SIXTEEN

558K 7.9K 212
                                    

Thanks for waiting! Enjoy reading!

CHAPTER SIXTEEN

LARA

Tall, fair skin, slim body, beautiful features. Parang barbie doll na nabuhay. Or simply gorgeous. That was Joyce. At nai-insecure ako ngayon. I was a model, pero parang nawalan ako ng kumpyansa sa sarili ko dahil sa nakikita ko. Pakiramdam ko walang-wala ako sa kanya dahil sa figure ko.

Kasalukuyan kaming nag-aantay dito sa waiting area ng airport. While she was waiting for her luggage. Kaya hindi pa siya makalapit sa amin, pero kumaway na siya sa amin, nung nakita niya kami.

She was wearing a black backless blouse, and denim shorts. On her right arm hangs a cardigan, she wore a pair of black sneakers. She also wore a pair of aviators, kaya natatakpan ang mata niya. But still hindi pa rin maikakaila ang kagandahang mayroon siya.

Naramdaman ko ang galak ng dalawang kasama ko. Lalo na nung tuluyang makalapit sa waiting area si Joyce. Removing her aviators to acknowledged Enrique.

Natigilan ako ng makita ko siya sa malapitan. Pamilyar ang mukha niya. As if she was someone I knew, pero hindi ko maalala.

"Eeee-Arrrr!" halos patiling irit ni Joyce, kasabay ng pagtakbo palapit kay Enrique na agad namang niyakap ang huli, humalik sa pisngi at binuhat paikot.

"I missed you Joyce, it's been what?!" masayang bati ni Enrique while they were still flirting there in front of everyone who can saw them. Si Mama Janice naman ay nasa tabi nila.

Ang sweet nila tignan at pakiramdam ko naninikip na ang dibdib ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Ibaba mo na nga si Joyce." Nakangiting, pag-awat ni Mama sa kanilang dalawa.

"Ano ka ba naman Ma, we missed each other." Angal pa ng magaling kong asawa, na wala man lang pakialam sa akin. Dapat kasi hindi niya na lang ako sinama e."

"Yes Ma," nangunot ang noo ko sa narinig kong pag-address niya kay Mama. Did I heard it 'Ma' or 'Ta'?

"Oh wait, who is this beautiful lady? Is she your wife?" baling sa akin ni Joyce na kumalas na sa pagkakahawak sa kanya ng asawa ko. At sa wakas ay napansin na ako.

"Is she the lucky girl?" excited na tanong niya kay Enrique as she smiled sweetly at me. I faked a smile, kasi para sa akin ay hindi ko pa rin siya gusto. Kahit sabihin pang pamilyar siya sa akin.

"You look familiar." She said na kinilatis ang kabuuan ko, na-conscious naman daw ako. "Ca—ssie?" nangunot ang noo ko sa tanong niyang iyon, she called me with my screen name.

Pero hindi sko nakasagot. "Oh my god! It's you. Hindi mo na ba ako naaalala? At the CIM Camp." Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino siya.

"Miss J?"

"Indeed." She happily replied na napayakap sa akin. Natahimik naman si Enrique at Mama, wari'y naguguluhan sa pangyayari.

"You know my twin sis baby?"

Napatingin ako kay Enrique sa tanong niyang iyon. "Twin sister?" di makapaniwalang tanong ko.

Napatingin ako kay Joyce at pabalik sa kanya.

"Yeah." Nakangiting sagot niya. "So even if you already knew each other, I would still want to introduce you to each other formally. So Joyce this is my wife Lara and baby, this is my twin sister, Joyce."

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon