TWENTY FIVE

451K 6.6K 396
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

ENRIQUE

Hindi ako mapakali sa labas ng emergency room. Kanina pa nasa loob si Lara. Hindi ko talga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko.

Palakad-lakad lang ako paroo't parito sa harap ng pinto. Natawagan ko na rin si Tito, pati si Mama. Hndi ko na kasi alam kong anong gagawin ko, hindi ko rin alam kung paano ko sila haharapin ngayon.

Napapikit ako muli ng mariin nang maalala ko ang itsura ni Lara nung magising ako at makita ko siya sa condo hanggang sa mawalan siya ng malay.

Ewan ko kung katangan ang nagawa ko. I love her, yes I do and last night was supposed to be the night that I would tell her about it. Alam kong parehi na kami ng nararamdaman para sa isa't isa pero napakatanga ko. I made the biggest mistake in my life.

Dapat kasi ay hindi na ako nakipagkita pa kay Eunice. Alam kong si-net-up niya lanag ako. She said that she will just talk to me, pero niyakag niya akong uminom and the next thing I knew. Nagkaganun na.

Mag-iisang oras na rin akong nag-aantay sa labas pero wala pa ring lumalabas sa emergency room. At sa loob ng mga oras na iyon ay halos hindi mapanatag ang paghinga ko. I wanted to call on to every saints I know to save my wife and unborn child.

Mg kalahating oras pa siguro ang lumipas ay dumating din si Tito. Hindi ko alam kung paano ko siya pakkiharan. Kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanya. Lalo na siguro kung may mangyayari sa anak ay apo niya. Pinagkatiwala niya sa akin ang anak niya but I failed him.

"What happened Ric?" seryosong tanong ni Tito sa akin, hindi ako makasagot napayuko lang ako. "Ric! Tinatanong kita!" tumaas na ang boses ni Tito.

"I am sorry..." tanging nasa ko na lang na nakatungo pa rin."

Magtatanong pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas d'un ang doctor. Magkasabay kami ni Tito na lumapit dito.

-----

LARA

The moment I opened my eyes I already knew where I was. May nakakabit pa sa aking IV tube. Napahawak ako sa tiyan ko at kinkabahan ako, para akong maiiyak nang maalala ko ang nangyari.

Hindi ko alam kung kakayanin ko kung sakaling... Ah, ayokong isipin...

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang pinakahuling taong gusto kong makita.

"Thank God you're awake." umaliwalas ang problemado niya mukha at lumapit sa kamang kinahihigaan ko.

Sa itsura niya ay halatang wala siyang tulog at hapong-hapo. Pero hindi ako naaawa sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" naiiyak na tanong ko. "Get out!" hysterical na talaga ako. "I don't want to see you!" sigaw ko pa, kaya nanatili na lang siya sa kinatatayuan niya. Pain was written all over his face. Pero wala akong pakialam.

Maya-maya ay pumasok si Daddy kasama ang isang doctor.

"Dad..." naiiyak na tawag ko kay Daddy.

"Yes Sweetie nandito lang ako." si Daddy na agad na lumapit sa akin.

"Dad, palabasin mo siya... Please?" makaawa ko kay Dad. "I don't want to see his face." I hate him!

Sumenyas naman ang huli sa isa kaya lumabas din ito ng kwarto. At kahit pilit kong inniwasan ang mga mata niya ay hindi nakaligtas sa akin ang pagsisisi sa lungkot ng mukha siya.

"Okay Sweetie, just relax." pagkalma sa akin ni Dad.

Tumingin ako sa kanya at may naalala. "Dad... my... my baby?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Napahigpit pa ang hawak ko sa kumot na nakatakip sa tiyan ko.

"The baby is fine." nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko. "You just need some rest before you can go home." patuloy ni Dad na hinawi ang buhok ko.

Who would have thought? Na sa gitna ng ganitong pangyayari ay si Dad pa pala ang kakapitan ko.

Bago umalis ang doctor ay nagpaliwanag ito at nagbilin. Alagaan ko lang daw ang sarili ko. Nagkaroon daw ng bleeding dahil sa pagtama ko sa pinto at sa stress ko. Pero sa ngayon ay ayos na daw kami pareho ng anak ko. Nagbigay lang sila ng vitamins at pampakapit.

Nang makalabas ang Doctor ay bumaling ako kay Dad. "Dad, saan ako uuwi?" para naman itong nagulat sa tinanong ko. Pero mukhang naunawaan niya naman.

"Saan mo gusto?" tanong nito na hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Sa 'yo ako uuwi Dad." tumngo-tango ito.

"If that's what you want, Sweetie." ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. It felt home. I missed my Dad so much. Pagkatapos ng mahabang panahong pagtikis ko sa kanya ay sa kanya at sa kanya pa rin ako uuwi sa tuwing madadapa ako.

Ilang beses sinubukan ni Enrique ang makapasok sa kwarto ko buong maghapong iyon. Pero mahigpit ang bilin ko kay Daddy, na kahit sa pagtulog ko ayaw kong makapasok siya.

Ngayong gabi na rin daw akong ilalabas ni Dad, para hindi gan'un katindi ang traffic pauwi sa Bulacan.

-----

Naalimpungatan ako sa marahang pagpisil sa kamay ko, pero nagpanggap akong tulog.

"Lara I am sorry... hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkagaling namin sa bar." mababang boses na sabi ni Enrique, huminga siya ng malalim bago muling nagpatuloy. "Dahil pagkagising ko ikaw na ang nakita ko at 'yon ang naabutan mo." patuloy niya na humigpit ang pagkakakapit sa kamay ko.

"Masaya ako na ligtas kayo ng anak natin." tumigil siya at suminghot. He was crying. "Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa inyo." his voice was broke now at may tumulong luha sa kamay ko. Kasunod niyon ay ang paghalik niya dito.

I should've shove him away but I chose to listen to him, so I pretended to be asleep.

"I'm sorry Lara... I love you..." mahinang bulong niya. Natigilan ako doon. Buti na lang at hindi niya napansing gising na ako. "But I respect your decision." suminghot ulit siya at bumuntong hininga. "Aantayin ko kung kailan ka babalik para patawarin ako dahil hindi ako magsasawang humingi ng tawad at suyuin ka, dahil alam ko ang kasalanan ko." para akong maiiyak sa mga binitiwan niyang salita.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko, medyo matagal din 'yon. Kasunod n'un ay ang paglapag niya ng isang kahon sa bandang tiyan ko. Then I heard his footsteps away at ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Dumilat ako, mabilis na tumulo ang mga luhang naipon sa mga mata ko. Tinignan ko ang kahong iniwan niya, binuksan ko iyon at nakita ang isang kwintas na may hugis pusong palawit. Pinaliwanag man niya ang side niya ay hindi ko pa rin siya basta-bastang mapapatawad.

At hindi na magbabago ang isip ko. I would tell Dad my plans later. Walang sinuman ang makakpigil sa akin. Kaya ko namang buhayin ang anak ko ng mag-isa e. 'Yon naman kasi talaga ang plano ko nung unang nalaman ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Nagkandaleche-leche lang nung dumating si Enrique sa buhay ko.

Pero aminin ko man o hindi—wala akong pinagsisisihan sa mga masasayang alala na nabuo naming magkasama. Inaamin ko, those were the happiest moments in my life. Pero 'yong sakit na naramsan ko, 'yon ang nagtutlak sa akin para kalimutan 'tong nararamdaman ko at huwag siyang patawarin.

I think it was the best thing to do. Para makapag-move on na din ako.

Basta ngayon, handa ako sa magiging consequence ng desisyon ko. Me and my child can live alone.

---

Salamat sa pagbasa... Vote and looong comment.. Ano kaya ang desisyon ni Lara? Taas ang kamay ng may gusto ng Dedic!

~LEYN~

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon