EIGHTEEN

576K 7.4K 206
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

LARA

"You're awake, wait na lang baby, matatapos na itong hinanda ko para sa 'yo." Nakangiting bungad sa akin ni Enrique pagpasok ko sa kitchen.

Pero hindi ako kumibo. Kahit three days na ang lumipas ay hindi pa rin kami nagkakaayos. At nag-effort talaga akong iwasan siya, sa umaga ay hindi na ako lumabas ng maaga para hindi ko siya maabutan. Lalabas lang ako ng kwarto kapag alam kong naka-alis na siya.

Sa gabi naman, kapag alam kong parating na siya ay magkukulong lang ako. Araw-araw siyang kumakatok. Sa umaga pagkagising at bago siya umalis, tapos sa gabi pag-uwi niya at bago siya matulog. Pero hindi ko siya pinagbubuksan.

I know this was childish, pero talagang naiinis ako. Sa tuwing maaalala kong nagsinungaling siya sa akin. Then that voicemail. Naiinis akong isipin na babae ang kasama niya nung mga panahong alalang-alala ako sa kanya. At mukhang hindi lang basta-basta ang baabeng kasama niya sa kanya. Mukhang malapit na malapit iyon sa kanya. Because she addresses him with his second name.

"Baby, nagtatampo ka pa rin ba?" kailangan pa ba iyong itanong.

Pero hindi ako kumibo, umakto akong babalik na paakyat.

"H'wag ka nang magtampo please. I'm sorry." Paglalambing niya na lumapit sa akin at yumakap sa bewang ko.

"Bakit ka nandito? May pasok ka 'di ba?" pag-iiba ko sa usapan. Sabado pa lang ngayon, ibig sabihin dapat ay pumasok siya kahit halfday.

"May kasalanan kasi ako sa asawa ko e." bulong niya sa tenga ko, kaya nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok, hindi ko pa pala siya nasaway sa pagyakap niya sa akin.

"Ayoko kasing nagtatampo sa akin ang asawa ko." Patuloy niya na humalik pa punong tainga ko. "Ayoko rin siyang nakasimangot, kasi malulungkot ang baby. And lastly, I missed her so much." He said na gumagapang na ang kamay mula sa tiyan ko paangat.

Kamuntik na akong madala sa mga pinaggagagawa niya. Mabuti na lang at natauhan ako at bumalik ang inis ko. Kaya mabilis na kumalas ako sa kanya. "Tigilan mo nga ako Enrique!"

"Baby, sorry na kasi. I didn't mean to—"

"Who's with you?" patanong na pagputol ko sa dapat ay sasabihin niya.

Natigilan siya at natagalan bago nakasagot. Kaya nag-alsa ang dugo ko. Magwa-walk-out na sana ako nang bigla siyang sumagot na nagpatigil sa plano kong pag-alis.

"It's just a colleague na nagpasundo sa airport." Tumigil siya at binantayan ang reaksyon ko. Tapso nagkasarapan ng kwento tungkol sa whereabouts ng mga buhay namin ngayon." Patuloy niya pa. "Kaya baby, please wag kang magtatampo."

"Babae ba ang kasama mo?" hindi ko napigilan ang sarili ko nung lumabas iyon sa bibig ko. At nakita ko kung paano kumurba ang labi niya sa isang ngiti. Subukan niya lang akong pagsinungalungan at hindi talaga ako maakikipag-ayos.

"She is, but don't be jealous?" nagpanting ata ang tenga ko sa sinabi niya. "She was just an old friend."

"I am not jealous okay?" defensive na sagot ko.

"Okay if that's what you said." natatawa niyang sabi na pinipigilan ang tumawa. "H'wag ka na magalit baby please? Nawawala kasi ako sa konsentrasyon sa tuwing naiisip ko na nagtatampo ka at isa pa ay makakasama 'yan sa baby natin." Litanya niya na lumapit pa sa akin and frame my face using his hands. "Please? Di na mauulit." Nagpapa-cute pa niyang pakiusap.

Pero nagmatigas pa rin ako at ibayong pagpipigil ang ginawa ko, para hindi ko mapisil ang ilong niya. Nang hindi pa rin ako kumibo ay ngumuso siya.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon