Season 2 Chapter 20

4.1K 62 10
                                    

A/N: Pagkalipas ng maraming taon, nakapag update din >_< may mga ilang bagay pa po kasi akong nireresearch for some materials na pwedeng ilagay sa story...

--wooo i love catfights.. enjoy!

 PATALASTAS:

Join our Group (na wala pang member! haha) just visit my user page andun po yung link..

ano po ang pwede ninyong i-post sa groups ng GG?

1. Your stories or any other stories na gusto ninyong ipapromote. I'll put that in my A/N's

2. You can post your cameo requests. I am always accepting cameos pero syempre have patience kung kelan pwede mag-appear sa story.

3. Request for dedications

4. Your suggestions

5. You could also ask me anything pwera lang po sa Math!

Salamat po sa support.. In return I would also try my best to support you ^^

XOXO

----

Chapter 20

--Previously on Gossip Girl-- It's party party here at Bellaroca and you're in for some trouble. Will you miss this one time chance upang saksihan ang pagtitipon tipon ng tribong kung tawagin ay 'bitches'?

Definitely not!

"Oh my, besy! Lucky is having a live here in Bellaroca, and my organizer said na Lucky's manager agreed na he would sing on our wedding!" ani Grace.

"Yah I saw him here kanina. Nasa seaside pavillion nga siya with some crazy bitch."

"OH? Nandito na siya? At may kasamang crazy bitch talaga?"

Bahagyang iniangat ni Mahren ang ulo. Well, nakadapa siya dahil kasalukuyan silang nagpapamasahe sa may resort spa na close to nature. Bakit hindi, nalilimliman dito ng sandamukal na puno.

"Yes she's a bitch. That Charm Ashford? Nakilala ko siya personally when I'm in Panglao island. I thought she's a nice girl--"

"What did she do?"

"Itinulak niya si Lara sa pool kanina."

"--For no reason?"

"Hmm.. Meron naman, but I think that's too trivial. Ay nako wag na nga nating pag-usapan! Nasisira ang magandang ambience eh!"

"Nga pala, clubbing tayo mamaya sa shore! Bridal shower at stag party in one daw! Haha! Pinaorganize ng mga kabarkada natin. Basta isa lang ang masasabi ko-- Cute ang DJ--"

Mahren smiled. Isa pa itong si Grace na may good eye basta sa mga gwapo.

----

After their dramatic meeting sa may seaside pavilion, sumama si Charm kay Alvis on his rented villa na may terazza overlooking the beach. Pagdating nila doon, nandoon na ang suitcase at iba pang gamit ni Alvis na nauna pang dumating kaysa sa kanya na tenant ng villang iyon.

Charm was looking at him all the time. There’s something about him na napapaisip siya.

“Alvis, may sakit ka ba?” she finally asked after she settled herself on a chair by the terazza.

“Sakit? Bakit mo naman naitanong?”

“You look pale. At saka parang pumayat ka--”

Inilapag ni Alvis ang kanyang favorite camera sa mesita. “Stress from work. Parang ganun--”

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon