Compilation: Season 3

3K 17 0
                                    

Chapter 1

—Good afternoon lower-East! Psssh! Don't be so loud and mute your phones..

Even so, Gossip Girl is with you habang nasa wake ng isang napakasuccessful na Chinese mogul. He died, beloved.

"Ahuuuuuuwaaaaaayaaaaah.." pagkalakas-lakas ng palahaw ng isang upahang crying lady na dinig na dinig sa buong courtyard ng Chinese manor na pag-aari ng pamilyang Sy.

Sa labas ng mansion ibinurol ang katawan ng namayapang head ng Sy clan na si Lauro Sy alinsunod na rin sa pamahiin dahil ito ay namatay sa labas ng tahanan.

Isang talampakan lamang ang taas ng kabaong mula sa lupa at nasa ulunan ang mga wreaths, regalo, pati na ang portrait ng namatay. Nasa kabaong ang kaputol ng isang kinalahating suklay; nasa panganay na anak ang kalahati niyon. May mesita din ng mga alay na pagkain sa harap ng kabaong.

Sa loob naman ng mansyon, inalis ang mga salamin at tinakpan ng telang pula ang mga imahe ng buddha. May nakasabit ding puting tela sa pintuan habang ang isang gong naman ay nakatanghod sa gawing kaliwa.

"Huuuuuwaaaaaayuuuhhh.."

"—Girl ha? Ang O.A. ng crying lady na yan! Baka sumama ang mga litid niyan sa kabilang buhay!" bulong ng dalagang si Daniela Andrade sa kanyang kaibigan na daughter-in-law ng pumanaw; walang iba kundi si Charm Ashford.

"—Gaga! Kapag may iniwang kayamanan ang namatay, dapat daw mas malakas ang iyak!" ganting bulong ni Charm.

Siya ang umupa ng crying lady. Tradisyon kasi na ang mga manugang na babae ang may tungkuling iyakan ang namayapang byenan.

Hindi yata niya kaya yun since hindi naman naendorse ang pagiging mag-in-laws niya at ni Lauro Sy. Kaya kumuha na lang siya ng proxy.

Sa wakas ay natapos din ang prayer ceremony na pinasinayaan ng isang Buddhist monk. Ngayong araw na ang libing ng namatay.

Pinatalikod silang lahat nang ipapako na ang kabaong dahil malas daw iyong tingnan.

Kapag tumulong naman sa pagbuhat ng kabaong ay magdadala ng swerte.

Tumigil pansamantala ang prusisyon sa gilid ng kalsada pagkalabas na pagkalabas nila ng Sy residence. Muling nag-alay ng panalangin ang mga makikipaglibing sabay nagpakalat ng mga papel.

Si Xian Sy, bilang panganay na anak, ay nakasunod sa hearse (karo) at nakasandig ang ulo niya dito. May hawak siyang puting tali na hawak naman nina Karine, Yuan at Charm na nasa likuran lang niya.

Dala-dala ng kanilang mga tauhan ang mga sasakyan, estatwa, at kung anu anu pa na gawa sa papel. Babaunin daw yun ng namayapa sa kabilang buhay.

Hapon na nang makarating sila sa sementeryo. Pinatalikod na naman silang muli nang ibababa na sa lupa ang kabaong.

Pagkatapos nun, lamapit si Xian at dumakot ng kaunting lupa. Inilagay niya iyon sa dala niyang incense holder.

Dumakot muli siya ng lupa at inihagis sa kabaong ng ama. Sumunod sina Karine, Yuan, at Charm.

"—Alcohol ngaa!" maarteng demand ni Charm sa kanyang PA habang pinapahid ng panyo ang natirang lupa sa kanyang kamay.

Natapos nang matiwasay ang libing. Pagbalik sa mansyon, pinagpalit sila ng damit dahil kailangang sunugin ang damit na isinuot nila sa libing.

Nag-abot sa bawat miyembro ng pamilya ng pulang ampaw—

"—Kailangang gastusin niyo yan, okay?" ani Xian.

"Ano naman ang mabibili ko sa ten thousand?" reklamo ng kanyang kakambal na si Yuan.

Tinapik ni Xian ang balikat nito. "Use your imagination!"

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon