TWENTY EIGHT

492K 7K 198
                                    

Thanks for waiting...

CHAPTER TWENTY EIGHT

LARA

Pagbabang-pagbaba ko pa lang ng eroplano ay alam ko ay nakaramdam ako ng pagka-miss. The air, the weather everything. And it feels like home. Finally, I am home.

Akala ko hindi na ako muling tutuntong dito pero heto ako, bumalik ako. Iba pa rin pala ang pakiramdam when you go back to the place where you came from.

"Ma'am do you need a help?" nakangiting alok sa akin ng attendant na nakasalubong ko.

"Please." nakangiting tugon ko. Kasalukuyan kasing tulog si Ethan sa bisig ko kaya hindi ko maitulak ang gamit namin.

"Ma'am do you have someone to pick you up? Or are you going to take a cab?" tanong ng attendant na tumulong sa akin.

"I'll just take a cab." yon lang at hinatid niya na ako sa taxi bay.

"Thank you." pasalamat ko na nag-abot ng tip. Hindi naman dapat ako magka-cab, kasi nag-assign si Edrin ng susundo sa akin, pero sinabi ko na babyahe na lang kami. Tutal doon naman kami didiretso sa condo ko. Pinalinis na 'yon ni Edrin.

Habang sakay ng taxi ay tumingin ako sa paligid. Madami-rami na rin pala ang nagbago dito. Natulala ako bigla nung mapadaan kami sa ospital kung saan ako sinugod noon.

Then I remembered something from the past.

-----

FLASHBACK

"Are you sure about this Hija?" tanong sa akin ni Daddy habang nalakad kami papunta sa elevator. Tumingin ako kay Daddy at tumango, at nagpatuloy sa paglalakad. Dapat nga ay tinutulak niya ako sa wheelchair pero tumanggi ako. Kaya ko na naman e.

Halos pasakay na akmi sa elevator nang may humawak sa kamay ko. "Lara, are you sure about this?"

Hindi ko nilingon at snagot man lang ang tanong na iyon.  I don't want to see him, I don't wanted to talk to him.

"Baby, please listen to me..." Mahinang pakiusap niya pa. "I'm sorry I'll explain to you everything." pagmamakaawa niya pa. "I don't know what will happen to me, without you Lara, please..." Umalis na pala si Daddy ng hindi ko namamalayan.

Tumalikod na ako para makasakay ng elevator, but he grabbed my arm this time. "Babe, let's start again." halos basag na ang tinig niya. Pero hindi ako nagpadala sa pagmamakaawa niya. Ipinikit ko ang kamay niya at nag-umpisa na akong maglakad.

Nakakailang hakbang palang ako nang muli siyang magsalita. "I love you." natigilan ako sa kinatatayuan ko at bumilis ang pintig ng puso ko. Kaya napapikit ako ng mariin. Bibigay na sana ako pero biglang bumalik sa akin ang mga nangyari nung gabing 'yon.

Nag-umpisa na akong maglakad na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Hindi ko na nga rin namalayan ang pagtulo ng luha ko. I even heard him called my name pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy ako sa pagsakay sa elevator.

END OF FLASHBACK

-----

"Ma..." natigil ako sa pagnbabalik tanaw ko nang marinig ko si Ethan.

"Just sleep baby..." bulong ko na tinapik-tapik siya sa balikat, kumalma naman siya at pumikit muli.

Ang sarap talagang tignan ng anak ko kahit tulog. Medyo mamula-mula pa ang pisngi niya, marahil ay sa init. Ngayon ko masasabi na hindi ako nagsisisi na mas pinili ko ang buhayin ang anak ko kaysa ang ipagpatuloy ang career ko.

I kissed him on his forehead and hugged him tightly.

-----

"Yes Edrin, thanks you, we're already at my condo."  Sagot ko sa sekretarya ni Dad. Inaayos ko ang mga gamit naming mag-ina nung tumawag ito. "How is he?" nag-aalalang tanong ko.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon