Chapter 1 Happy Anniversary

61.1K 1.1K 12
                                    

Lia's POV

Happy Anniversary. Mapait na bulong niya sa hangin.

Masaya sana ang okasyong ito but it is ironic na puno ng pighati ang kanyang puso. Ito dapat ang unang beses na magse-celebrate sila ni Andrei ng anibersaryo ng kanilang kasal ngunit ito na din ang huli. Sa halip na kumakain sila sa mamahaling restaurant ay okupado ang oras niya sa pag-e-empake ng mga damit at personal na gamit niya sa di kalakihang maleta. Ang mga naipon niyang gamit na nanggaling sa pera ng asawa ay napagpasyahan niyang huwag isama sa pag-a-alsa balutan niya. Their marriage is over. O wala naman talaga silang dapat panghinayang sa simula pa lang?

They were married one year ago. Nagpakasal siya kay Andrei dahil mahal niya ito habang si Andrei naman ay napilitan dahil napabalag sa alanganin ang ego nito bilang lalaki. Hindi masasabing walang pag-ibig na namagitan habang nagsasama sila dahil gaya ng sabi niya kanina ay mahal niya nga ito. Yaman nga lamang na ibang babae ang nagmamay-ari sa puso nito.

Nais niyang ipaglaban ang pag-ibig kay Andrei. Magmakaawang huwag na nitong ituloy ang pagpoproseso sa annulment papers nila ngunit hindi ba't naunahan na siya ni Andrei na magmakaawa nang hilingin nito ang kalayaan mula sa kanya?

Marahas niyang pinahid ang naglandas na mga luha. Pagalit na sinaway ang sarili na huwag magpakita ng anumang kahinaan.

Marry Me again, Sweetheart (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें