FOUR

662K 9.3K 300
                                    

Some scenes are not suitable for very young age..

Read at your own risk.

CHAPTER FOUR

LARA

Umuwi din ako sa Manila ng hapong iyon. Ayoko kasing maabutan ako 'dun ni Daddy, dahil for sure nakabalita na 'yon na dumaan ako sa mansion. The day after that I decided to visit my Ob-gyne, para mapacheck-up ang baby. It was now confirmed I was five weeks pregnant, tamang-tama ang calculation from the date of that one-night mistake. Maayos naman daw ang pregnancy ko, kaya 'wag daw ako matakot. That was usually the worries of first-timers. Inumin ko lang daw ng tama ang mga nireseta sa 'king vitamins at iwasan ang sobrang stress.

I decided to continue my work, isang buwan na lang naman at matatapos na ang kontrata, nakapagsend na ako ng email sa management para tapusin ang contract. So for now, tatapusin ko lang ang isang buwan habang hindi pa halata ang tiyan ko. As for the money, I think may makukuha naman akong malaking separation pay for working on their agency for five years. So for now habang nakaka-sideline pa ako, I will save money. About my car, I would sell that once I need the money. I think hindi pa siguro ito mahahalata kahit mag-two months. Then maybe kapag wala na akong work, I can take some sidelines for pregnant models para kahit papaano may income ako. Wala na akong pake kung malaman ng lahat na buntis na ako. Wala silang say sa buhay ko. It's mine not theirs.

Malapit na ako sa elevator para pumunta sa grocery sa ground floor ng condo building na tinitirahan ko, when I noticed a familiar figure na kakasakay lang ng elevator. Nakita kong napatingin siya sa gawi ko kaya agad akong tumalikod at nagmamadaling binuksan ang yunit ko para makapasok sa loob. Mabilis ang kabog ng dibdib ko sa bilis ng pangyayari. Kinakabahan ako. Sa sobrang kaba ko ay naupo nalang ako sa pinakamalapit na upuang nakita ko. I need to calm myself.

But why is he here? May alam na ba siya? No, walang nakakaalam nito kaya imposible, and besides, hindi niya din naman ako kilala. Sana lang talaga ay hindi niya ako nakita, dahil hindi pa ako handang makita siya.

Alam kong may karapatan siyang malaman ito and I need his help... But I can't just show up infront of him after a month and cooly tell him. 'Mister Stranger you knocked me up after that night in your condo.' At paano kung may pamilya na pala siya? Hindi ko rin masasabi, I know men, they can do that. At ano ako? A mistress? How about my baby?

I close my eyes to avoid those thoughts pero bumalik ang pangyayari nung gabing 'yon

-----

FLASHBACK

I was really upset that night kaya naisipan kong mag-bar. I know hindi safe na pumunta akong mag-isa dito. Pero gusto kong magtanggal ng sama ng loob. Hindi talaga ako mahilig uminom, nainom lang ako kapag kailangan, like victory parties and such. Pero iinom ako ngayon, I don't care kung malasing ako. Sobrang masama lang talaga ang loob ko.

"Margarita please." Utos ko sa bartender. Nasubukan ko na ang margarita, alam kong matapang 'yon, but I don't care. Pumuwesto ako sa isang sulok ng bar counter, kung saan wala masyadong tao.

Ano nga ba ang ginagawa ko sa bar na ito?

Sobrang sama ng loob ko because my Dad meddled again in my life. Akala ko tumigil na siya at natanggap niya nang kaya kong maging successful at magkaroon ng sarili kong pangalan sa indutriyang kinabibilangan ko. Pero mali pala ako, kasi nanggulo na naman siya. I know he was capable of doing that, because this is not the first time that he used his power to turn down an opportunity for me. Noon, oo hinayaan ko nalang siya. Pero ngayon? Masakit ito para sa 'kin. It was supposed to be my stepping stone to have my limelight. Magiging international model na dapat ako, pero nung papunta na ako sa appointment to sign the contract, I found out that they cancelled it, for not so valid reason.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon