Chapter 24

4.8K 78 4
                                    

Chapter 24

--Gossip Girl here; it's chikaminute again Pinoys! Speaking of Pinoy, there are actually two things kung bakit you might prefer to be an elite Pinoy than any other citizenships-- one, walang 24/7 stalking paparazzis; two, drug issues are simply negotiable.. :D

"Uhn.." he woke up to an unfamiliar place with a flightly feeling na mas malala pa sa jet lag. Mag-isa lang siya sa kwarto na iyon, naked under a comforter. With full strength, he tried to pick up the phone reciever on its cradle na nasa bedside table. Idinial niya ang 117.

"117 Hotline. How can I help you?" anang sumagot na call agent sa kabilang linya.

"This.. is Xian Sy. Please-- send me an ambulance!" noon lang niya napagtanto na hirap din siya sa pagsasalita.

"Tell me your location and I will forward your request to the nearest hospital na malapit diyan."

May nakitang notepad si Xian sa tabi ng cradle. Kinuha niya iyon at nirecite sa call agent ang address na nakastamp sa heading noon.

----

Nasa kitchen counter si Yuan having a coffee nang tumunog ang kanyang phone. Tawag iyon mula sa isang private hospital.

Agad siyang nagbihis ng panlakad. Natutulog pa si Charm kaya dire-diretso na siyang umalis nang hindi nagpapaalam.

Pagdating niya sa ospital, padabog niyang binuksan ang pinto ng ward kung saan naiconfine ang kanyang kakambal.

"DRUG OVERDOSE XIAO NU! WHAT THE HELL DOES THAT SUPPOSE TO BE?!"
he bellowed.

"I-don't-have any idea." pautal-utal na sagot ni Xian.

Umupo si Yuan sa isang armchair. "Magtapatan na nga tayo Xiao! Kaya ka ba bumalik dito ay para makipaggaguhan sakin?!"

"OO! GINAGAGO NGA KITA! BUT THIS THING IS UNEXPECTED! I-DON'T-TAKE-DRUGS!"
habol-hiningang sigaw ni Xian.

"I don't believe you! Ang hirap sa'yo, magsisinungaling ka lang, hindi pa pulido!"

"Magsisinungaling?"

"Oo! Alam ko lahat! Hindi ako tanga para maniwalang galit sayo si fu qin! Binigay pa nga niya sa'yo ang shares niya eh! Sinabi mo lang yun para makatira ka sa poder ko and leech out informations. Hinack mo ang database ko at pinasimulan mo ang kunwariang buy-out. Ano ba ang gusto mong kunin sakin Xiao? Ang Sy Int. Ltd. ba? Eh sa'yo naman talaga mapupunta yun--"

"--I doubt kung kaya mong ibigay ang gusto ko-- kaya wag na lang!"

"Fine! Pero ito ang tatandaan mo, kapag nagpasaway ka pa ulit, hindi na kita papatawarin!"

"Ewan!" tumagilid ng pagkakahiga si Xian. Sumama lalo ang loob niya. Bukod sa failed na nga ang mga schemes niya, kung umasta pa si Yuan akala mo siya ang mas matanda!

Hinarapan siya ni Yuan at may ibinato itong susi sa kama.

"Magtataxi ako. Kapag pwede ka nang idischarge, magdrive ka pauwi. Alam mo naman ang daan pabalik ng Bellagio I diba? Don't worry about your case, sinuhulan ko na yung social worker kaya hindi ka marerehab."

"Salamat." ani Xian.

Sandaling huminto si Yuan at ngumiti sa kakambal bago tuluyang lumabas ng ward. Noong mga bata pa sila, madalas silang mag-away sa iisang laruan. Ngayong lumaki na sila, iba na ang pinag-aawayan nila: iisang babae.

--beep!

--Gosh Heart's Day is approaching! Have you got any plans set for your loved ones?

"Miss Ayana, mamaya ka na magbasa ng Gossip Girl update please? We need to practice!"

Ayana grinned mischieviously. "Sorry Miss Charm!" tumayo na ito and joined the formation.

Second day na nilang nagpapractice sa loob ng dance hall of the university para sa plano niyang kakaibang surprise for Yuan on Valentine's day. Lagi na lang kasing ito ang may surprise sa kanya. It's time para siya naman ang magpaimpress.

She asked the help of her classmates and anyone within the college na willing magjoin sa gagawin nila. Umupa din siya ng choreographer nila.

"Okay! From the top!" masiglang wika niya sa mga kasamahan.

----

Bandang hapon na nang marelease ang kanyang discharge papers na inasikaso ni James. May ilang araw din siyang namalagi sa hospital dahil sa misteryosong pagkaoverdose niya sa pampakalma na tinatawag na Valium.

Sa Bellagio I pa din niya balak magstay kahit pa may kasalanan siya kay Yuan. He can't bear to stray away.

Sa may tapat ng elevator ng condominium building ay naabutan niyang naghihintay din si Charm. Nakatalikod ito sa kanya.

He pressed the up button; to his surprise, sabay pa sila ng dalaga kaya't nagpatong ang mga daliri nila. Napalingon ito sa kanya.

"Oh Xian? Where have you been? Three days ka nang hindi umuuwi--" she placed a hand on his cheek. Malamig ang kamay nito. "--Maputla ka ah? May sakit ka ba?"

Ngumiti siya. Mas tingin niya ay si Charm ang maputla. "Paano mo nalalaman na ako si Xian at hindi si Yuan?"

"Ahm.. Chamba lang! Kasi I don't expect him to be here. Busy siya pag ganitong oras."

Tahimik sila the whole time na nasa elevator sila hanggang papasok ng unit.

Dire-diretso siya ng kwarto. Kinuha niya agad ang biyolin sa case. Lumabas siya ng silid and settled by the glass door of the veranda.

He drew out a lot of strength from his arms and fiddled.

Tinugtog niya ang isa sa mga favorite piece niya, ang Tristesse, isang Chopin for violin.

Nakangiting lumabas ng sariling room si Charm. Dala ang PC tablet, umupo ito sa sofa at nakinig sa concerto ni Xian. There are moments when she closed her eyes, dinadama ang music.

He knew her passion for classical music very well. Iyon kumbaga ang common denominator nilang dalawa. Charm used to be a champion pianist in junior division. But she quit after her Mom died.

Thud!

Huminto siya sa pagtugtog nang makita niyang bumagsak ang dalaga pahiga sa sofa.

Agad siyang lumapit dito at niyugyog ang balikat nito. "Charm?!"

"CHARM!" kagad niya itong binuhat at lumabas ng unit. Dinala niya ang dalaga sa clinic ng building.

"Don't worry, dehydration lang at fatigue ang nangyari sa kanya, pero mabuti na rin at naagapan." sabi sa kanya ng doktor.

Sinaksakan ng dextrose ang dalaga and he stayed beside her until she had awakened.

"Pa?"

"Si Xian ako."

Kaagad na pinilit maupo ni Charm. She even wanted to remove the dextrose tube na pinigilan niya naman.

"Hoy ano ka ba? Pasaway?"

Tumungo si Charm pagkatapos ay dinukot ang phone sa bulsa ng shorts.

"Bakit ka nakasimangot?"

"Malelate daw ng uwi si Yuan. He texted."

"Sorry. Kasalanan ko kung bakit marami siyang ginagawa ngayon."

Umaliwalas ang mukha ni Charm. "Okay lang. Tingin ko naman ay nagkaayos na kayo."

He nodded. Mabilis na naghari ang katahimikan hanggang sa parang awkward na.

"Xian, matagal pa to--" itinuro ni Charm ang half-empty dextrose bag. "--takas na tayo dito."

"Hindi pwede!"

Umusog sa gilid ng kama ang dalaga kaya nagkalapit sila. Pinaglapat nito ang dalawang palad na waring magdadasal. "Pleeeeaaaseee.."

Natawa si Xian sa gesture ng dalaga. Ginagap niya ang kamay nito at dahan dahang inalis ang tube na nakaturok sa ugat niyon.

They tiptoed on their way out of the clinic. Instead of using the elevator, ginamit nila ang fire exit.

Napuno ang nananahimik na fire exit ng kanilang tawanan habang paakyat.

Bahagyang napasandal kay Xian si Charm nang hindi sinasadya.

"Kita mo na? Nanghihina ka pa! Pasaway ka talaga!" Xian placed an arm around her back para maalalayan siya.

Sabay silang napatingin sa isa't-isa. It was then they realized na sobrang lapit ng mukha nila from each other.

Xian felt his heartbeat raced. He wondered if she had the same feeling.

And then, something that was not supposed to happen came. It was too abrupt for them to know who initiated it.

They kissed.

When they parted, reality bites. Mabilis pa sa alas kwatro silang natauhan.

'Shit!' Xian swore to himself. But yes, he liked what they did! Pero malamang maiilang na sa kanya si Charm from now on!

"SORRY!" tutop ni Charm ang bibig at tila near-panic. "I imagined he was you--please understand--"

Xian realized that after reality bites, reality sucks!


Badtrip talaga! Kamalasan ang maging kamukha ni Yuan Sy!

He knew he will never understand; because he does not want to.


Nagpatiuna na si Charm umakyat. Walang anu-ano'y hinila niya ito palapit muli sa kanya. He cupped her cheeks and kissed her deeper than the first one they have already shared.

Sa una ay nanlaban pa ang dalaga but she gave in afterwards.

Naunang lumabas ng fire exit si Charm. Sumunod lang siya dito nang tahimik.

Sapo ni Charm ang mukha sa dalawang palad habang nakaupo sa kama.

Pagkadating nila sa unit, nagkulong na siya sa sariling kwarto at hindi na lumabas pa. Pinagnilayan niya ang maling ginawa nila kanina. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili.

There's no excuse for what she did! Hindi niya pwedeng tuhugin ang kambal just because magkamukha ang mga ito.

But she really missed Yuan at that moment, at nagkataong Xian was there.. Ang gulo.

--Another secret has reached my radar! And it seemed too geometrical.. Congruent lines X and Y intersected at point C. Very neat!

You know you love me, XOXO Gossip Girl.

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon