SIX

632K 8.2K 198
                                    

CHAPTER SIX

LARA

Nung hapon ding 'yon ay lumabas din ako ng ospital. Umuwi ako sa condo para makapagpahinga ulit. Buo na ang pasya ko. I'm going home to Bulacan, wala rin naman akong magagawa. That was my last straw if I want what's good for my baby. Wala na din akong planong hanapin pa, whoever that guy was. Kaya ko namang alagaan ang magiging anak ko, kahit alam kong mahirap.

After ng ilan ding beses na pagpapalit ng desisyon kanina, I ended up chosing what would be the best for me and my baby. Uuwi na talaga ako sa Bulacan, pero hindi ibig sabihin n'un ay pinapatawad ko na ang Dad ko, it's just that—uuwi ako dun. Tutal naman lagi siyang out of town. So, I expect na hindi kami madalas na magkikita. Naisip ko rin na kung titira ako d'un 'di ko naman ipapaalam sa kanila ang sitwasyon ko. Maigi na ring nand'un ako just in case na may emergency, kahit paano ay may kasama ako. Alam kong hindi ako pababayaan doon ni Manang.

-----

Nag-impake ako ng gamit ko kinaumagahan. At dahil nagising ako ng maaga, naisipan ko na umalis na ngayong umaga.  Para hindi ako abutin ng matinding traffic sa daan, baka makarating ako d'un in one hour. Dinala ko lang ang mga damit na kakailanganin ko for everyday and some casual and formal clothes. Tutal naman ay hindi na ako masyadong gagala d'un and one thing, kung lolobo na ang tiyan ko. I can no longer wear my sexy outfits. Atsaka, hindi ko naman aabandunahin ang condo ko. Babalik pa naman ako dito, kaya nandito pa rin mga gamit ko.

Pasakay na ako sa kotse nang maalala kong buksan ang phone ko na kahapon pa pala nakapatay. Pagbukas na pagbukas ko ay agad na pumasok ang maraming text messages at mga limang missed calls. At mayroon d'un ilang galing kay Manager Joe, agad ko iyong binasa.

'Cassandra, I'm sorry about yesterday, I shouldn't have done that. Well if that was your plan wala na akong magagawa. Goodluck on your decisions. Regarding on your resignation. Ok lang namang hindi mo na tapusin 'yong last project mo, ako nang bahalang makipag-usap sa kanila. Anyway two weeks nalang naman, before your contract ends.'

I was touched upon reading her message. Though medyo may guilt ako, para ko kasing iniwan sa ere si Manager Joe. 'Yong tumulong sa akin at naging parang Ate ko na. Pinili ko nalang na h'wag nang sumagot. Dahil nahihiya ako. 'Di bale someday, I can face her and sincerely give my apologies and thanks to her.

Bago ko pa man ma-exit ang messages ay may isang pangalan ang umagaw sa pansin ko. That's why I swipe it immediately and read the message.

'Hey Sweetie, are you alright? I heard what happended to you on your photoshoot.'

I can't help myself but to smile as I read his message it was from Harry. He was a dear friend to me, we are close to each other. Well actually he was my secret ex-boyfriend, since relationship with co-models were not allowed in our company. And now, even though we're no longer in a relationship, we're not distant from each other. Mas lalo pa nga kaming naging malapit sa isa't isa e, siguro nagising nalang kami pareho realizing that we were not meant to be.  At ang nakakatuwa sa kanya, kahit ilang ulit ko siyang sawayin, he never stop calling me endearments he used to call me back then.

The sad thing, kahit close kami, hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang sitwasyon ko. Because for sure he will go ballistic, he was overprotective when it comes to me. Parang naririnig ko na nga ang sasabihin niya kung malalaman niya ang sitwasyon ko.

'I respected you when we were together Cassie, so who's that fucking asshole who disrespected you?'

Nagawan niya na rin kasing sugurin ang isang lalaking nambastos sa akin sa isang bar noon, at talagang napa-away siya because of that. Paano pa kaya kapag nalaman niya ang sitwasyon ko?

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon