EPILOGUE

428K 6.1K 592
                                    

dedicated to myself :) Enjoy reading ONM Angels!

EPILOGUE

LARA

I smiled sweetly at the guy standing in front, nakayuko ito na parang ina-ayos ang damit nya, nag-angat ito ng tingin at nagkasalubong ang paningin namin bigla itong ngumiti sa'kin, he even winked at me, kaya kinilig ako na parang elementary na nakakita ng crush. He is wearing a white tuxedo, that looks perfect on him, lalong umangat ang kagwapuhan nya, dahil sa ayos nya, siguro nga kung hindi siya naging businessman qualified din syang maging model at dun kami magkakakilala.

In front of me is the man I met on a bar a few years ago. The man who was forced by my father to marry me, para panagutan ang anak namin, which is a product of our beautiful mistake. At first we just planned to be a co-parent for our child, pero attraction hit us, and we fell in love with each other.

Marami na kaming pinagdaanan at maraming beses na rin kaming nasubok ng tadhana, accidents, misunderstandings, people around us na sumubok sa relasyon namin, oo marami kaming nasayang na panahon, but we already moved on. Ini-isip nalang namin na, everything that happened is just a threat to our relationship, para mag-mature kami pareho at maging matibay kami.

And look at us now. We are ready to make our vows for real sa harap ng Diyos. Yung hindi kami napipilitan lang at hindi namin iniisip ang responsibilities na naghihintay.

"Are you ready my Princess?" Tanong sa'kin ni Dad na ngayon ay isinukbit na ang kamay ko sa braso nya.

"Yes, Dad." nakangiting sabi ko at nag umpisa nang maglakad.

Everything is set, maganda ang set up ng dream garden wedding ko, thanks to our friends and family that help us to make this day possible and perfect.

Maraming invited, friends, family, business associates, at ibang kakilala namin ni Ric. Nakangiting tumingin ako sa right side kung saan nakaupo ang mga lalaki.

My son Ethan is smiling at me; he is the reason kung bakit nagkatuluyan kami ng Daddy nya. He is our foundation. Ang bilis nga ng panahon eh, he is now 7 years old. And he already recovered from the accident that happened 3 years ago.

On the left side, buhat-buhat ni Mama Janice ang 2-year-old baby girl ko, my Cara, she's a blessing, she's perfect, my younger version.

Na-delay nga ang kasal namin eh, kasi unang-una ayokong rumampa na lumulobo ang tiyan ko. Second is I want Cara to be part of our wedding so we wait until she turned two.

I smiled at Mama Janice and Joyce who plastered a bright smile, despite of the fact na bigat na bigat na ito sa tiyan nya, ay pumayag pa rin na maging maid of honor. She is now on her 8th month of pregnancy with her twin.

Bumaling naman ako ng tingin sa best man ni Ric, it's Derrick, ngumiti ito sa akin. Nagka-ayos na sila a year ago, they're good friends now, tuluyan na kasing naka-get over sa'kin si Derrick, siguro nahanap nya na ang para sa kanya. May nakita kasi akong babae na kasama nya nung minsan at madalas nyang kausap, I forgot the name pero pakiramdam ko ay nagkakamabutihan na sila.

Nandito rin pala si Eunice with her husband and daughter, ayos na talaga kami, at wala na rin akong sama ng loob sa kanya. Just like what I've said, we have moved on.

Si Racel, wala na akong balita sa kanya, hindi na rin kasi namin tinuloy ang kaso sa kanya kasi inunawa namin yung kalagayan nya. I guess she is now in France, nag-migrate ata ang buong pamilya nya doon, nung natapos ang rehabilitation nya.

Hindi na ako nagtatim ng galit at naghabol sa kanya kasi, for me, malaki man ang mga kasalanang naidulot nya sa'kin, iniisip ko pa rin yung magandang naidulot ng panghihimasok nya sa buhay ko.

Naisip ko kasi paano kung hindi sya na-insecure noon? Edi hindi kami nagkakilala ni Enrique, at wala kaming Ethan at Cara ngayon. Napapangiti na nga lang ako pag nai-isip ko yun eh. Oo mga naman, kung hindi siguro ako na-depress hindi kami magkakakilala Ric dun sa bar nung gabing 'yon.

Maybe malayo na ang narating ko sa modeling at hindi ko mararanasan lahat ng mga bagay na naranasan ko, I guess hindi kami magkaka-ayos ng Daddy ko, hindi siguro ako gan'to kasaya ngayon. And I would never experience this kind of love I have with my husband and my family.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap. "Hijo, I know you love my daughter very much." Sabi ni Dad bago tuluyang ini-abot ang kamay ko kay Ric.

"Of course Tito, magtyatyaga ba ako sa ka-artehan nito kung hindi?" sagot naman ni Ric na nakatingin sa'kin, kaya kinurot ko sya sa tagiliran. "Ouch." Natatawang reklamo nito.

Then we face the Priest to start the ceremony.

-----

"Bakit ka ba nag mamadali?" natatawang tanong ko kay Ric, he is now carrying me papunta sa suite na naka-reserve sa'min.

"Excited ako sa wedding night eh." seryosong sagot nito, kaya hinampas ko sya sa dibdib.

"Bakit di ka ba excited?" kahit matagal na kaming mag-asawa feeling ko nagba-blush pa din ako sa pinag-uusapan namin ngayon. Buti nalang talaga madilim at hindi nya nakikita ang mukha ko.

Pagpasok sa suite ay inupo nya ako sa kama, matagal kaming nagtitigan, nakita ko naman yung mata nya, yung mata nya na hindi ko nalimutan simula nung magkita kami nun sa bar.

"I love you Enrique Rafael Buenavista." mahinang bulong ko at hinawakan sya sa pisngi.

"I love you more... Misis Lara Cassandra Ng Buenavista..." he was about to kiss me on my lips nang nakaramdam ako na parang bumaligtad ang sikmura ko kaya tumakbo ako sa C.R. at doon sumuka.

Napalingon ako kay Ric na ngayon ay nanglalaki ang mga mata habang nakatayo sa may pintuan.


=THE END=
September 25, 2014

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon