TEN

561K 8.8K 455
                                    

CHAPTER TEN

ENRIQUE

The moment I heard the news about Lara's pregnancy ay hindi na ako mapakali. I was confused and shocked at the same time. I really wanted to talk to her the moment she opened her eyes.

Ngayon pa nga lang na hindi ako sigurado kung akin 'yon ay nagi-guilty na ako. Ano na lang ang sasabihin ko kay Tito?

Nakikinita ko pa kung paano ang itsura ni Tito when he heard that news. Kung paano niya sigawan si Lara.

Napatayo agad ako nang makita ko si Tito na lumabas ng hospital room ni Lara. Kapansin-pansin na problemado ito, dahil sa matinding pangungunot ng noo niya.

"We need to find that guy, kailangan niyang panagutan ang anak ko." He said in finality which send shivers to me.

Napatango nalang ako bago siya nagpaalam para i-settle ang hospital bills. I told him that I'll just stay here. Mabuti na nga lang at hindi nagdududa si Tito sa mga kilos ko. When I chose to be here and stay at Lara's room nung umuwi si Manang. Kung tutuusin naman ay wala akong koneksyon kay Lara, unless tama ang suspetsya ko.

Paano kung ako nga ang ama? And that beautiful mistake of us is that baby?

Kaya nung nalaman ko ang balita ay hindi ako mapakali, I want to know the truth. Gusto ko na nga siyang gisingin kanina, just to know the truth.

Pero nung nagising siya, ay para akong nawalan ng lakas ng loob na magtanong, dahil kahit ako sa sarili ko ay hindi pa handa sa ganoong responsibilidad.

Mga limang minuto lang siguro ang lumipas bago ako iwan ni Tito ay hindi ako mapakali, nagdadalawang-isip ako. Kung papasok ba ako sa loob o hindi. Pero sa huli ay nakapagdesisyon din ako.

I found her lying on her bed, she is currently staring at the ceiling, sa palagay ko ay hindi niya naramdaman ang presensya ko. Dahil hanggang sa makalapit ako sa kama niya ay hindi pa rin siya kumikibo.

-----

LARA

Nakatulala lang ako sa kisame, habang iniisip ko kung ano ang gagawin ko paglabas ko ng ospital. Ilang minuto na rin akong nakatulala nang may naramdaman akong pumasok. Pero hindi ko iyon pinansin.

Alam ko naman kung sino 'yon kahit hindi ako lumingon, his natural scent is enough para makilala ko siya. He is already near my bed. Pero hindi pa rin ako tuminag sa pagtitig sa kisame, as if, it is the most interesting thing in the world.

Nakarinig ako ng pagtikhim kaya bumaling na ako sa nakatayo sa tabi ko.

Alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari, this will be the confrontation I am afraid to happen.

"Is it mine?" kalmado, pero determinadong tanong niya. Agad akong nag-iwas ng tingin, I don't want to look at those beautiful eyes of him, dahil takot akong mahuli sa expresyon ng mukha ko.

"Damn! Look at me, why you can't answer my question?" nabigla ako sa biglang pagmumura niya.

"Shit! You were seven weeks pregnant. And I am wondering if it's mine, because I am your first." Nataasan ata lahat ng mga balahibo ko, dahil sa huli nitong sinabi. "Unless, you slept with another man the next da—"

"Damn you! I am not what you think I am." I shouted cutting him off. Shit! That hurts, ang pag-isipan niya akong maduming babae.

Napatingin ako sa kanya, bago muling nagsalita but regret on what I just said. "I—I gave myself to you, I was drunk. Do you think after that mistake I will do it again with some..." I trailed off, realizing na binubuko ko ang sarili ko.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon