Season 2 Chapter 12

4.3K 55 0
                                    

A/N: Introducing Miss Ayen Cuesta

----

Chapter 12

--Previously on Gossip Girl.. Mukhang mali yata ang napasukang ward ng isang nagfefeeling may sakit na recording artist. Ano naman kaya ang reaction mo Ms. Hater? :)

"L-LUCKY?!"

Gusto na sanang lumabas ni Yuan ng ward na iyon pagkakita sa babaeng reporter na naencounter niya before pero naisip niyang this is the only time na makakabisita siya sa batang may Leukemia since the following days would be very tight.

He flashed a plain smile at the scowling reporter bago hinarap ang kanyang very first fan.

"Kamusta ka na Kyle?" tanong niya sa batang nakasandal sa inclined bed.

Namilog ang mga mata ng bata. "ALAM MO ANG PANGALAN KO?"

"Syempre naman--"

Hindi na makatiis ang ate ni Kyle at sumingit. "Lucky-- hindi ba MAY SAKIT KA?!"

Lumingon si Yuan sa dalaga. He eyed her with pure loathing that was reserved especially for nosy reporters like her. "Miss reporter, kaya nga ako nakasuot ng hospital pajamas diba? Meaning PASYENTE ako dito."

"--Oo nga naman ate Ayen. Common sense lang yun!" si Kyle.

"Shhh--Kyle! Ano ka ba? Don't tell me nahahawa ka na sa ugali niya--" she faced Lucky. "Hoy ikaw mister! Hindi Miss reporter ang pangalan ko! Ako lang naman si Ayen Cuesta! Tandaan mo! Yan ba ang may sakit?! Maarte ka pa kesyo ayaw mong humarap sa press! Paano ka nakapaglakad papunta dito ha?!"

"Tsk.. May sakit nga ako MISS AYEN CUESTA pero hindi naman ibig sabihin nun ay bawal na akong maglakad lakad. Karapatan ko naman sigurong wag magpa-interview kung ayoko."

Kumukulo talaga ang dugo ni Ayen sa antipatikong feelur na nasa harapan niya.

'Swear gagawa ako ng paraan para siraan ka sa mga fans mo! Syempre uunahin ko sa kapatid ko!'

Lumapit siya kay Kyle. "Kita mo na yang iniidolo mo? BAD INFLUENCE siya, kya kung ako sa'yo Kyle--"

Too bad dahil hindi naman siya pinakikinggan ng kausap. Starstrucked pa rin si Kyle sa kanyang idol. "LUCKY SIGN MY CD! PAPICTURE DIN TAYO HA? HA?"

Kinuha ni Yuan ang CD at marker mula sa bata and then scribbled in his dedications and signature. "May camera phone ka ba Kyle?"

"Opo meron!" kinuha ni Kyle ang kanyang LG Optimus phone at binigay sa kanya.

Inabot niya naman iyon kay Ayen. "Oh, picturan mo kami!"

Nakasimangot na kinuha ni Ayen ang phone mula sa kanya. Isinet nito ang camera mode at ni-focus sa dalawa.

"One.. Two.. Three.."

Click!

"ISA PA!" hirit ni Kyle.

Click!

Sumenyas si Kyle sa kanyang ate upang kunin ang phone. Nang makuha, tiningnan niya ang mga pictures niya together with his idol. Pagkatapos ay ipinorma ang phone na parang kukuha ng shot.

"Kayo naman pong dalawa ang pipicturan ko!"

Napatda sina Yuan at Ayen.

Unang nagpahayag ng pagtutol si Ayen. "NO WAY!"

Deep inside, bigla siyang nakaramdam ng goosebumps.

Siya at si Lucky, in a picture, TOGETHER?!

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon