THIRTY

463K 6.4K 399
                                    

CHAPTER THIRTY

LARA

Mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa coffee shop pero wala pa ring Enrique'ng dumadating.  Malapit na akong mapuno at mawalan ng pasensya. Ilang ulit na rin akong tumatawag sa kanya pero nakapatay ang phone niya, Hindi ko alam kung kakayanin ko pang maghintay sa kanya, baka sinasayang ko lang talaga ang oras ko dito.

Tumingin muli ako sa wrist watch ko, napabuntong hininga na lang ako. Kalma, maghihintay pa ako ng mga 15 minutes, pag wala pa ring dumating aalis na talaga ako.

Lumipas ang 15 minutes pero wala pa din siya. Kaya tumayo na ako sa kunauupuan ko. "Oops, sa'an ka pupunta? Pinaghintay ba kita?" narinig kong tanong ng napaka-pamilyar na boses ng kanina ko pang inaantay. Pumikit ako ng mariin at hindi sumagot, nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko. Hanggang sa naramdaman ko siya papunta sa harap ko. Kaya idinilat ko na ang mga mata ko at pinakalma ang sarili ko. Breathe in, breathe out Lara.

"Have a sit, kanina ka pa ba? Medyo naipit kasi ako sa traffic." Insensitive na pagdadahilan niya pa, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ako ba'y pinagloloko ng gagong ito? Ang lapit naman opisina niya dito, kay hindi dahilan ang traffic.

"Chill, may meeting kasi ako kanina sa may Ortigas nung tumawag ka, medyo late na natapos medyo na-traffic dahil may banggaan sa dinaanan ko." Cool na cool pa ang pagkakasabi niya na sumandal pa, ang sabihin iya may kasama siyang babae. Dammit! The hell I care kung sino pang santa ang kasama niya.

Tumawag siya ng waiter at umorder ng dalawang kape, ni hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko.

"So, bakit mo ako biglang tinawagan?" pag-uumpisa niya na inayos ang pagkakaupo tapos sumandal ulit sa upuan at inilagay sa baba niya ang kaliwang kamay niya.  Then I noticed something. He was wearing our ring.

Napansin niya ang tinititigan ko at mabilis na ibinaba iyon. "Natangg—" natigil siya sa sasabihin niya sana dahil sa pagsabad ko.

"Nag-iisp ka ba?" I saw amusement in his beautiful eyes dahil sa tanong kong iyon.

"Hindi ba naipaliwanag sa iyo ng lawyer mo ang proseso ng custody?" huminga ako ng malalim. "You should have talked to me, pwede naman pag-usapan 'yon e. Hindi yong nagpapadalos-dalos ka." Pinilit kong kumalma pero hindi ko mapigil ang sarili ko.

"Dammit, Enrique, ang bata pa ng anak ko. I don't want him to be traumatized just because of his parents." Patuloy ko na medyo kumakalma na.

"Does it mean na kung iaatras ko ang kaso, you'll let me see my son?" alanganing tanong niya, parang hindi makapaniwala. Hindi ko kumibo. "When can I see him?" halata ang excitement sa tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, pero dumating ang waiter para sa dalawang kapeng in-order niya, anng umalis iyon ay nagpatuloy na ako.  "Can you give me a week to prepare my son?" pakiusap ko.

Nangunot naman bigla ang noo niya. "But..." angal niya sana.

"Please? Ayokong mabigla yong bata." Tumango-tanog naman siya matapos sumisimsim sa kapeng hawak niya.

"Kung wala ka nang sasabihin, then I have to go, may mga gagawin pa ako." Pagkasabi ko n'un ay dinampot ko ang bag o at tumayo na ako mula sa kinauupuan ko, dahil hindi ko na kayang tumagal pa ng isang minuto sa ilalim ng maiinit niyang mga titig.

"Lara..."  napahinto ako ng bigla niya akong hawakan sa braso. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago muling humarap sa kanya.

"May sasabihin ka ba?" nakataas ang isang kilay na tanong ko, pero umiling-iling lang siya at binitiwan ang braso ko. Yon lang at tuluyan na akong lumabas ng coffe shop na iyon.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon