Chapter 26

4.7K 79 7
                                    

Chapter 26

Gossip Girl here, your one and only source into the scandalous lives of Pinoy elites. Paging Y.. Your Dad needs to punish you!

Pinatawag si Yuan ng kanyang ama at agad agad naman itong umalis

Bago umalis, sinabi niya na wag siyang susundan. Pero hindi talaga mapalagay si Charm.

Palakad-lakad siya sa harap ng sofa.

"Huwag kang mag-alala, hindi naman nangangain ng tao ang tatay namin." ani Xian na nahihilo na sa ginagawa ng dalaga.

"You know what, pupunta na talaga ako!" she finalized. Wala siyang tiwala sa ama nina Yuan.

"Sasamahan kita." pagvovolunteer naman ni Xian.

Nauna kagad siya sa pinto. "Tara!"

----

Nag-kowtow si Yuan sa harapan ng ama na nakaupo sa isang cushion sa likod ng isang mababang mesa. Tradisyonal at sinaunang Chinese ang pagkakayari sa mansion nilang ito. Gawa sa tisa ang mga bubong, bilugan ang mga bintana, sliding ang mga pinto, kahoy ang sahig, mabababa ang mga mesa, at lahat ng dekorasyon ay sunod sa feng shui. Sa labas ay mistula itong maliit na komunidad sapagkat hiwa-hiwalay ang mga silid na parang maliliit na bahay at pinagdudugtong lang ng mga makipot na pasilyo.

"Lái zhe li. Yun Nai.  (Lumapit ka dito Yuan.)" utos ng ama.

Agad tumalima ang binata. Awtomatiko niyang itinaas ang laylayan ng kanyang pantalon hanggang umabot sa tuhod at tumalikod sa ama.

Kinuha ni Lauro Sy ang isang manipis na parang latigo na halos isang talampakan lamang ang haba.

Whack! Hinagupit niya ito sa binti ng anak. Napakislot si Yuan ngunit hindi ito natinag.

"Wŏ hái yĭ wéi nĭ hĕn cōng ming mă? Dàn shì nĭ zhĭ shì pŭ tōng de yī gè nǚ hái fēng kuáng! (Akala ko ay matalino ka! Pero babae ang nasa isip mo!)" singhal ni Lauro. Sinunod-sunod niya ang paghataw sa binti ng anak.

"Nĭ shì tài lŭ măng le!  Yun Nai!  Wŏ yĭ qián qù guò nà li, nĭ zhī dao mă! (Masyado kang padalos-dalos magdesisyon! Akala mo'y hindi makakarating sa akin yun? Hoy Yuan! Papunta ka pa lang, pabalik na ako!)"

"Wŏ zhī dao wŏ zuò, fù qīn. (Alam ko po ang ginagawa ko ama)" matigas na wika ni Yuan.

Lalong nag-init sa paghataw ang ama. May tilamsik na ng dugo ang latigo "Nĭ yĭ jīng xué huì rú hé dĭng zuĭ? Nĭ méi yŏu rèn hé xiăng fă nĭ zài zuò shén me! Wŏ yĭ jīng xuăn zé le nĭ de xīn niáng, nĭ wèi shén me yāo sī bēn mì mì? (Sumasagot ka na? Hindi mo alam ang ginagawa mo! May pinili nako para pakasalan mo kaya bakit ka nagpakasal sa iba nang palihim?!)"

Bumukas ang sliding door. "Mahal?! Anung ginagawa mo kay Yuan?" si Karine iyon. Nahintatakutan ito sa nakitang nagkalat na tilamsik ng dugo.

"biăo zi, bì zuĭ! (Tumahimik ka babae!)" bulyaw ni Lauro sa esposa.

Ngunit pumasok ito. "Itigil mo na yan. Maawa ka sa anak mo--"

"Mommy pabayaan mo siya. Lumabas ka na please." pakiusap ni Yuan sa ina.

Di inaasahang pagsipat ng mga mata ni Yuan sa bukas na pinto ay biglang may sumilip doon. At nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino iyon.

--

Ikinagulat ni Charm ang tagpong nasaksihan pagkadungaw sa isang silid kung saan nila sinundan si tita Karine. Si Yuan ay nakatayo at kasalukuyang pinarurusahan ng ama.

Hinawakan ni Xian ang braso niya. "Charm, wag kang makikialam. Lalong magagalit yan kay Yuan.."

Pero kumilos ang kanyang katawan bago pa gumana ang kanyang utak.

Halos madulas na siya paupo at yumakap sa duguang binti ni Yuan.

Maging si Lauro ay nagulat. "Nĭ dào dĭ shì shéi? Gŭn chū qù! (Sino kang pangahas? Lumayas ka riyan!)" hindi maintindihan ni Charm ang pinagsasabi nito. Ang alam lang niya ay hindi makatao ang ginagawa nito sa anak. Nanatili siyang nakayakap sa binti ng asawa

Pumorma si Lauro upang muling ihampas sa anak ang latigo at kahit pa matamaan ang dalaga ay wala itong pakialam.

Dahil sa nakita, si Yuan na ang kumilos. Inagaw niya sa ama ang latigo. "Zhè shì zú gòu de fù qīn! Wŏ bù huì ràng nĭ shòu shāng shèn zhì wŏ de qī zi! (Tama na ama. Hindi ako papayag na sasaktan mo pati ang asawa ko!)" sagot niya sa ama. Hindi rin iyon naintindihan ni Charm.

Napatda si Lauro sa kauna-unahang beses na nanlaban sa kanya ang anak.

Hinawakan ni Yuan si Charm sa magkabilang balikat at itinayo. "Let's go"

Lumapit sa kanilang dalawa sina Xian at Karine upang umalalay.

"Yun Nai!" nanggagalaiting tawag ni Lauro sa anak. Sapo niya ang kanyang dibdib at tila ba nakaramdam ng hindi maipaliwanag na paninikip ng dibdib.

"Fu qin? Gĕi nĭ zhè shì zĕn me huí shì? (Ama? Ano'ng nangyayari sayo?)" si Xian ang nakapuna sa ama.

Lahat sila ay dumako ang paningin sa ama ng tahanan.

Tumakbo si Xian palabas at nagsisigaw sa mga tauhang naroroon. "TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA! BILIS!"

--

Hinayaan ni Yuan na linisan at gamutin niya ang mga latay sa binti nito. Nakaupo ito sa isang sofa at siya naman ay nasa mababang bangkito. Walang sinuman sa kanilang dalawa ang nagsasalita hanggang sa binebendahan na niya ang isang binti.

"Bakit kayo sumunod dito ni Xian? Di ba sinabi kong wag na wag kang susunod?" si Yuan ang bumasag ng katahimikan.

"Hindi ka ba pupunta ng hospital? Tumawag si Xian. Comatose daw ang Dad mo." ani Charm nang hindi tumitingin sa mukha ni Yuan. Nagiguilty siya sa nangyari.

"Baka pag pumunta ako dun, pilitin niyang magising mula sa pagkaka-comatose niya. At kapag nagising pa siya, siguradong yari ako."

Nag-angat ng paningin si Charm. "Bat ganyan ka magsalita? Alam mo, mag-ama nga kayo!"

Tumayo na si Yuan kahit hindi pa tapos ang pagbebenda ni Charm sa kaliwang binti niya.

"Umuwi ka na. Marami pa akong aasikasuhin dito."

"Gaya ng?"

"Gaya ng mga properties na maiiwan ni Lauro Sy. Gaya ng kung sino saming dalawa ni Xian ang magiging head of Sy household--"

"YUAN! HINDI PA PATAY ANG TATAY MO!" sigaw ni Charm. Niyugyog pa niya ang magkabilang braso ng binata.

Saka siya napatingin sa mukha nito. May lungkot at waring maiiyak.

Yumakap si Yuan sa kanya.

"Umiiyak ka ba?" tanong niya. Hindi ito sumagot. Tanging mga hikbi lang nito ang narinig niya.

--The father literally broke his heart.. Tsk tsk.. and the worst part is, 'life goes on' ang kanyang kids.

Napabalita sa News at mga society pages ang nangyari sa richest man of the country.

Magkaganunman, pumasok parin si Yuan the next day na ready upang sagutin lahat ng charges na inihain laban sa kanya.

Successful siyang nakalusot sa grupo ng media na bumubuntot sa kanya simula pa sa Bellagio. Sa ngayon ay magsisilbing fortress niya ang SFU dahil walang nakakapasok na kahit sinong professional mediamen sa loob. Protocol iyon ng campus para sa seguridad ng mga estudyanteng nag-aaral dito. Sa bandang huli mapapagod din ang mga gustong kapanayamin siya. Oh kaya, pag naispotan nila si Xian, yun ang putaktihin nila ng tanong.

May kumatok sa pinto ng SSC Office.

'Malamang complaint letter na naman' naisip niya.

"Pasok."

Pumasok ang panauhin. Si Athena iyon.

"Good morning Miss Zepeda, have a seat."

May pagtataka sa mukha ni Athena dahil nakita siya nitong nakaupo sa ibabaw ng desk.

"Wag na lang. Hindi naman siguro mahalaga ang pag-uusapan natin."

Yuan hopped from the desk at lumapit kay Athena. He pushed her hanggang mapasandal ang dalaga sa pader.

He flashed his evil grin. "Hindi mahalaga?! You just gave me a handful of paperworks!"

Naging anxious si Athena, dala na rin ng awkward closeness nila ngayon. "T-tinatakot mo ba ako? Idedemanda kita, for--Rape!"

"Ikaw ang idedemanda ko Miss Zepeda.. To hell with your scandal video! Hawak ko ang CCTV ng hotel kung saan ninyo pinagsamantalahan ang kakambal ko!"

Natunganga si Athena. Sinumpa na naman siya ng CCTV!

Hinawakan ni Yuan ang magkabilang balikat niya. "Gentleman naman ako Miss Zepeda. Hindi naman siguro ako aabot sa point na kailangan kitang ipahiya? I want you to do something in exchange for my amnesty."

"Ano yun?"

"Get out of the Philippines.."

"Ha?"

"Lumayas ka dito sa Pilipinas."

"ANO?!"

"Ano pang gusto mo? Itranslate ko sa French o Mandarin?"

Bumukas ang pinto. Iniluwa nun si Charm. "Pa, I have a--"

Worst case scenario, naabutan sila ni Charm na nasa isang awkward position.

"WHAT THE HECK YUAN?!" kaagad na sigaw ni Charm.

Yuan did not reply.

"So, totoong ikaw nga yung nasa video, ganun?! I'm so sick of--" sa sobrang inis niya, ibinato niya ang hawak na makapal na accounting book kay Yuan.

Umilag si Yuan kaya nasapul ng libro si Athena sa noo.

"OUCH!" maarteng daing ni Athena habang kinakapa ang nabukulang noo.

"Ma?! What's the sudden outburst? I'm not doing any--"

"SHIT KA! Don't call me Ma!" tumalikod na si Charm at lumabas. Sinundan siya ni Yuan.

"Ma, let's talk it out!"

Mangiyak-ngiyak na hinarap siya ni Charm. "--TALK TO MY LAWYER!"

"WHY?!" he demanded.

"Magpa file ako ng annulment! Gagamitin ko yung video as evidence! IDEDEMANDA KITA FOR ADULTERY! AND DON'T EVER TRY TO GET NEAR ME DAHIL HIHINGI AKO NG RESTRAINING ORDER!"

She strolled out pagkatapos niya iyon sabihin.

Sa sobrang inis ni Yuan sa situation, he fisted on the wall.

--We have not heard about the nuptial pero heto't may annulment na? I told you, you can't keep any secret from Gossip Girl.

And who am I? That's a secret I'll never tell..

You know you love me.. XOXO Gossip Girl.

****

A/N

Weee minadali ko lang po ang chapter na ito...update bago magpunta sa wattpad meetup..kita-kits!!! XOXO

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon