Chapter 28: Promises are Meant to be Kept

372 8 7
                                    

CHAPTER 28

[Promises are Meant to be Kept]

Sabado naaaaaaaaaa! Uyeah. Practice namin para sa interpretative dance ngayon.

Ang galing-galing diba? Ang laking fastforward.

As usual, kina Andrew yung place na papagpraktisan namin. Hindi siya kasama sa sayaw mismo, pero wala nang ibang available na place eh. Kaya ayun, wala siyang choice kundi magpapractice sa bahay nila.

Yung dress ko nga pala para sa Fashion Show? Nasa patahian na siya. Yung interpretative dance nalang talaga ang problema. Kahit di siya contest, intermission number parin yun ha! Tapos kami pa yung pinili ng adviser namin talaga, ibig sabihin, malaki ang inaasahan niya sa amin.

Kaso teka...

Bakit parang may mali?

10:00 AM na, tapos wala parin yung ibang mga dancers namin?? 8:00 AM kaya yung usapan namin, sa school yung diretso kung hindi alam yung bahay ni Andrew o diretso na kila Andrew mismo.

Eh wala eh. Ang tagal-tagal nilang dumating, edi iniwan nalang namin sila. 9:00 AM na yun eh, masyadong Filipino time naman yun diba?

Oo, sa school ako dumiretso. Si Vince kasi, first timer sa bahay nina Andrew. Ayun, pinilit niya akong sumabay sa kanya papunta dun.

Hmm... mukhang wala kaming magagawang matino nito ha. Pano ba naman? Si Minette, Janelle, ako, Vince at si Claire lang yung andun! Musta naman?

Nice Vince, all girls! Ahahahaha! JOOOOOOOKE.

Si Randel nga, di nakapunta eh. Understood namang taga-Alabang pa siya, kaso dapat pumunta rin siya kahit papano diba? Practice kaya 'to. Feeling niya kasi sigurong hindi na pumunta yung mga kaclose niyang lalaki kaya hindi na rin siya pupunta.

Suuuuuuuuuus. Baka andito naman ako?

Hindi naman siya sigurong ma-oOP kasi andun ako. Joke lang!

Nagsearch lang kami ng mga possible background music para sa sayaw... yun lang. As if naman may nakita rin kaming matino nu, syempre wala nga kaming concept eh! Ang interpretative dance, dapat may concept!

Ayun tuloy, tambaaaaaay. Kain, picture-picture, FB... Yeeeeeeeeeey.

Katuwaan nga naming lokohin yung mga di sumipot sa practice eh. Di na daw sila kasali. Wahahaha. Ang galing naman kasi nila diba? Sabing may practice eh, tapos wala namang sisipot. Grabe, napuno ng parinigan yung wall ng Calvin. Pero hanggang doon lang yun ha, wala namang nauwi sa awayan.

At dahil na-bore na kami... naisipan naming gumala nalang sa Market-Market. Kesa naman NGANGA lang kami doon diba? Wala naman kaming nagagawa, wala namang darating pa.

Malapit lang yung Market-Market sa bahay ni Andrew eh, isang sakay lang. Actually, first time ko nga makapunta dun eh. Madalas lang ako sa SM Manila tuwing galaan, masyadong malayo na kasi ang Market para sakin.

Edi ayan... gala mode kaming lima. Pumunta kaming TimeZone, naglaro-laro, nagpicture-picture. Syempre, kumain din kami pagkatapos. Kinain ko lang donut, waffle, tapos ice cream. Wahahaha, ang healthy ko enu?

Napasabak nga yata ako eh. Pano ba naman, dalawang donut at waffle binili ko! Ang takaw-takaw ko. Wahahaha. Si Vince din naman eh, dalawang waffle kanya pero hindi na siya bumili ng donut.

Pagkatapoooos, pumunta naman kami sa department store, tingin-tingin ng mga sapatos at damit. Halatang in-oOP namin si Vince eh. Hindi siya makarelate sa mga pinagtitinginan namin. Tingin kami nang tingin, sukat nang sukat, habang si Vince NGANGA. Ahahaha!

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon