FORTY

368K 5.4K 119
                                    

CHAPTER FORTY


LARA

The next morning, maaga akong nagising, gusto ko kasing bumawi. Alam kong ang childish ng ginawa ko kagabi. At hindi ko alam kung bakit ganun ang ginawa ko.

Kasalukuyan na akong naghahain ng sinangag sa lamesa ng makarinig ako ng mga yabag na pababa ng hagdan. Lumingon ako para masiguro kung si Ric nga iyon.

And yes, it's him, pero hindi nya pa ako napapansin. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, ina-antay ko ang pagtingin nya sa'kin, I am smiling almost grinning pero poker face lang sya. Para tuloy napahiya na unti_unting nawala ang ngiti ko sa labi.

"Kain ka na?" alok ko dito.

"Hindi na may breakfast meeting ako with a client." malamig na sagot nito.

"Ah ganun ba? Kahit kape man lang." pag-alok ko dito. Nag-iwas ito ng tingin na wari mo'y nagdadalawang isip pa. "Kung nagmamadali ka, okay lang." may himig ng pagtatampong sabi ko.

Akala ko talaga ay aalis na sya pero nagulat ako nung umupo sya at uminom ng konting kape, na-upo na rin ako para sabayan sana sya, kaso tumingin sya sa relo nya at sinabing "Male-late na ko," tumayo ito, pero halatang umi-iwas ang tingin nya sa'kin. "I have to go." malamig ang pagkakasabi nito noon, I don't know if it's a statement or nagpapaalam sya. Nagtuloy-tuloy ito sa pintuan without giving me a kiss. May tampo pa rin sya sa'kin.

Nawalan na ako ng gana kumain kaya tumayo ako sa pagkaka-upo pero napatigil ako dahil sa biglaang pagkahilo ko, napahawak ako sa sintido ko, at muling na-upo. Ano ba yan? Pa'no naman ako makakapasok ng opisina ng gan'to?

Nang ma-kondisyon ako ay umakyat na ako sa kwarto, para umidlip muna, baka kasi kulang lang talaga ako sa tulog. D'un na ako dumiretso sa kwarto namin at humiga na sa kama, hindi ko na alam kung pano ako nakatulog.

-----

Nagising ako sa marahang paggalaw ng kama. Then I saw Ethan who is now smiling at me, ngumiti din ako sa kanya at bumangon to kiss him on his forehead.

"You did not go to your office Mommy?"  nangunot ang noo ko nang maalala kong may trabaho pala ako, naptingin ako sa orasan at nakitang 10 a.m. na pala, at masyado nang late kung papasok pa ako.

"Mommy's not feeling well." sagot ko dito, na nanlaki naman ang mata, parang gusto kong matawa sa reaksyon nya.

"Oh, take some rest Mommy," parang matandang utos nito. "Ethan will take care of you." malambing na dugtong nito, na nagpangiti sa'kin.

"But... Mommy will eat fir—" napatakip ako ng bibig nung pakiramdam ko ay nangasim ang sikmura ko.

"Why Mommy?" tanong nito nang mapansin ang pagsapo ko sa bibig ko.

"Nothing." sagot ko dito nung makabawi ako, sinikmura pa ata ako, dahil sa hindi ko pagkain ng breakfast.

"Do you already have your breakfast sweetie?" tanong ko dito.

"Yes Mommy," proud na sagot nito. "I ate bacon and egg." Pakiramdam ko ay biglang kumalam ang tiyan ko, sa sinabi nya. "Come on let's go down, Mommy will eat breakfast." pag-aya ko dito, kasi naramdaman ko na talaga ang gutom ko.

-----

Umabot ang tanghali na wala akong na-recieve na text kay Ric, at kating-kati na akong tawagan o i-text sya but there is something in me na parang pumipigil sa'king gawin yun. Ma-pride na, kung ma-pride, nag-effort ako kanina, pero hindi nya na-appreciate.

Tumawag na rin ako sa sekretarya ko para ma-move ang schedule ko today to another day, dahil sa hindi na ako makakapasok.

I spend my afternoon inside the room, nakahiga lang ako, at pakiramdam ko sobrang tamad ko, at naghihimutok pa din ako sa katigasan ni Ric.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon