ang kamay ng kanyang make-up artist at pagkatapos ay tumayo. She was a goddess in an aztec print two piece bikini. Syempre, hindi biro ang ginagawa niyang diet at workout every summer para ma-achieve niya ang magandang beach body. Sa Puerto Azul ang photoshoot nila. Para iyon sa product na sunblock with SPF ng Mira Cosmetics.

Flash!

Flash!

Mainit ang sikat ng araw pero game na game siya. Alvis is very profesional. Gentleman, at higit sa lahat, hindi bastos kaya't palagay siya dito.

"Try mo mag-smile ng konti." suggestion nito habang bahagyang inaadjust ang magnification ng camera.

Sinunod naman niya ito.

Nang sa tingin ni Alvis ay nacapture na niya ang dapat macapture, sumenyas na ito para sa break.

Kumuha ito ng robe at kaagad na ibinalabal sa kanya.

"Are you free tonight? Can we go out?"

"Yes Mr. Photographer!" natatawang sagot niya. They were always seen together kapag walang shoots kaya marami ang nagtatanong kung ano ang status nila.

They were M.U. alright. Alvis knew of her failed marriage (she told him) and with respect to the law ay hindi pa nila maideclare na 'sila' na nga.

Hindi naman talaga mahirap mahalin ang binata. He was tall, handsome at ubod ng bait. Easy-going at never nakagawa ng kahit anong schemes.

Naramdaman na lang niya ang kamay ni Alvis gently patting her head. "Ang lalim naman niyang iniisip mo."

Umiling siya. "Wala ito. Pagod lang. Maybe I need a vacation."

"Tutal ay last day na ng photoshoot natin, let's go out of town. Where do you want to go?"

"Ahmm.." She tried to think pero walang pumapasok sa isip niya. She have no idea where to go. Dalawang place lang ang naglalaro sa isip niya. Bora at Bagiuo. "Off the grid. May ganun bang lugar dito?"

"--Just tell me that you're going with me."

"I'll go with you.."

--beep!

--Speaking of Bora, we just spotted couples D and AB walking hand in hand on the white shore! Certified box office ang PDA nila!

"Mhine, parang mas masaya kung group tayong pumunta dito.." ani Daniela sa boyfriend.

"Oh why? Sawa ka na bang tayo lagi ang magkasama?"

"Yiee hinde! We have all the time together. Naisip ko lang na okay din pag marami tayo. Masaya. Ganun."

"Sabagay. Pero paano ba yan? By now siguradong nasa kanya-kanya nang destinations ang mga friends natin. Especially yung mga tropa ko. Out of the country na sila."

"I'll contact Charm, and the twins--" suggestion ni Daniela.

"Magkaaway yung dalawa ah?" he was pertaining to Charm and Yuan.

"Oops, I almost forgot! She told me about their game!"

"Game?"

Ikinuwento niya kay Andrei ang ikinuwento sa kanya ni Charm.

"Sounds interesting!"

"Let's join in their game, mhine. Please!"

Saglit na napaisip si Andrei. "Ano naman ang magiging role natin? From what it seemed, one on one ang game nila."

Daniela's eyes twinkled. "Let's put some twist to it!"

"Sige na nga. I also want to have a fun summer."

Sa sobrang excitement at tuwa, Daniela kissed him, ignoring the public.

--Ooh I looove twists! I wish malaman ko kaagad kung ano ang binabalak nila. Can't wait to see the outcome of this nationwide C versus Y.

XOXO Gossip Girl..

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon