NINETEEN

490K 6.7K 152
                                    

CHAPTER NINETEEN

LARA

Almost nine pm na kaming umalis sa party. Napahaba kasi ang pakikipagkwentuhan ni Enrique sa barkada niya. Ako naman ay nakipagkwentuhan lang kina Sam at Katie. Naaliw din ako sa mga anak nila. Na-excite tuloy akong lumabas na ang baby ko.

Ilang minuto na kaming nasa byahe pero hindi ako masyadong kumikibo, dahil naiinis pa rin ako sa nalaman ko kanina. Kaya mas pinili ko na lang na huwag i-open up, dahil parang napakababaw ko naman para makipag-away about that. Well simple matter, samantalang kanina nga lang kami nagkaayos.

"Baby, bakit 'di ka kumikibo?' pagbasag ni Enrique sa katahimikan. "May problema ba? Napagod ka ba?" patuloy niya as he squeezed my left hand that was on my lap.

"I'm tired."

"You can take a nap habang nasa byahe tayo." He said smiling na kinuha ang kamay ko at dinala sa labi niya. Tumango lang ako at ipinikit ang mga mata ko. Hindi naman talaga ako inaantok, I just don't want to talk to him right now. Gusto ko munang humupa ang tampo ko sa kanya.

-----

Nagising ako sa marahang pagtapik sa balikat ko. "Lars' wake up. We're home." Sa pagbukas ng mga mata ko ay ang nakangiting mukha na agad ni Enrique and bumungad sa akin.

"Akala ko hindi ka pa gigising, I was about to kiss you. Kaso dumilat ka." Parang nanghihinayang na sabi niya.

"Tara na, d'un ka na matulog sa taas. Or do you want me to carry you?' he asked teasingly. I was about to stand nung bigla niya akong binuhat. Kaya napatili ako at pinaghahampas siya sa balikat.

"Baby bakit parang hindi naman kayo bumibigat ng baby natin?" he asked as he kissed me on my temple.

"Because we're just three months, maliit pa ang baby." I answered na hindi namalayang nakapasok na pala kami sa bahay at nakarating na rin sa kwarto.

"Baby what do you want? A boy or a girl?" he asked as he lay me on our bed.

"Ahm, I want a girl, but I think I also want a boy." I answered him honestly. "How 'bout you?" malambing na tanong ko sa kanya, my head was leaning on his arm as he was half sitting on the bed while watching me. I wanted to pinch his nose.

"That's not a problem. Pero sa totoo lang gusto ko na lalaki ang maging panganay." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Bakit may mali ba sa sinabi ko?" nag-aalalang tanong niya nung makita niya ang reaksyon ko. Hindi ako nagkomento.

"I also want a girl." Patuloy niya pa rin. "Sana nga twin, katulad namin ni Joyce or maybe if he turned out to be a he, pwede naman nating sundan." Nabilaukan ata ako sa huli niyang sinabi kahit wala naman akong iniinom. Sabi na nga ba't may tinutumbok ang mga sinasabi niya e.

"Hey are you alright? Do you want me to get you a water?" alalang tanong niya. Tumango naman ako, kaya mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Inaantok na ako nung makabalik siya. Halos nakapikit na nga ako nung kinakausap niya ako. Hindi na niya ako inabala pa at tumabi na sa akin. And hugged me, as he caressed my tummy.

"I still don't know what I really feel right now, but I am happy on what we have right now." Hindi ko alam kung sa panaginip o guni-guni ko lang iyon narinig.

-----

"Baby, alis na ako male-late na ako e." paalam ni Enrique na humalik sa pisngi ko. Hindi na rin ako nakasagot dahil gusto ko pang matulog. Ewan ko ba, feeling ko nadelay sa pagbubuntis ko ang pagiging antukin ko.

Ilang araw na kasi akong tanghali na kung magising. Hindi naman ako ganito dati. Tapos sa gabi dahil madals ang overtime ni Enrique, tulog na ako sa tuwing dumarating siya. Kaya halos hindi na kami nagkakausap. Isang linggo na kaming ganito.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon